Ika-23 ng Hulyo, taong dalawang libo’t labing apat. Pangatlong araw ng Exam Week sa Kolehiyong aking pinapasukan. Tulad ng mga nagdaang araw, never parin akong nag-review o nagbasa man lamang ng aking mga notes para sa pagsusulit sa aking mga subject noong araw na iyun.
Nagbuklat lang ako ng libro at sinara din ito agad. Hindi na ako nakaramdam ng pangangailangang magpakadalubhasa. Tama na ang isang sulyap para sa akin.
Malaki kasi talaga ang paniniwala ko na maipapasa ko ang lahat ng aking pagsusulit kahit walang review dahil ipinanganak akong henyo! Wahaha (≧∇≦)/
So, dahil nga henyo ang tingin ko sa sarili ko, nagpa-petiks petiks lang ako sa buong umaga, nagkape at kumuyakoy habang nagwi-whistle at nag-iisip ng panibagong steps na sasayawin ko sa harap ng salamin later that day.
Sana nga lang ay hindi ako mahuli ulit ng mama ko para walang basag trip. *fingers crossed*
Mabilis na lumipas ang oras.
Pagdating ko sa aking silid-aralan, nanalamin muna ako bago umupo. May malaking salamin kasi ‘yung room namin sa tabi ng pinto kaya pwedeng makita kung mukha ka pa bang tao matapos mong akyatin ang kinaroroonan ng aming room.
Sa mataas na lugar na parang matarik na bundok kasi naka-locate ang aming silid-aralan. Bagamat semintado ang lugar, kailangan mo pang akyatin ito o di kaya’y humakbang ng ilang libong steps ng hagdan bago matunton ang aming kinaroroonan.
Kaya nga marami sa amin super haggard at tagaktak na ang pawis pagdating pa lamang. Habang ‘yung iba naman ay nag-aanghitan o pinuputok na rin bago pa magsimula ang klase.
‘Yun na nga. Sinilip ko sa salamin ang hitsura ko kasi baka naapektuhan ng extraneous variables ang kapogian ko. Awa ni bathala hindi naman. Pogi ko talaga! Hahaha (≧∇≦)/
Habang inaayos ko ‘yung buhok ko, sinabihan ako ng kaklase ko na itago na lang natin sa pangalang Classmate Number 1 na nakaupo sa dulo ng room na hinihingal at kumakain ng mani ng mga katagang “Pogi parin naman!”.
Natuwa ako sa kanyang tinuran. Sabi ko sa sarili ko, “Papakopyahin ko ‘yan. May taste sa lalaki. Karapat-dapat talagang pakopyahin!”
Spoiler: Hindi ko siya napakopya. Hindi ko nagawa. Sasabihin ko sa inyo ang dahilan. Antabayanan lamang, mga kaibigan.
Balik sa kwento.
Nakaupo na ako sa usual spot ko katabi si Pareng Wil at si Pareng Lyn (babae si Lyn gusto ko lang tawaging “pare” para cool).
At as usual, nagpapakaabala na naman sila sampu ng aming mga kaklase sa pagre-review. Napakadami nilang hawak na notes kaliwa’t kanan at may mga nakabuklat pang books sa kanilang mga arm chair.
Bukod doon, marami din sa kanila ang nakapikit at seryosong nagsasaulo ng mga ewan ko sa kanila habang binibilang ang mga daliri sa kamay. Para silang may dinadasal na orasyon. Para silang nag-aalay ng sumpa sa kung sinong herodes. Akala ko nga kulto ang napuntahan ko at hindi BSE, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown