Sakitin

2.4K 122 163
                                    

Noong Huwebes, ika-10 ng Hulyo taong dalawang libo’t labing apat, dahil bumuti na ang aking kalusugan mula sa ilang araw ng pagkakasakit, aking nailahad sa aking Facebook account na sa araw ng Biyernes, sa sumunod na araw, ako ay muling magsusulat.

Plano ko sanang gamitin ang araw ng Biyernes upang mailimbag ang mga updates sa aking mga nailathalang kwento. Sapagkat sa araw na iyon ay wala na ako masyadong gagawin – natapos ko na kasi ang 3 episodes ng Field Study, naisagawa ko na rin ang mga espesyal na aktibidad sa aking kurso at nakapag-report na rin ako sa ilan sa aking mga major subjects.

Kung baga, ang nasabing araw ay ang magsisilbing araw sana ng aking pagpapahinga mula sa isang nakakamatay at nakakaubos-lakas na week na nagdaaan.

Ngunit, subalit, datapwat, sa isang nakakabwiset na kaganapan, sa ika-11 ng Hulyo taong dalawang libo’t labing apat, alas-siete bente otso ng umaga, pagkamulat ko pa lamang ng aking mga namumungay na mata, alam ko na agad na mukhang hindi mangyayari ang aking nauna at orihinal nang naiplano sa araw na iyon.

Sapagkat, noong umaga pa lamang ng araw ng Biyernes, hindi na mabuti ang aking pakiramdam. Mabigat ang aking katawan, ang aking ulo ay parang binibiak sa sakit at hindi ako makahinga dahil tila hindi na gumagana ang aking olFUCKtory system.

Tama ang nasa isip mo, pre. May karamdaman na naman ang poging Ranger na tulad ko!

Anak ng kemberloong mahilig chumukchakchenes at chumorvachorva! Kakagaling ko pa sa isang sakit may panibago na naman? Ano ba ‘tong resistensya ko? Napakabading talaga. Hindi na ako gumaling ang walang hiya.

At dahil nga panibagong karamdaman ang dumapo sa akin imbis na inspirasyon sa pagsusulat, wala akong nagawang updates, bagong kwento o anuman.

Ang ginawa ko lang buong umaga ay humilatay sa aking kama at naghintay ng liwanag mula sa kalangitan na magdadala sa akin sa kabilang buhay.

Syet.

Dahil ayaw kong magpa-doctor o magpa-ospital, ako na lang ang nag-check up sa sarili ko.

Pinulsuhan ko ang aking sarili, nai-check ang heartbeat gamit ang kamay ko lang, binantayan ang aking vital signs at vital statistics, tiningnan ang aking temperatura (tiningnan ko lang talaga) at umihi sa bintana para sa urinalysis.

Actually, wala naman talagang urinalysis na naganap. Tinamad lang talaga akong bumaba kaya sa bintana na lang ako umihi. Hehe

Matapos kong maingat na gawin ang masusing “medical procedures”, nai-search ko sa internet ang mga nararamdaman kong sintomas kaalinsabay ng mga nakuha kong “medical findings” sa aking check-up check-up-an.

Sa nabasang web results na nai-presenta ng tanyag na mangggamot na si Dr. Google.Com, napatango-tango ako sa aking mga napag-alaman. 100% accurate ang resulta ng aking self-check-up at sumakto ang mga ito sa findings ng internet.

Tama nga ang aking hinala. May sipon ako.

Noong nalaman kong isang malubhang karamdaman tulad ng sipon ang dumapo sa akin, ako ay na-shock at muntikan pang maluha sa aking sinapit sa buhay.

Naisip ko, “Paano ako makakapagtapos ng pag-aaral kung sipunin ako? Paano ako magiging propesyonal at hinahangaang guro kung may lalawit-lawit na uhog sa ilong ko? Paano ako mabubuhay ng normal knowing na any moment ang aking sipon ay maaaring mabuo, tumigas at maging kulangot na maaaring humarang sa aking nasal air-way na maaaring mag-resulta sa pagbabara ng aking respiratory track na magdudulot ng oxygen-deprivation sa aking lungs na maaaring ikasawi ng isang poging tulad ko?”

Kung hindi ko agad masosolusyunan ang malaking problemang ito ng aking buhay, napakalagim at kahindik-hindik ang nakikita kong hinaharap na naghihintay sa akin. Ngayon pa lang, kinakabahan na talaga ako. Syet. ‘Wag naman sana.

*sign of the cross*

Alam ko na para maiwasan ang aking sipuning hinaharap at tuluyan nang matuldukan ang paghahari ng sipon virus sa aking katawan, kinakailangan kong uminom ng gamot.

Ngunit, hindi ako agad uminom ng gamot.

Pinabayaan ko muna na maglaban-laban ang aking anti-bodies at mga Jejemon Sipon Virus sa aking sistema.

At base sa kalagayan ko, mukhang tinatalo ng mga Jejemon Sipon Virus ang mga anti-bodies ko.

Buti nga.

Hindi pa ako umiinom ng gamot dahil tinuturuan ko ng leksyon ang aking Immune System na napaka-weak. Parang sipon lang hindi pa kayang labanan eh ‘yung hininga nga ng driver na sinakyan ko kahapon nakayang tanggapin ng baga ko kahit na mahilo-hilo na ako, sipon pa kaya?

Weak talaga.

Kalaunan, nag-sorry naman ‘yung Immune System ko. Nangako sila na magpapalakas na at lalabanan ang mga virus sa aking katawan at hindi na ako pababayaang magkasakit muli.

Dahil mabait naman ako sa aking mga lamang-loob, uminom na ako ng gamot. Kaya kinahapunan, nakapasok na ako sa school. *happy face*

PS

Bakit kaya ‘pag babahing kailangan laging tatlo? Kapag dalawa lang parang kulang. Hindi sapat. Bitin. Wala lang. Nai-share ko lang. Kakabahing ko lang kasi.

The End.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon