Malaki talaga ang paniniwala ko na pinanganak akong HENYO. Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko HENYO talaga ako. Wahahaha (≧∇≦)/
Simula ng nabundol ako ng tricycle (if you wanna learn about this story please refer to the “Parang Tanga Lang” chapter “Ang Bukol At Ang Misteryosong Driver”) at naumpog ang ulo ko sa kongkretong sahig, nagbago ang galaw ng aking mga neurons.
All of a sudden, dumami na ang aking alam sa mundong ibabaw. Na sa sobrang dami, pagligo na lang yata ang hindi ko alam! Hehehe (-_-)y
Ngunit kaagapay ng aking natatanging kahenyohan ay ang aking hindi maikukumbling katamaran. Tamad talaga akong nilalang as in. Tamad na tamad. Mas gugustuhin ko pang tumunganga sa isang sulok kesa sa magpakaabala sa mga bagay-bagay.
Pagdating naman sa pag-aaral, actually, hindi naman talaga ako nag-aaral. Pumapasok lang ako sa school pero wala naman talagang pag-aaral na nagaganap. Hehehe (-_-)y
Madalas akong hindi nakikinig sa mga class discussions, sa reporting o kahit sa ano mang shit sa classroom. Tamad din akong mag-review at nagre-review lang ako kapag alam kong 5 minuto na lang at mag-e-exam na. Pero sa awa ng Maykapal, hindi pa naman ako nabobokya. Kasi nga Henyo ako ‘di ba? Hahaha (≧∇≦)/
Pero hindi sapat na ikaw ay henyo o naniniwala kang isa kang henyo. Kailangan mo paring mag-aral. Dahil kung hindi ka mag-aaral, mangangamote ka. At mahirap mangamote, mga yagit. Naranasan ko na ‘yan. Dahil sa aking katamaran at unhumanly belief na henyo ako, hindi ako nag-aral at wala akong ginawa kung hindi magpalobo ng laway.
Hanggang sa dumating nga ang aming exam at ako ay nangamote ng wagas. Abot outer space ang pangangamote ko. Grabe. Mangingiyak-ngiyak ako dahil kung hindi dahil sa bonus number at ang apat na alam kong sagot, bokya sana ako sa pagsusulit. Hahaha(≧∇≦)/
Nakakabasag ng puso na meron kayong pagsusulit at ang tanging maisasagot mo lang ay kung anong nangyari sa bagong episode ng Fairy Tail.
Masakit sa heart, mga tol. T^T
Kung hindi naman ako tinatamad, nakakagawa ako ng mga “master piece”. Ito ‘yung mga bagay na magaganda, artistic at creative. Tulad ng mga sinusulat kong kwento, ginagawa kong thesis pati ang aking pagde-demo. Alam kong kaya kong gawin ang mga inisiip ko. Kasi naniniwala akong, “You can go as far as your mind lets you”. I just have to put mind to it and magic happens… pero tamad talaga ako at dakilang procrastinator kaya laging delay ang mga bagay-bagay sa buhay ko! Hehehe (-_-)y
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown