Ang Bukol At Ang Misteryosong Driver

2.9K 141 115
                                    

Masaya akong naglalakad papasok sa eskwelahan kasama ang aking kapatid na si Blue Ninja at ang aking pinsan na itago na lang natin sa pangalang Boy Kulangot (hindi niya tunay na pangalan).

Bago pa kami tumawid sa kalsada, nag-stop over muna 'yung mga kasama ko sa isang school supply store. Hindi ko na maalala pero bibili yata sila ng 1000 gramo ng marijuana kasi project sa Hekasi. Lol, joke lang.

Pero hindi ko talaga maalala kung ano 'yung binili nila basta may binili sila at ako ay naiwan sa tabi ng kalsada, naghihintay at umaawit ng My heart goes sha la la la la clap clap clap Sha la la in the morning~~ mga ganong astig na shit.

So, 'yun nga, nakatayo ako sa tabi ng kalsada nang biglang may bumundol sa akin, isang tricycle!

Hindi ko pa namalayan noon kung anong nangyari. Ang alam ko kumakanta lang ako sa tabi tapos... Bam! Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa kalsada at mainit at medyo masakit 'yung noo ko. Tapos napansin ko na nasa magkabilang side ko na ang kapatid ko at ang pinsan ko. Tinulungan nila akong tumayo.

Pagkatayo ko, napansin ko ang isang tricycle na nakatigil pero buhay ang makina sa lugar na kinakatayuan ko kanina. Sakay noon ay isang lalaki na mukhang kinakabahan.

Sa palagay ko, dahil sa nangyari, natatakot siyang magsampa ako ng kaso laban sa kanya sa Ombudsman o sa Supreme Court. Ewan. Basta mukha siyang kabado.

Doon, napagtanto ko na binunggo ako ng mokong na 'yon. Tiningnan ko siya ng masama. Kasi naman dahil sa kanya hindi ko natapos kantahin 'yung chorus ng kinakanta ko.

Tinanong ako ng mga kasama ko kung okay lang daw ba ako. Sabi ko, "Oo" pero nakatitig parin ako ng masama sa driver.

Mayamaya, tinigilan ko na ang pagtitig sa hampaslupang driver baka kasi isipin pa niya na crush ko siya. Kadiri ha.

Hinawakan ko 'yung masakit na parte ng noo ko. Tiningnan ko 'yung kamay ko wala namang dugo pero masakit parin. Kaya nilingon ko ang aking mga kasama para tingnan nila.

Sa nakita, napa-"hala!" sila tapos bahagyang natawa. Kumuha ng piso 'yung pinsan kong si Boy Kulangot sa kanyang bulsa at itiniin ito sa aking noo.

Masakit.

Sabi nila namumula raw ang aking noo at may bukol daw ako dito pero hindi naman daw kalakihan. Para lang daw akong tinutubuan ng pangalawang ulo sabay tawa nila.

Makalipas ang ilang minuto, tinigilan na nila ang pagdidiin ng piso sa aking no. Habang si Manong Driver, well, wala na siya. Kinuha na yata siya ng alien o baka nagpunta na siyang Narnia gamit ang tricycle niya. Ewan ko lang.

Pero dahil all was well that ended well, tumawid na kami at nagpuntang school.

Dahil sa aking bukol sa aking noo, nabawasan tuloy ng 2% ang kapogian ko. Pero okay lang, may baon naman akong pan de coco.

Sa school, as expected, inasar ako ng mga kaklase ko. Sabi kasi nila para raw akong si Satanas dahil sa bukol ko sa noo na parang sungay.

Nakakainis! Sarap balian ng buto ang mga batang yagit na 'yon!!

The end.


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon