A Ride To Remember

3K 165 193
                                    

Noong Grade 6 ako, bumili ang papa ko ng bisekleta. Kaya nag-aral akong mag-ride. Maraming beses akong nasemplang, bumunggo sa poste at hinabol ng aso pero na-survive ko lahat ng 'yon at natuto mag-bike. Kasi. Pogi. Ako.

Bagamat may konting issues parin ako sa aking balanse at sa pagmaniobra ng manubela, pakiramdam ko handa na ako para sa pinakamimithi kong "ultimate joy ride of a life time".

Kaya isang hapon, nilabas ko si Pajero. Iyon kasi ang pinangalan ng papa ko sa bike pero kung ako ang nagpangalan dito, tatawagin ko sana itong Optimus Prime para cool.

Ang kagandahan sa kalsada namin, tuwing hapon, bihira na lang ang dumadaang mga sasakyan doon. Kaya sa ganoong oras, solo ko ang kalsada.

Nagsimula na akong mag-bike. Grabe. Sarap sa feeling. Nakakalayo-layo na ko pero hindi pa ako nasesemplang. Sabi ko na nga ba, kapag pogi magaling mag-bike.

Dahil nga pogi ako, binilisan ko lalo ang pag-pedal.

Hindi ko ma-explain pero habang banayad na humahampas ang hangin sa aking mukha, pakiramdam ko malaya ako, na wala akong problema, na ang lahat-lahat sa mundo ay hindi ako kayang pigilan. I was young, wild and free... and not to mention sobrang pogi.

Naisip ko nga, siguro ganito ang pakiramdam ng mga ibon habang lumilipad sila sa himpapawid. Careless and carefree and happy.

Dahil feeling ko ibon ako, pinikit ko ang aking mga mata at bahagyang tiningala ang aking ulo habang patuloy parin sa pag-andar ang sinasakyan kong bisekleta.

While riding, I felt like I was floating up in the air. I had that kind of feeling that would let you forget everything. And for that short moment, I remembered nothing else but the relaxing wind that was gently massaging my face and that feeling of freedom and euphoria that went along with it.

Noong nakapag-emote na ako, dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at agad napamura.

Dahil sa kabadingan ko, emote emote pa kasi, hindi ko namalayan na bubunggo na pala ang sinasakyan kong bike sa gate ng isang bahay sa tabi ng kalsada!

Naging napakabilis ng mga pangyayari.

Noong napansin ko na *gento* na lang kalayo at bubunggo na ako, agad kong hinila pakaliwa ang manubela para makaiwas sa gate. Kaya lang, napalakas ang paghila ko dito kaya tumama sa sikmura ko 'yung handle ng manubela na mabilis na nagpa-out of balance sa akin kaya gumewang 'yung sinasakyan ko.

Ire-recover ko pa sana 'yung balance ko pero hindi ko nagawa sa kadahilanang, sa hindi ko maipaliwanang na dahilan, hindi ko alam kung paano nangyari, naipit sa loob ng gulong ng bisekleta ang isa kong paa.

At dahil nga pogi ako, naging napaka-legendary ng pagkakasemplang ko.

Dahil nga sa aking "nakakahangang" biking skills, nagulat ang mga tao sa nasaksihan nilang aksyon. Napasigaw pa nga sila e. Tapos 'yung may-ari ng gate na sasalpukin ko sana, napalabas pa ng bahay nila.

Habang ako ay nakahandusay sa tabi ng kalsada, nakatingin silang lahat sa akin holding their shock expressions on their faces. Akala yata nila patay na ako. Balak na yata nila akong takpan ng dyaryo or something.

Hindi ko naman sila masisisi e. Teka, paano ko ba mailalarawan ang itsura ko noon?

Nakahiga ako sa mainit na graba with my back against the ground. Ang mga kamay ko naka-extend sa aking tagiliran at alam ko may galos ang aking noo. Habang ang bisekleta nakapatong sa akin, sa pagitan ng aking mga hita habang ang isa kong paa ay nakaipit parin sa gulong nito.

Kung hindi mo nga alam na nasemplang ako, siguro aakalain mong ginagahasa ako ng bisekleta. Ganon ang itsura ko. Nakakaawa... pero pogi parin naman!

Bago gumalaw, tiningnan ko muna ang mga nakapaligid na usyusero. Nakita ko sa kanilang mga mata na mixed emotion sila— hindi siguro nila alam kung tutulungan ba nila ako o pagtatawanan.

Dahil doon...

#Nakakahiya #EmbarrasingMomentOfMyLife #PatayinNyoNaLangAko #Pogi

Noong naramdaman kong hindi pa ako patay, dahan-dahan akong tumayo, pinagpag ang aking kasuotan, tinayo ang bike at patay-malisyang naglakad palayo na parang walang nagyare.

Moral ng story?

'Wag kang babading-bading pagnagba-bike! Ayusin n'yo ang buhay n'yo at 'wag n'yo ako gayahin! LOL

The end.


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon