Grade 1 Entrance Exam

3.1K 150 208
                                    

Kagaya nang nakasaad sa Hindi 'To Prologo, hindi ako nag-kinder kaya wala akong alam noong bata. Dahil nga ganon ang sitwasyon ko sa buhay, si mama ko lang ang nagturo sa akin.

Ilang buwan bago pa ako mag-Grade 1, tinuruan ako ni mama ko na magsulat ng sarili kong pangalan kahit labag sa aking kalooban.

Noon kasi, hindi ko alam kung bakit o para saan ang pagsusulat na tinuturo niya sa akin. Sa mura kong isipan, masyado lang nakakaabala sa aking paglalaro ang mga shit na tinuturo sa akin ng aking ina.

Pero dahil bata pa ako, wala akong nagawa kung hindi sundin siya. Hindi naman ako mananalo sa nanay ko 'di ba? Eh kalahi kaya ni Xena The Warrior Princess 'yung mama ko. Mamaya ibalibag pa ako n'un. Ayaw ko nang humanap ng sakit ng katawan.

Simula noon, dumaan ako sa military training sa pagsusulat under close and strict supervision ni mama ko. Sa loob ng isang araw, kalahating pad paper yata ang nasusulat ko back to back kaya mabilis na lumaki 'yung kalyo ko sa aking gitnang daliri.

Ngunit ganon pa man, dahil sa walang tulugang pagtuturo ni mama ko, sa aking pagpupursiging matuto at sa awa ng Diyos, natuto nga akong magsulat ng aking pangalan.

Makalipas ang ilang araw...

Alam ko na may pupuntahan kami ni mama ko ang hindi ko lang alam ay kung saan.

Paano ko kamo nalaman?

Pinasuot kasi sa akin ni mama ko ang bago kong brip. Now, ang mama ko, hindi iyan nagpapasuot ng bago, may pagka-hoarder 'yan. Kaya kapag binihisan niya ako ng bago at maganda, ibig sabihin aalis kami.

Sinuotan ako ni mama ko ng malinis na damit tapos inayos 'yung buhok ko ng Jose Rizal-style, 'yung one side tapos hating hati na halos makita na ang utak mo sa matinding pagkakabanat ng anit mo, ganyan.

And then off we went somewhere down the road.

On our way, sinabi sa akin ni mama ko na ipapasok na niya ako sa grade one. Makakatanggi pa ba ako? Eh bitbit niya na ako papunta mismo sa school. Syempre hindi 'di ba?

As we walked to school, my mother was giving me some pointers but I didn't really understand what she was talking about. I was not even paying attention to her or to whatever she was saying.

Sa isip ko that time, "How hard could it be? Pangalan lang 'yan. Sisiw. I could write it with my eyes closed."

Then shortly afterwards, we arrived in the testing venue. So I entered the room, sat on the chair near the window in the other side of the area and waited.

While waiting, I scanned the whole room.

Katabi ng upuan ko, isang dipa ang layo, ay isang batang lalaking may mahabang pigtail. Pero halata naman na kahit may buntot siya, mas pogi parin ako.

Then, sa aking unahan, ay isang batang babae na mukhang die-hard fan ni Jolina Magdangal sa dami ng nakaipit na bling-bling sa kanyang buhok.

Tapos, sa likod ko, ay isang alien. Joke. Hindi ko na tiningnan 'yung nilalang sa likod ko. Kase wala rin naman akong pake.

Then, the testing coordinator went inside and closed the door.

Habang nakaupo sa aking upuan, tiningnan ko 'yung bintana malapit sa pinto. Napakaraming nanay sa labas. Mga nagkukumahog, mga nagsisiksikan, mga nag-uunahan sa pagsilip at... teka, si mama ko 'yun ah!

Nakita ko si mama ko nakikipagsikuhan sa ibang nanay para lang makasilip sa maliit na bintana. Bahagya tuloy akong natawa at nahiya sa nakita.

Well, 'yan ang mama ko, astig!

Noong nakasingit na siya at nakita na niya akong nakatingin sa kanya, nginitian ko siya. Pakonswelo sa mga sikong natanggap ng mukha niya makasilip lang.

And then the testing coordinator took our attention, introduced herself and distributed the test papers.

While she was distributing the answer sheets, I was thinking, "At last! After months of bloody military training and excruciating hours of writing my name, my skills will finally be tested!"

For the first time, I was actually excited to write. Kating-kati na nga akong magsulat eh. Nanggigigil na ako sa hawak kong lapis.

Hanggnag sa napasakamay ko na 'yung test paper. Isusulat ko na sana 'yung pangalan ko, nang may napansin akong kakaiba.

Ang binigay na papel sa akin ay hindi blangko. Maraming nakasulat dito. May mga letters, may malaking box na may nakasulat ng mga salitang hindi ko naman alam basahin at mga hugis na hindi ko alam at may drawing drawing pa.

Then, it doomed on me.

Hindi ito writing test! Powtek!

I was looking at it in horror for what I felt like hours. Habang lalong tinitingnan ang kabuuan ng exam, pabagsak ng pabagsak ang panga ko. Pakiramdam ko nga sasayad na ito sa lupa.

"Syet. Hindi ako marunong magbasa." ang tanging nasa isip ko.

Tapos, ginala ko 'yung mga mata ko sa paligid. Si Boy Buntot sa tabi ko parang minamani lang ang exam. Habang ang Number 1 fan ni Jolina sa harap ko naman ay pa-easy easy lang din. Tapos lumingon ako sa aking likuran, tama nga ako, alien 'yung nakaupo sa likod ko.

Agad kong binalik ang aking tingin sa aking papel. Napabuntong hininga at napatango.

"Yeah. I'm doomed."

Wala naman kasing sinabi si mama ko na magbabasa eh. Akala ko magsusulat lang. Kung writing 'to, kahit pa tatlong manila paper ang ipasulat baliktaran, game ako. Pero hindi eh. Hindi ako handa para dito. Syet. Sabi ko na nga ba dapat sineryoso ko ang panunuod ng Batibot para alam ko kung paano magbasa.

Kakainin ko na lang sana 'yung test paper ng magawi ang tingin ko sa bintana. Nandoon parin si mama ko. Nakikipagsikuhan parin.

She met my gaze and then gave me a thumbs-up. So, I answered her with a reassuring smile.

Tapos, napakamot ako ng ulo. Naisip ko noong mga panahong iyon, tutal naman at hindi ako marunong magbasa, I will just do I what I do best.

Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko 'yung lapis at sinulatan ng pangalan ko ang buong test paper. Lahat ng pwedeng masulatan, sinulatan ko ng pangalan ko. Wala akong pinalampas. Ewan ko lang kung makalimutan pa nila ako.

Ilang minuto pa, natapos na ang time kaya nag-uwian na kami.

Habang pauwi, tinanong ako ni mama ko, "Kumusta ang naging exam?"

Ang sagot ko, "Madali lang. Sisiw."

Tapos 'yun, binili niya ako ng Hansel bilang reward. Hindi niya alam, nangamote ang pogi niyang anak sa test. LOL

The end.


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon