Kagabi, hindi ako makatulog. Nagawa ko na yata ang lahat ng posisyon pero wala paring epek. Gising na gising pa din ang diwa ko. Hanggang sa kung anu-ano ng ideya ang naglaro sa isip ko.
Paano raw kapag naubos ang mga saging sa planeta ibig bang sabihin noon ay kasabay na ring mawawala sa mundo ang paborito kong Banana Ketchup? Paano raw kung sa paggising ko malaman ko na lang na tinubuan na ako ng pangalawang "sandata" 'yun nga lang sa noo. Kung ilang plastik labo ng "fart gas" ang kailangan para makabuo ng matinding atomic bomb. At kung paano ako makakagawa ng gamot sa cancer gamit lang ang bulaklak ng gumamela.
Ang daming shit na alam ng utak ko. Wala namang sense. Pero kahit na kasumpasumpa at nonsensical at its finest ang aking late night thoughts, ako naman 'tong game na game sa pagpatol sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko kahit na walang kwenta ang tanong at mas walang kwenta ang nabuo kong sagot sa mga ito.
Kaya ang ending, eto puyat.
Matapos ang buhis-buhay kong argumento sa sarili ko sa paksa kung dapat bang payagan ng Saligang Batas ng Pilipinas na bumoto ang mga butete kapag natuto silang magsalita, nagawi naman ang isipan ko sa account ko dito sa Wattpad...
Mahigit isang taon at kalahati na ako sa WP. Matagal-tagal na rin. Kahit na nagpi-feeniling writer lang talaga ako dito e kahit papaano naman ay may mga naisulat na din ako na nais kong isiping tinangkilik din naman ng ilang mambabasa kahit na alam ko namang napilitan lang silang magbasa dahil nagwagwapuhan sila sa kyot na Otor. #RealTalk #Hahaha
So, anyways.
Sa kalaliman ng gabi at sa dahan-dahang pagkatuyot ng utak ko dahil sa puyat, natanong ko tuloy ang sarili ko...
"BROWN, WHY DO YOU WRITE?"
Noong sumagi ang katanungang ito sa isip ko, napapikit ako. Hindi ako nakagalaw at hindi rin ako agad nakapag-come up ng kasagutan.
Habang nilalamon ng malawak na kadiliman ang munting liwanag ng aking kamalayan, pinapakinggan ko lang ang nakakabinging katahimikang bumabalot sa aking kapaligiran...
Ang drama masyado. Gusto ko lang naman talagang sabihin na inaantok na ako noong mga oras na 'yun. LOL
Akala ko makakatulog na ako sa wakas. Mag-a-alas tres na kaya. Pero hindi e. Hindi nagpapigil ang utak ko.
Unti-unting nag-replay sa isipan ko ang mga nangyari sa buhay ko sa loob ng dalawang dekada. Mga nakakalungkot, mga nakakaiyak, mga nakakataba ng puso at mga nakakaligayang pangyayari.
Pero hindi ko parin masagot ang katanungan kung bakit ba ako nagsusulat.
Some people write for certain reasons. 'Yung iba nagsusulat para maging published author at super peymus one day. Samantalang 'yung iba para mai-convey nila ang kanilang nararamdaman at isipan sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga titik na maglalarawan sa mga ito. At meron din namang iba na ang purpose para magsulat ay para magbukas ng mga mata ng kanilang mga mambabasa patungkol sa iba't ibang isyu ng lipunan.
Samantalang ako... bakit nga ba ako nagsusulat? Bakit nga ba? Hmm. Ewan ko rin. Hindi ako sure. Hahaha
Ang totoo, wala naman talaga akong malalim na dahilan sa pagsusulat. Basta ang alam ko gusto ko lang sumaya. At ang paraan lang na alam ko upang magawa ko ito ay ang paglimbag ng mga letra.
Ayoko kasi ng malungkot. At mas lalong ayoko ng napapaligiran ako ng kalungkutan. Kasi nalulungkot ako kapag ganun. Nakakalungkot kaya kapag malungkot ka tapos makikita mo 'yung kasama mo malungkot din. Parehas kayong malungkot, mukha kayong tanga.
Sa panahon kasi ngayon, mukhang mas marami ng dahilan para maging-sad ang isang tao kesa sa maging masaya. Kaya naman gusto ko magsulat ng mga kwento at isulat na rin ang mga sarili kong karanasan na magbibigay tuwa sa mga mambabasa at kahit papaano'y makakapawi ng sadness nila sa buhay.
Maraming dahilan para makungkot. Pero mas marami paring dahilan para maging masaya.
Kaya dapat happy lang! :)
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown