Bagyo + Bored + Gutom = ?

256 34 20
                                    

At dahil nga sa nagdaang Bagyong Lando at dineklarang walang pasok, natengga lang ako sa bahay, walang maggawa, 'di makalabas at wala ding makain (naubos ko na kasi ang laman ng pridyider). Okay lang sana kung ganun basta may internet e pero mukhang naapektuhan ng masamang panahon ang internet provider namin dahil mas mabilis pang tumakbo ang naghihingalong lumpong nag-i-sleepwalk kesa sa internet connection sa bahay.

Nakakapoot lang. Hilo ka na sa pag-ikot ikot ng loading loading tapos pagkatapos ng tatlong oras ay unable to connect to the Internet o di kaya'y page not found error something something bullshit lang ang lalabas sa monitor mo.

Hay nako.

Kaya 'yun. No choice kung hindi magkulong sa kwarto habang binabayo ng bagyo ang buong Luzon.

Wala akong magawa kaya nanuod na lang ako ng naka-save na kwan sa laptop. At hindi naman ako na dismaya. Naaliw naman ako. Grabe. Nang dahil sa palabas na 'yun naubos ang lakas ko. Whoo!

Sa pagtawa! Naubos ang lakas ko sa pagtawa! Baka kung anong isipin n'yo d'yan e. Wholesome 'tong update na 'to, huy. Wholesome! Haha

Nanuod kasi ako ng Tom and Jerry, mga pre.

Grabe talaga. Kahit na ilang beses ko na itong napanood ng paulit-ulit at memoryado ko na ang lahat ng susunod na eksena e andami ko paring tawa, sumakit na 'yung tiyan ko at hindi ko na nga rin yata napigilan na mautot sa kaligayahan.

Pakiramdam ko nga kung may tao lang sa Mars, malamang narinig nila ang halakhak ko. Pati nga yata ang mga astronaut sa NASA makikita sa teleskopyo nila ang ngala-ngala ko sa sobrang kaligayahan ko noong mga panahong 'yun.

Wala e. Happiness overload ako, mga tsong.

Noong natapos na akong manuod, bumaba na ako sa sala, nagbukas ng ref, naghanap ng makakain, walang nakita maliban sa hilaw na pipino, yuck, sinara ang ref, at tumaas uli sa kwarto.

Pagkatapos ng dalawang minuto, bumaba uli ako. Nagbukas ng ref, naghanap ng makakain, walang nakita maliban sa hilaw na pipino, yuck talaga, sinara ang ref, at tumaas uli sa kwarto.

Dalawang minuto uli ang lumipas at lumabas ulit ako ng aking kwarto. Nagbukas ng ref, naghanap ng makakain, walang nakita maliban sa hilaw na pipino, yuck talaga bakit ba may pipino sa ref? Sino ba kumakain nun?, sinara ang ref, at tumaas uli sa kwarto.

Ganun lang ang ginawa ko ng paulit-ulit. Nakalimang balik yata ako hanggang sa mapansin ni mama ko ang ginagawa ko at sinita ako.

Bago pa ako makapanhik sa hagdan, tinawag n'ya ako.

"Ano ba 'yan? Nahihilo na ako sa'yo. Ikot ka ng ikot."

"Wala akong magawa. Tsaka nagugutom na ako."

"Kakakain mo lang ah."

"Eh gutom nga ako e!"

Tas 'yun tumaas na uli ako sa kwarto ko. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa aking silid, narinig kong may binulong si mama ko.

Sabi niya, "Sus, mamaya bababa na naman 'yan."

Napamangot tuloy ako. At tiniis ko talagang 'wag bumaba. Pinigilan ko ang aking mga paa na kumilos ng sa kanila papunta sa sala. Ni-lock ko 'yung kwarto ko. Akala naman ni mama ko na bababa nga ako. Ha! I'll prove her wrong. Hindi ako bababa!

Nasa loob lang ako. Nakatayo. Nag-iisip. Gutom.

Pakiramdam ko ay ilang dekada na akong nakakulong sa kwarto ko. Hindi ko talaga matiis, parang ang kati-kati ng katawan ko. Ganito ba talaga kapag bored na bored na bored ka na sa buhay mong gago ka? Haha. Letse lang. Binuksan ko na lang 'yung pinto pero 'di muna ako agad lumabas. Pinapakinggan ko muna kung nasa sala pa si mama ko.

Noong pakiramdam ko e wala na siya, dahan-dahan akong bumaba. Ayos wala si mama ko sa sala. Kaya dumiretsyo na ako sa ref, binuksan ito at naghanap ulit ng makakain.

Syempre as usual, wala na naman akong nakita maliban sa hilaw na pipino, yuck talaga bakit ba may pipino sa ref? Sino ba kumakain nun? Kinuha ko 'yung pipino tapos ay hinampas ko sa ulo ko tsaka ko binalik sa loob, sinara ang ref, at napabuntong hininga.

Tataas na sana ulit ako sa kwarto ko nang may nagsalita sa likod ko na halos ay ikatalon ko sa gulat. Jusme.

"Sabi ko na e! Sabi ko na!" tawa ni mama ko mula sa kusina.

"E ano kung bumaba nga ako? Don't judge me!" kahit ako napatawa na rin. Mukha talaga akong tanga minsan.

The end.


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon