Grade 2

444 32 31
                                    

Na-mention ko na sa previous update ko na noong Grade 2 e na-promote ako sa higher section dahil nga bukod sa angking kagwapuhan ko e finally na-appreciate na rin ng DepEd, DENR at Comelec ang kahenyohan ko sa buhay.

Kaya naman from 1-Kamoteng Kahoy ay nag-level up ang batang yagit na ako sa pagiging 2-Claudio*!

Yes, namaaan. Napakalaking achievement 'yun. Tanungin n'yo na lang ang mama ko. LOL

Imaginin n'yo na lang ang happiness ng aking ina nung nalaman niyang ang pogi niyang anak ay nasa top section na. Muntik na siyang himatayin sa kaligayahan at maglumpasay sa sahig dahil pers taym na may anak siyang napunta sa Section One.

Noong una nga ay 'di siya makapaniwala. Nakailang balik siya sa last section para silipin, basahin at tingnan ang pangalan ko sa List Of Pupils. Ngunit wala talaga siyang nakitang kapangalan ko. Kwento pa nga niya ay kinabahan daw siya kasi akala niya binura ng paaralan ang pangalan ko at nai-kick out na ako ng principal dahil nalaman nila na pinatid ko ng "hindi" sinasadya 'yung isa kong kaklase sa hagdan. #SalbahengYagitMoves

Kaya 'yun. Napasugod si mama ko sa adviser ko nung Grade 1 na itago nalang nating si Teacher Aurora (hindi niya tunay na pangalan) at itinanong kung bakit wala ang pangalan ko sa listahan ng mga mag-aaral at kung totoo nga ba ang hinala niyang doon na ako sa Bilibid mag-aaral.

Sa naisagot ng pemborit kong teacher nung Elementary, muntik nang mapa-tumbling sabay split si mama ko. Napangiti kasi si Teacher Aurora at sinabi sa aking ina na kaya wala ang pogi kong pangalan sa List Of Pupils ng 2-Hampaslupa (di ako sure kung ito nga ba 'yung pangalan ng last section that time) ay dahil ako nga raw ay nalipat sa higher section.

So, 'yun. Nalipat na nga ako.

While my mom was beaming with pride dahil sa achievement ng henyo at pogi niyang anak, ako naman ay kinakabahan at nalulungkot habang naglalakad patungo sa bago kong klasrum. Ewan ko ba. Feeling ko yata nung mga oras na 'yun e ako ang hari ng mga emo.

Kasi naman, kung ako ang masusunod, ayoko sanang lumipat. Masaya na kasi ako sa section ko at sa mga kaibigan ko. Ang totoo, ayokong mahiwalay sa mga nakasanayan ko ng tropang mga kapwa ko Kamoteng Kahoy. Masaya silang kasama at alam kong mas sasaya pa sana 'yun dahil magle-level up na rin sila from Kamoteng Kahoy to Hampaslupa.

Mas hardcore na sana ang mga kasumpa-sumpang kulitan namin.

Ngunit, ganun talaga ang sistema ng mundo. Kapag pogi at henyo ka, ayaw mo man at pilit mo mang tanggihan, wala ka nang magagawa kapag sapilitan kang hinatak pataas ng Nakatataas sa tama at nararapat mong lugar. Wala e. Pinanganak tayong gwapo at henyo, mga pre. #HambogAngPota #PeroTrue #Hahahaha

So, 'yun na.

Bagong klasrum, bagong titser, bagong klasmeyt at bagong buhay. Dahil sa paninibago, wala akong imik ng mga unang araw ko sa Grade 2. Sa sobrang tahimik ko nga napagkamalan na yata ako ng mga bago kong klasmeyt na ako ay istatwa... na hinubog bilang isang makisig na nilalang. LOL

Makalipas ang ilang araw, tahimik parin ako. Di ko parin kasi ma-gets at masabayan ang trip ng mga Claudian. Ibang iba sa mga trip ng mga Kamoteng Kahoy Gengztehs Unlimited XD.

Hanggang sa magkaroon ng botohan para sa Class Officers.

As usual tahimik parin ako. Hindi ako nagsasalita, nagno-nominate o kumikibo man lang. Tinataas ko lang ang kamay ko kapag nakita kong marami ang nagtataas. Kasi awkward nga naman kung ako lang ang mag-isang nakataas ang kamay, 'di ba? Nakakahiya yata 'yun.

Meron ng President, Vice President, Secretary, at Treasurer. At umabot na sa oras para mag-nominate ng para sa Auditor.

Bored na ako kasi naman ang tagal nilang magbotohan. Kung sa Kamoteng Kahoy lang 'to, napakabilis lang sana. "Oh, ikaw! Presidente ka na! Ikaw, anong tinitingin-tingin mo d'yan? Vice President ka na! Oiist! Tigilan mo 'yang pagtitinga mo, ke babaeng tao, ikaw na ang sekretari ng klase! Uwa, kumakain ka na naman ng papel? Escort ka ha. Partner mo 'tong si Genevieve, muse. 'Wag mo siyang sasapakin, alam ko galawan mo, hijo."

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon