Minsan may isang bubuyog na nagnais matutong lumangoy. Bagamat maraming kapwa niya bubuyog ang nagbabala na sa kanya na ang ninanais niyang iyon ay isang lubhang mapanganib na adhikan, buo parin ang loob ni Bee Boy na sundin ang tawag ng kanyang pangarap.
Habang lumilipad-lipad ito sa pulang bulaklak ng gumamela, narinig niya ang mga usap-usapan ng mga pulut-pukyutan sa katabing halaman. Ang mga nasabing insekto ay nagkukwentuhan at ang pinagkukwentuhan lang naman nila ay walang iba kung hindi si Bee Boy.
"Bubuyog na lumalangoy? May ganun ba?" bulong ng isa na may halong panlilibak habang nagpapaka-high sa sinisinghot na pollen.
"Mukhang nasisiraan na ng bait iyang si Bee Boy." iling naman ng isa pa habang nakasubsob ang mukha nito sa bulaklak ng rosal na parang ini-imaging ito ay ang kwan ng kanyang asawa.
"I know, right? Like duh. Could you imagine a bee swimming? As if. Like, whatever." sleng much na sisti naman ng balik-bayang pulut-pukyutan na si Marjorie from Dubai.
Bagamat sumakit ang dibdib ni Bee Boy sa mga masasakit na salita ng mga nakapaligid sa kanyang insekto, minabuti na lang nito na magbingibingihan at ipagsawalang bahala ang kanilang mga panlilibak.
"Kebs." sabi nito sa sarili habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. "Makikita nila. Papatunayan ko na kaya ko ang mga bagay na sinasabi nilang hindi ko kaya!"
Mabilis na lumipad si Bee Boy palayo nang hindi lumilingon sa kanyang pinanggalingan. Nasabihan tuloy siya ni Marjorie ng mga katagang, "Ang bubuyog na hindi lumingon sa kanyang pinanggalingan ay mas masahol pa sa malansang fish. Like ewww."
Ipinagaspas-pagaspas ni Bee Boy ang kanyang mga pakpak. Hindi man niya ito aminin ngunit lubha parin siyang nasasaktan sa tuwing kinukutya siya ng sangkainsektuhan dahil sa kanyang pangarap na lumangoy.
Dahil sa kalungkutan, nais niyang makalimot kaya't naisipan niyang uminom ng Red Horse Beer sa isang high end bar ng mga sosyaleng lisa at garapata.
At iyon nga ang ginawa niya, nagpakalango siya sa alak. Tagay dito, tagay doon. Suka dito, suka doon. Flirt flirt dito, kayog kayog doon.
Hindi siya nagpaawat kahit na pinagsabihan na siya ng frustrated actress/exotic dancer na ka-table niyang tipaklong na kilala sa bar bilang si Marianna Animo Papaya Ang Dyoga.
Walang epek ang pagpipigil na ito. Walang nakapigil kay Bee Boy. Daig pa niya ang mga Pabebe Gurlz sa pagbitaw niya ng maanghang at galit na litanyang, "Weleng mekekepegel se'men!" kahit na siya lang naman mag-isa ang nag-iinom.
Lagok siya ng lagok ng Red Horse Beer, hanggang sa umepekto na ang alkohol sa kanyang sistema. Tinamaan na siya ng espiritu ng alak. Nakalimutan na nito ang lahat-lahat, ang sakit, ang pangungutya, maging ang pangalan niya nawala na sa kanyang memorya. Ang password ng kanyang Tumblr account na ginagamit niya para i-stalk ang seksing singer na si Lady Buggelya (na isa ring malaki ang dyoga) pati na ang katotohang hindi siya nakapagsuot ng brip noong araw na iyon ay limot na niya.
Pagewang-gewang na tumungo si Bee Boy sa dance floor at lakas-loob na pinakita sa madla ang kanyang naninigas at nanunulis na sandata- ang almost 1 inch niyang stinger na lubhang ikinahimatay sa sobrang ligaya ng ilang malalanding matronang bangaw sa loob ng bar.
Hala! Sige! Sayaw pa! Moves dito, moves doon. Shake it to the left, shake it to the right! Yugyog pa more and wave your stinger like you just don't care!!
Hindi kalaunan, napagod na si Bee Boy sa pagsasayaw.
Lumabas na ito bar at napanuntong hininga. Tumingala siya sa langit at gumuhit sa kanyang mga labi ang isang ngiti. Hindi ko rin alam kung bakit siya napangiti. Baka may ini-imagine.
Lumipad si Bee Boy ng walang eksaktong patutunguhan. Basta trip lang niyang lumipad.
Habang pataas siya ng pataas sa ere, hindi mapigilan nito ang magbalik-tanaw sa mga salitang binitawan laban sa kanya ng ilang insekto sa kanilang lugar.
"Hindi ko pala kayang lumangoy ha. Tingnan naten" bitter na usal nito habang nagkakambyo sa ere.
Lumiko siya sa kaliwa, umikot-ikot sa kanan tapos at lumipad pa-diagonal hanggang sa makakita siya ng isang karagatan.
Noong nasilayan niya ang malawak na katubigan, walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Muntik na siyang mapa-log in at mapa-post sa kanyang Facebook account ng isang mensahe para sa kanyang mga FB friends with the hashtag #DizIzIt #NowOrNever #HatersGonnaHate #DontHateMeCauseYouAintMe at marami pang iba pero pinigilan lang niya ang sarili dahil alam naman niya na walang magla-like noon.
"Ipapakita ko sa mga haters ko na mali sila. Na kahit ang isang hamak na bubuyog na kagaya ko ay matututong lumangoy!" nagsusumidhi at buong pusong sigaw ni Bee Boy with unmoving determination and passion.
"Diz iz ittt!!!"
Walang pagdadalawang-isip na lumipad pataas si Bee Boy at mabilis at dirediretsyong nag-dive sa karagatan.
Hanggang sa nagtagpo na nga ang tubig at ang kanyang buong katawan.
Habang lumulubog sa karagatan, ramdam na ramdam na nito ang basa, ang lamig, at ang preskong dulot ng tubig sa kanyang balat- mga bagay na sa panaginip lang niya inakalang mangyayari.
Panandaliang naging masaya si Bee Boy dahil sa wakas ay magagawa na niya ang pangarap niya- ang makalangoy.
Habang patuloy siya sa paglubog ng pailalim ng pailalim, inilala ni Bee Boy ang mga masasakit na salitang binitawan sa kanya ng mga hampaslupang kapwa niya insekto, ang kanilang pangungutya at ang kanilang panlilibak.
Mali kayong lahat! Pakyu ol ng sagad sagaran hanggang apdo n'yo! Wahaha! Hindi ako makakalangoy? Look at me now, bitches. Look who's swimming now, motherfuckers! Hahahaha!
Habang wala paring pagsidlan ng kagalakan, iginalaw ni Bee Boy ang kanyang mga kamay at paa upang lumangoy naman sana paitaas ng karagatan, upang makita sana ang kabuuan ng nasabing dagat. Ngunit bigla na lang siyang kinabahan. Hindi niya kasi makuhang igalaw ang kanang mga bisig, mukhang nagka-muscle cramps yata ang nasabing insekto.
Bagamat ganun ang nangyari, pinilit parin ni Bee Boy na lumutang at pumaitaas. Ipinagaspas-pagaspas nito ang kanyang mga pakpak ngunit walang epek kasi nga basa ang mga ito.
Sa katunayan, imbis na lumutang ay lalo pa nga itong pumailalim sa karagatan.
"PUTANG INA! HELP!!! NALULUNOD AKOOOOklog-klog-kloggg!!!" ang desperadong sigaw ni Bee Boy sa ilalim ng tubig habang bumubula ang bunganga nito. Ngunit, sa kasamaang palad, walang nakarinig sa kanya dahil may nagbi-videoke sa hindi kalayuan.
Napuno ng tubig ang bibig ni Bee Boy at nagsimulang dumilim ang kanyang paningin. Unti-unti na siyang nawawalan ng malay-"bubuyog" habang patuloy na nilalamon ng karagatan ang kanyang katawan at nilalamig naman ang kanyang medyo lumiit sa ginaw na sandata.
"SHIT!"
'Yun ang huling salitang namutawi sa mga labi ni Bee Boy hanggang siya ay tuluyan nang nalunod at nalagutan ng hininga...
At iyan ang dahilan kung bakit may patay na bubuyog dito sa batyang pinagbabaran ko ng aking mga puting t-shirt.
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown