Ang Tutang Pag-ibig Ng Batang Brown

459 35 21
                                    

Grade 2 parin...

Dahil nakapag-adjust na ako sa aking bagong klasrum at klasmeyt, medyo nakakagalaw-galaw at usap-usap na ako sa loob ng silid-aralan. Napapakitaan ko na rin ng mga awesome moves ang aking mga kamag-aaral. Pero hindi na ako ganun ka-energetic at kabibo sa mga kalokohan tulad ng dati. Kasi kapag Section One daw dapat e maayos ang kilos, walang bahid ng kung anu-anong shit, huwaran kung baga.

Dahil doon, unti-unti nang nagbabago ang pagkato ni Batang Brown. Pakiramdam niya ay bumabait na siya... pero mabait naman talaga siya! Sadya lang talagang masyadong awesome ang mundo para magpakatino sa life kung minsan. LOL

Dahil wala akong choice noon kung hindi kaibiganin ang mga klasmeyt ko e iyun na nga ang ginawa ko. Nakakilala din anman ako ng mga bagong kaibigan.

Isa na doon ay ang batang itago na lang natin sa pangalan Ken (hindi niya tunay na pangalan) na wala nang bukambibig sa buhay kung hindi Cosmos, cosmos at cosmos. Akala ko nga dati nag-aadik 'yun e. Panay Cosmos ba naman ang sinasabi.

"Bakit nalungkot si Juan sa nangyari sa kwento?"

"COSMOS!"

"Kung ang isang kilo ng kamatis ay binawasan ng kalahating kilo, ilan ang matitira?"

"COSMOS!!"

"What is the square root of 16?"

"COSMOSS!!"

"Tol, nag-recess ka na?"

"COSMOOSSS!!!!"

Pero napag-alaman ko na fascinated lang talaga siya sa Universe at a young age. Astig siya. Habang ang ilang kabataan ay abala sa pagkain ng lupa at ng nahulog na bunga ng mangga, siya naman ay abala sa pagpapakadalubhasa tungkol sa ating mundo at sa buong kalawakan.

Hinangaan ko siya noon dahil sa galing niya sa Agham na akala mo'y memoryado na niya ang lahat ng episode ng Sineskwela. Binibiro ko nga siya dati na para siyang si Ka Ernie at magkamukha na din sila.

Pero as usual, sinagot lang niya ako ng, "Cosmos!"

Kaklase ko si Ken magmula ng Grade 2 hanggang Third Year High School (nalipat kasi si Boy Cosmos nung Fourth Year sa Section 2). At sa mahabang pagsasama namin, naging matatag na magkatropa kami. Gets niya ang trip ko at gets ko ang trip niya. Iisa lang ang daloy ng aming mga bituka at iisa lang din ang aming hangarin sa buhay at ito ay ang paghahasik ng lagim sa aming mga kamag-aaral kasama ang isa pa naming kaklase na itago na lang natin sa pangalang Yanyan (hindi niya tunay na pangalan).

Katulad ni Ken, naging kaklase ko din si Yanyan noong Grade 2. Pero mas matagal ang naging pagsasama namin ng huli na umabot hanggang Fourth Year. Pero nai-wish ko noon na sana siya na lang ang nalipat sa kabilang section at hindi ang tunay kong tropa na si Ken. LOL

'Yun na nga.

Noong Grade 2, close kami ni Yanyan. Sa katunayan, sa sobrang close namin, binago ko ang pangalan niya from Yanyan to WeeWee. Kasi napagtripan ko siya minsan at kiniliti ko siya ng kiniliti hanggang sa maihi siya sa soot niyang salwal.

Magmula noon, naging malapit kami.

Fast forward hanggang sa mag-Second Year High School kaming tatlo. Ito 'yung pinaka-highlight ng aming mga "bully days".

Talaga naman, walang nakapigil sa amin sa pagti-trip sa mga kaklase namin. Ngayon nga naaalala ko, natatawa parin ako. Grabe. Solid ang mga kalokohan namin noon. Sana lang nakikita n'yo ng HD ang mga nasa memorya ko. Sayang. Makiki-laptrip sana kayo ng hardcore sa akin. *insert happiness overload here*

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon