Ngayong araw, ako ay lubos na nagagalak at ang puso ko'y labis ang tuwang nadarama. Wala akong pagsidlan ng kaligayahan at ang damdamin ko'y napupuno ng pasasalamat at pagsinta.
Sapagkat, mga pre, kung hindi n'yo naitatanong, ngayong araw ay pinagdiriwang ko ang aking 1000+ Votes Day!
Yehey!
Noong nagsimula ako sa pagwa-Wattpad magtatatlong buwan pa lamang ang nakakalipas, hindi ko lubos akalaing makakaabot ako ng ganito. Ni hindi ko nga inakala na may mga taong mag-aaksaya ng panahon nila upang basahin ang mga kwentong produkto lamang ng aking malawak at kung minsan ay berdeng imahinasyon.
Sa aking pagbabalik-tanaw, kung hindi ako nagkakamali, noong aking nailathala ang una kong kwento na pinamagatang "Nahanap Na Ni Billy Ang Sarili Niya", ang botong aking natanggap ay humigit kumulang 0.
Bokya. Wala akong natanggap na boto noon at wala ring reads.
Sa nangyari, ako ay nadismaya at nalungkot. Pakiramdam ko hindi ako nag-e-exist at ang talentong pinaniniwalaan kong meron ako sa pagsulat ay imahinasyon ko lang. Bumaba ang tingin ko sa sarili kaya hindi ako umasang may mga nilalang na makakapansin ng aking mga literatura.
Ngunit, ganon man ang aking sinapit sa mga unang araw ko sa Wattpad, hindi parin ako tumigil sa pagsusulat. Sapagkat sa pagsusulat ako masaya at alam ko balang araw may mga tao ring makakabasa ng mga nailathala ko at matutuwa rin sila tulad ng pagkatuwa ko habang sinusulat ko ang mga ito.
At ngayon nga, sa paglipas ng panahon at sa pagiging abala ko sa mga bagay-bagay, hindi ko namalayan na lampas 1000 na pala ang bilang ng votes na natanggap ng aking mga kwento. At may mga mabubuting tao na rin na naka-appreciate at napasaya ng mga nailathala ko.
Kung anong sayang naidulot ng aking mga kwento sa inyong buhay ay siya ring sayang naidulot nito sa aking puso sa inyong pagtangkilik sa mga ito.
Pakiramdam ko kinukurot ang aking puso sa tuwing naaalala ko ang ipinamamalas ninyong suporta at kabutihan sa akin.
Akala ko kasi noon ay walang makakapansin sa isang pogi at baguhang manunulat na tulad ko. Ngunit sa inyong mga komento at pagboto, pinatunayan ninyong lahat na mali ako sa pag-aakalang hindi ako nag-e-exist sa mundong ito.
Ang inyong mga salita ay buhay na patunay na si Uwa Allejo ay may lugar sa planetang Earth. At kahit papaano, bukod sa likas na angking kapogian, ay meron ring talento sa pagsulat ng mga "makabuluhang" kwento.
Hindi n'yo man nakikita ngunit naiiyak talaga ako. Kasi nga napakabuti n'yo. Sana humaba pa ang mga buhay n'yo at dumami pa ang lahi n'yong mga hayop kayo. Syet. Pinapaiyak n'yo talaga ako. Mga putang ina kayo. Tang ina n'yo. Mga hinayupak. Basta mga gago kayong lahat!
T^T
Mula sa kaibuturan ng aking Hypothalamus at sa ngalan ng lahat ng hormones na sini-secrete ng aking Pituitary Glands, Thyroid Glands, Parathyroid Glands, Adrenal Glands, pati na ng aking Gonads, lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat na walang humpay na sumusuporta sa akin at patuloy na binabasa at magbabasa ng aking mga nailathala at ilalathala.
Mabuhay kayo! At mabuhay din sana ang mga patay n'yong kuko!
Ang totoo, ilang libong beses na akong nag-contemplate na i-close ang aking Wattpad Account. Dahil nga kagaya ng aking tinuran, ako ay lubhang abala sa mga bagay-bagay.
Gusto ko mang magsulat ng magsulat, hindi ko na ito magawa at maisakatuparan sa ngayon. Sa kadahilanang may mga bagay akong dapat na mas pagtuunan ng pansin na halos kumakain ng aking buong oras sa araw-araw.
Pero 'wag kayong mag-alala, wala na akong balak na i-deactivate ang aking Watty. May isang ibon kasi na naghikayat sa akin na huwag ko na lang ituloy ang aking plano. Ang ibon na 'yun ay itago na lang natin sa pangalang Mr. Birdie also known as My Penaynay. LOL, JOKE! #Hahaha
Basta, dahil malakas siya sa akin at masunurin naman akong nilalang, sinunod ko si Mr. Birdie.
Bagamat abala ako sa mga kapakshitan ko sa buhay, hindi ko tatalikuran ang pagsusulat. At sana patuloy n'yo parin akong suportahan at mahalin at minsan ay ilibre na rin ng kape. *wink*
Ang dami ko nang sinabi. Tang inang 'to. Nakakabading. Akala mo naman milyones na 'yung votes ko. Mukha akong tanga. LOL
Ngunit, subalit, datapwat, muli, lubos ang aking pasasalamat sa inyong lahat na naka-appreciate ng existence ko kahit na hindi ko kayo kilala at hindi n'yo rin ako talaga kilala dahil alam ko naman napogian lang kayo sa akin. #TrueStory #Hahaha
Lubos kong kinagagalak ang pagpapadama n'yo sa akin ng inyong pagmamahal. 'Wag kayong mag-alala, mahal ko rin kayo.
Maraming maraming salamat, mga minamahal kong yagit. Kape tayo!!!
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown