High School Kras, Oh My High School Kras!

1K 57 60
                                    

Lahat naman siguro tayo may High School Kras, ‘di ba? ‘Yung espesyal na taong nagbigay kulay sa ating HS life. ‘Yung nagdulot sa atin ngiti sa ating mga labi kahit na super haggard na tayo sa ating buhay eskwela noon.

Ang dahilan kung bakit ka gumigising ng maaga para maligo at pumasok sa eskwelahan maliban sa baon. Kung bakit ka nag-aaral ng mabuti at gumagawa ng mga assignment at kung anu-ano pang shit para kung sakaling magtanong ang kras mo tungkol dito e meron kang isasagot sa kanya.

‘Yung klasmeyt o iskulmeyt naten na sa tuwing nakikita mo ay parang nagliliwanag ang kalangitan at biglang aawit ang mga anghel sa langit. ‘Yung nagpatigil ng mundo mo sa loob ng apat na taon.  Ang naging rason kung bakit sumisikat ang araw sa Silangan at lumulubog sa Kanluran.

‘Yung taong ating sinisinta. ‘Yung ‘da wan’ na sinisilayan at hinahabol naten ng tingin sa malayo. ‘Yung nagpatibok ng ating mura at munting puso.

Basta ‘yung espesyal na nilalang na naging kras naten. Kung hindi mo alam ang kras o wala kang naging kras nung High School, ewan ko sa’yo baka hindi ka tao.

Anyways, napag-usapan naten ang kras-kras na ‘yan. Ako rin kasi meron noong High School... *blush* Syet. Teenager all over again. Hahaha (≧∇≦)/

*ehem* *tapik sa pisngi* *serious peys*

Oo, tama ang nabasa mo, parekoy. Si Poging Brown ay nagkakras din noong HS dahil siya ay normal na tao din katulad n’yo. Hindi nga lang halatang normal pero normal siya! Normal! Normal ako, mga gago! Wahaha (≧∇≦)/

Speaking of my High School Kras, ang pangalan ng napakagandang binibining iyon ay Mayumi.

Hay… Mayumi, oh my dearest Mayumi! Ahgshihihi *insert kilig here*

Ang totoo, hindi niya talaga tunay na pangalan ang Mayumi pero iyon talaga dapat ang pangalan niya hindi lang narehistro sa NSO pero iyon talaga dapat basta mahabang kwento move on na lang tayo mas maganda.

Balik tayo kay Mayumi, mga pips.

Nakilala ko siya noong Second Year High School. Nalipat kasi ako from Section 2 to Section 1. Henyo nga kasi ako ‘di ba?

So, yun. Dahil nalipat ako sa highest section, naging magkaklase kami pero hindi kami agad naging close. Ms. Popular kasi siya habang ako ay Mr. Dakilang Nerd o mas kilala bilang Patay Na Bata.

Kaya kung tutuusin, malaki ang agwat ng mga mundo namin sa isa’t isa. Naks! Parang isang cliché love story sa Wattpad lang ang kwento namin ano? Hahaha (≧∇≦)/

Pero totoo ‘yun, mga pips.

Popular talaga siya lalo na sa mga kalalakihan kasi nga napakaganda niya talaga. Peksman! Bukod doon, matalino rin siya. Sa katunayan, kabilang nga siya sa Top 10 sa aming section.

Samantalang ako, tinatanaw lang siya mula sa malayo habang iniisip na ang Nitrogen ang pinaka-abundant na gas sa atmosphere which accounts for 78% of the total volume of the air while Oxygen makes up 21% habang ang natitirang 1% ay pangkaraniwang binubuo ng Argon at Carbon Dioxide at iba pang gaseous elements.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon