Isang beses, inutusan ako ng kuya kong bumili ng soy sauce kasi nga mag-a-adobo kami para sa pananghalian.
Dahil ako itong nakakabata at dakilang utusan na rin tumuloy na ako sa tindahan para bumili.
Sa tindahan, nandoon ang tindera nakatalikod at tila may inaayos sa kanyang mga stock pile. Imahinasyon ko lang siguro pero noong mga panahong 'yun, in close proximity, may naramdaman akong kakaibang enerhiyang nagmumula sa tindera.
I felt something very evil, mga pre. THE EVILEST EVIL EVER, PRAMIS!
Medyo badtrip yata siya ng mga moment na 'yun. Baka nag-away ng boypren o ewan ko lang. Hindi ko na pinansin. Wala rin naman kasi akong pake. Hindi naman siya maganda.
Bago bumili, tiningnan ko muna ang kanyang mga paninda. Wala akong napansing soy sauce. Kaya naisip kong magtanong kung meron siya.
Tama naman, 'di ba? Dapat nagtatanong talaga sa tindera?
Nag-clear muna ako ng throat para malaman niyang may tao. Pero hindi siya lumingon. Busy parin siya sa kung anumang ginagawa niya.
Nagtanong na ako.
"Ate, may TOYO kayo?" sabi ko.
Hindi ko alam kung anong problema ni Ateng Tindera pero hindi niya parin ako nilingon. Baka hindi niya lang ako narinig? Ewan. Tinanong ko ulit. This time mas malakas na ng kaunti para lalo niyang marinig.
"TOYO ho. Kung may TOYO ba kayo, Ate. TOYO!"
Hindi parin ako pinapansin ng tindera. Pero napansin kong tumigas ang muscle niya sa batok at napatigil siya sa kanyang ginagawa. Dahil hindi niya parin ako nililingon, lalo kong nilakasan ang boses ko, 'yung tipong pati ang kalapit na baranggay maririnig ako.
"ATE, KUNG MAY TOYO BA KAYO? MAY TOYO BA KAY—"
Natigilan na lang ako sa pagsasalita dahil dahan-dahang lumingon sa akin ang tindera. Noong nakaharap na sa akin si Ateng Tindera, agad akong napalunok ng laway. Nanlilisik kasi ang mga mata niya sa akin. Isip ko lang siguro, pero alam ko, por a short moment, naging color yellow 'yung mga mata niya.
Pwera biro, mga pre, nakaramdam talaga ako ng parang may masamang espiritong papatay sa akin. Parang poot na poot siya sa akin o sa sinabi ko? Ewan. Pero dahil sa kanya, nagtayuan ang aking mga balahibo. Okatokat lang ampotek!
"...kung may, uh, t-toyo ho kayo?" mahinang usal ko.
"Wala!" mataray na sagot ng tindera. Hindi ko parin alam kung anong problema niya sa buhay at tinatarayan pa niya ako. "WALA AKONG TOYO!" dagdag niya sabayismid at talikod sa akin.
"Okay..." sagot ko tapos ay naglakad na ako palayo.
Habang naglalakad palayo, iniisip ko 'yung wirdong tindera. Bakit ba galit na galit siya sa akin? Anong ginawa ko? Galit ba siya sa pogi? May tipus yata 'yung taong 'yun eh.
Napaisip ako at binalikan ko 'yung mga tanong ko sa kanya kanina.
Ate, may toyo kayo?
Toyo?
Toyo...
TOYO!
Habang pauwi, ngingisingisi ako na parang tanga sa daan. Sabi ng tindera wala raw, pero MAY TOYO NAMAN TALAGA SIYA. LOL, laptrip.
Few days later...
Bumalik ako sa tindahan. Inutusan kasi ako ni mama ko na mangutang ng dalawang itlog. Hindi ko alam kung anong gagawin ni mama ko sa mga itlog. Hindi ko na maalala. Lilimliman niya yata kasi bored siya. Ewan.
The bottom line is, bumalik ako sa tindahan with a handsome smiling face. Nakangiti ako kasi wala akong pambayad at mangungutang lang ang pinunta ko doon.
Sa tindahan, nandoon ang tindera nagbabasa ng pocket book pero ganun parin ang mukha niya— bad trip parin. Pagkakita sa akin, agad niya akong tinanong.
"Bakit? Anong kailangan mo?" bagama't mataray parin, hindi na siya kasing evil noong nakaraan. Nabasbasan na yata siya ng santo papa o baka nagbalik-loob? Who knows. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi siya maganda kaya wala akong pake.
Anyways, dahil nga mangungutang lang ako, kailangan kong magpakabait sa harap niya. Hindi naman mahirap 'yun eh kasi mabait naman talaga ako. Oo, totoo 'yun, mga pre. Mabait talaga ako tas pogi pa tas pogi ulet. Peksman! Cross my heart, mamatay man ang tindera!
"Ah, pwede ho bang mangutang ng dalawang itlog?" sabi ko dito.
Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at kinuha 'yung notebook na listahan ng mga "hall of famer" sa utangan at inabot ang ballpen na nakaipit sa kanyang tenga.
"Ilan ulet?" taas-kilay niyang tanong habang binubuklat ang nasabing notebook.
"Dalawang itlog ho."
"Dalawang itlog lang?" isa pa niyang tanong sabay tingin sa akin. Tiningnan ko rin siya at pinamalas ang napakapogi kong dimple. "Isusulat ko pa ba ang dalawang itlog?"
"Baka gusto n'yo hong i-drawing. Tas kulayan na rin. Okay lang din 'yun."
Dahil sa sinagot ko, namuo ang sama ng panahon sa mukha ni Ateng Tindera. Napangiwi ang mukha nito at otomatikong nag-beastmode ang babae. Base sa nagngingitngit na poot sa mukha ng nasabing tindera mukhang hindi siya natuwa sa biro ko.
Kaya naman 'yun. Naka-ban ako habambuhay sa store niya at hindi ako pwedeng umutang ng kahit isang itlog man lamang.
Pssh. Okay lang. Hindi naman ako mahilig sa itlog eh. Mas gusto kong kumain ng petchay kasi vegetarian ako. Hihi
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown