Kagabi, may nakita akong dalawang ipis na seryosong nag-uusap. Hindi ko na sila inabala pa....
Pinaghahampas ko na agad sila ng walis. 'Yun! Dead on the spot ang isa habang nakawala naman ang partner niya. Pero bago pa siya makapuslit, naputulan ko muna siya ng 2 hita, 3 braso at 1 antenna.
Sabi niya, babalik daw siya, magpapagaling lang tapos maghihiganti kasama ang barkada niya. Pinakitaan pa niya ako ng mga pakpak. Akala naman niya mukha siyang butterfly sa ginawa niya. Tapos 'yun lumipad-lipad na siya at nagtago sa ilalim ng lababo.
Babalik daw siya. Pssh. Hindi ako natatakot.
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown