Noong nagsimula akong mag-Wattpad dalawang buwan na ang nakakalipas, isa lang 'yung follower ko. At dahil may agad na nag-follow sa akin ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ng gumawa ako ng account, hindi ko napigilang maiyak.
Humihikbi ako habang pinagmamasdan ang kaisa-isang nilalang na naka-appreciate ng existence ko.
Tears of joy, mga pre. Syet.
Hindi ko alam kung bakit niya ako nai-follow. Siguro naawa siya sa akin o baka napogian o baka nagkamali lang. Ewan ko. Hindi ko na siya tinanong at baka i-unfollow pa niya ako.
Noong sumunod na araw, nagulintang ako sa nakita. Nadagdagan na! Naging dalawa! Anak ng pating! Dalawa na followers ko! Syet!
Muntik na akong magpa-Canton sa baranggay namin sa sobrang happiness.
Sa pangatlong araw, kinilabutan na talaga ako. Dahil nadagdagan uli sila! Naging tatlo! Naisip ko, tangna. Napakarami na nila. Hindi ko na kaya. Nakaka-pressure.
Lumipas pa ang mga araw at umabot na ang mga followers ko sa pito! Pito! Hindi ako makapaniwala. May pitong nilalang na nag-follow sa akin!
Muntik na akong himatayin sa kaligayahan! OMG!
Wala pa nga akong naipa-publish na kwento, pito na agad ang followers ko. Hindi ko tuloy mapigilang tanungin ang sarili ko, "Dahil ba 'to sa angking kapogian ko?" Syet naman.
At dahil nga may mga followers na ako, nagsimula na akong mag-publish ng mga story na kapupulutan ng ginintuang aral...... Joke! Walang aral na mapupulot sa mga story ko. Panay katangahan lang. #HAHAHA
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown