Okay. So sabi ng iba, real men don't get scared daw... maliban na lang kung ipis ang pinag-uusapan. Yes. Ipis. Ewan ko kung anong meron sa ipis at ang karamihan sa kalalakihan ay halos maghingalo kapag nakaka-encounter ng ganitong uri ng shit.
Dahil ba sa nakakasulasok na amoy nila? Sa kanilang mga ninja moves na kanilang ginagamit para hindi sila matamaan ng ibinato mong tsinelas? Sa immunity nila sa inispray mong insect repellant na walang kakwenta-kwenta ikaw na lang yung matutuyuan ng baga pero yung inisprayan mo chill lang? O baka naman sa kanilang flying abilities na akala mo kung makaasta ng lipad ay isa silang butterfly?
Ewan. Kasi ako dehins naman ako takot sa ipis. If anything, galit ako sa ipis. Kinamumuhian ko sila tagos hanggang sa kanilang pancreas sa kadahilanang lagi nila akong pinagsasamantalahan!
Ayoko sanang ikuwento 'to sapagkat baka magalit ang PETA sa akin at kamuhian ako ng mga ipis lover d'yan ol ober da world. Pero ikukuwento ka na rin tutal naman at wala akong magawa at alam kong wala rin naman kayong pinagkakaabalahan sa buhay maliban sa pag-i-stalk ng mga piktyur ko sa social media. 'Wag na kayong tumanggi. Huli na kayo, mga girls and some boys. Ampogi ko kasi talaga. I know, right? *pakita ng muscles*
Anyways, balik tayo sa kinukwento ko.
Sa tuwing matutulog ako sa gabi, gusto ko lagi patay ang ilaw. Ayoko kasing maliwanag. Di ako makatulog. At minsan pa naaalimpungatan ako. Pakiramdam ko kasi kapag bukas ang ilaw at kapag minulat ko na ang aking mga mata, ang nakakabulag na liwanag mula sa fluorescent ay parang kukunin na ako papunta sa kabilang buhay. Kaya naman lagi rin akong napapa-sign of the cross sabay mura sa santo papa kasi di pa ako ready to go ober der sa afterlife and shit.
Kaya no to ilaw when sleeping at night para sa akin. Kaya kung may balak kang maki-sleepover sa kwarto ko at ayaw mo ng madilim, wag na. Ayoko ng may katabi sa kama maliban na lang kung gusto mong makipaglaro ng solitaire sa akin. Hahaha (≧∇≦)/
So yun na nga.
Patay ang ilaw, madilim at ready na akong matulog. Nakakaiglip na ako ng may maramdaman akong kakaibang sensation sa aking hita. Parang may tumutusok-tusok sa aking balat at parang kinikiliti ako. Ako naman 'tong si tanga nakiliti nga.
Tinapik ko 'yung suot kong pantulog na short. Panandaliang nawala 'yung tusok-tusok kiliti-kiliti sa hita ko kaya bumalik na ako sa pagtulog. Pero bago pa man ako makahinga ng isang hilik, naramdaman ko uli ang tusok-tusok kiliti-kiliti. Pero hindi na ito sa aking hita, papataas na ito sa, ano, sa may bandang kwan.
Dahil doon medyo nawirduhan na ako. Kaya mabilis akong bumangon at binuksan ang ilaw. Tas pinagpag ko 'yung short ko. Pinagpag ko ng pinagpag hanggang sa....
OMG! May bumagsak na ipis sa suot kong short!
Talaga namang naghahalong poot at sakit ng damdamin ang naramdaman ko nun. Grabe. Biruin nyo? Balak pa akong pagsamantalahan ng pesteng ipis na 'yun? I mean, seriously, I know I'm super hot and handsome and all but damn ipis! Hindi ako nakukuha ng ganun-ganun lang. Hindi ako cheap. Pinalaki ako ni mama ko ng may values at sumusunod sa CE/GMRC!
Dahil sa dinungisan ng ipis na 'yun ang pagkatao ko at ang aking innocence (yes inosente po ako sa mga ganitong shit pramis), dali-dali kong kinuha 'yung paddle ni Blue Ninja sa may tabi ng pinto (kung hindi n'yo kasi naitatanong mga pips dating presidente ang kapatid kong si Blue Ninja ng isang fraternity na itago lang natin sa pangalang APO Hiking Society For Yaya Dub Fans Club Incorporated sa kolehiyong parehas na pinasukan namin kaya meron siyang paddle na merong carvings ng kanilang nasabing fraternity, noon nga ay niyayaya niya akong umanib sa kanila dahil magagamit daw ng samahan ang kahenyohan ko, bagamat wala naman akong problema sa mga fraternity, kakilala ko naman ang mga ka-bro ni bro at maganda ang hangarin at adhikain ng kanilang samahan sa lipunan tumanggi parin ako sa offer nila kasi sa totoo lang hindi ko naman kailangan ang mga ganyang tae sa buhay ko atsaka ayoko ng nananakit ng kapwa just to show brotherhood di ako naniniwala sa hazing na pabor na pabor naman ang kapatid kong gago, teka humahaba yata 'tong parenthesis na 'to at mukhang naliligaw na naman ang kwento ko, teka, tatapusin ko na, yan...)
Balik tayo sa haliparot na ipis.
Hawak hawak ko na 'yung paddle at handang handa na kong durugin ang malanding insekto to the bones. E di pinaghahampas ko siya sa sahig pero no epek. Ginamitan ako ng ipis ng kanyang pinagbabawal na technique ang Ninja Moves Of A Hidden Crouching Ipis.
Pero hindi parin ako nagpatinag at patuloy parin ako sa pagpalo. Nagkakalabugan na. Kinatok na ako ng ate ko, akala yata niya nakikipagbuno ako sa dinosaur.
Pero kebs lang. Tuloy ang laban. Hanggang sa napagod na ako. Ipinamalas ng ipis ang kanyang nakakadiring pakpak at lumipad patungo sa mukha ko. Balak pa yata niya kong i-lips to lips. Ew ha.
Kaya umilag ako. Dumapo siya sa pader. Bago pa man siya makagalaw sa pinagtatambayan niya, agad kong kinuha ang tsinelas ko na kuneho (don't judge me sa lagay gusto ko ang fluffy rabbit slippers e) tas ibinato ko sa kanya.
At...
Pak! Sapul ang putang inang ipis! *victory dance* *wat chu got wat chu got wat chu gotta do with that dessert* *cramping ng hardcore*
Noong tumama ang tsinelas ko sa kanya, sumabog ang katawan ng insekto. As in plak! 'Yung matabang tiyan niya pumutok at humalimuyak sa buong kwarto ko ang kanyang nakakasulasok na aroma. Puta. Hindi ko makakalimutan ang amoy na 'yun. Hanggang ngayon kapag naaalala ko nasusuka parin ako. *takip bibig*
Habang pilit na pinipigilang huminga, pinagmasdan ko ang ipis na pisak sa pader ng kwarto ko. Ang laman loob niya ay may puti-puti at bilog-bilog na parang ewan ko ba kung tae niya 'yun o breakfast niya. Di ako sure. Pero habang nakatitig ako dito, may konting kurot akong naramdaman sa aking dibdib.
Napagtanto ko kasi na buntis pala at nagdadalang-itlog ang nasabing haliparot na insekto.
Napaisip tuloy ako...
Akala siguro nung ipis na 'yun ako ang ama ng dinadala niya.
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown