Ang pangalawang Ghost Story na ito ay nangyari parin sa munting lugar kung saan ako lumaki noong ako ay nasa ika-apat na baitang pa lamang sa elementarya.
And it goes a little something like this...
Malalim na ang gabi. Ngunit dahil bakasyon naman noon at walang pasok ang mga kabataan ng BSL (Boy Scout ng Looban), nagkayayaan kaming maglaro ng Tagu-taguan.
Kalaro ko noon sina Renan, Luis Baho, Jomarie, Dranreb at marami pang batang yagit sa aming munting Looban na hindi ko na lang papangalanan dahil mga dakilang extra lang naman sila dito sa kwento ko at hindi rin makakaapekto ang existence nila sa daloy ng istorya. LOL
Anyways.
Madilim ang paligid at malamig ang simoy ng hangin pero wapakels kami noon dahil masayang maglaro. Nagtatakbuhan kami, nagtatawanan habang naghahanap ng malupet na mapagtataguan para mabater namin ang taya.
Habang nalilibang kami sa paglalaro ay lalo rin lumalamin ang gabi. Ngunit hindi na namin ito alintana o napansin dahil sa sobrang happiness na dulot ng paglalaro.
Sa kabutihang palad, hindi pa ako natataya at wala akong balak mataya noong mga panahong iyon dahil kapag nataya ka, kaalinsabay nito ay ang walang habas na pang-aasar ng aking mga kalaro. Tutuksuhin ka nila ng sobra sobra na wala ka nang magagawa kung hindi umiyak na lang sa kinatatayuan mo habang wini-wish na sana ay hindi ka na lang sinilang sa mundo.
Kaya naman para maiwasan ang mga ganitong atake sa aking poging pagkatao, maingat ako sa pagpili ng aking mapagtataguan at hanggat maaari ay ayoko ng may kasama dahil magiging hadlang lang ito sa aking tagumpay.
Humantong sa oras na nataya si Dranreb.
Kung mapapansin n'yo, ang pangalan niya ay binaliktad na Bernard. Ewan ko kung ano ang trip ng nanay niya bakit pinangalanan siya ng ganun. Hindi na lang dineretsyong Bernard. Madami pang paandar na baliktad-baliktad. Baka naman baliktad din ang utak nito, 'di kaya? #Joke #Sorna
So, 'yun na nga.
Taya si Dranreb kaya naman pinaulanan siya ng mga intense na pang-aasar at insulto sa kanyang pagkatao ng aming mga kalaro. Halos madurog ang puso nito nang pagsabihan siya ni Luis Baho ng mga katagang, "Ambaho mo! Amoy 'di labang brip na sinuot ng limang araw! Wahaha"
Dumagdag pa ang kapatid nitong si Jomarie na nagwikang, "Ang kutis mo kasing itim ng kilikili ng nanay ko! HAHAHA!"
Nagalit tuloy ang nakakatandang kapatid nilang si John Gerald aka Utoy ang dakila at huwarang lider ng Black Cobra at binatukan ang dalawa. Hindi naman daw kasi maitim ang kilikili ng nanay nila. Medyo lang.
Sa mga natanggap niyang salita, muntik nang maiyak si Dranreb. Kaya naman hindi ko na lang sinabi 'yung mapanirang banat ko kasi nga baka tuluyan nang humagulgol ang kalaro at matigil pa ang aming Tagu-taguan.
Inireserba ko na lang ang aking "Ultimate Paninirang Puri Words Of Destruction" o tinawag ko noon bilang UPPWOD por short para sa susunod na matataya.
Patay sa akin ang sunod na matataya. Hihihi
Bago pa man maglumpasay sa sahig si Dranreb at magdadabog at isumbong kami sa kanyang nanay, minabuti na naming simulan ang Tagu-taguan.
Humarap na ang taya sa pader, tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga braso at nagsimulang umawit nang ala-Regine.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagkabilang kong limandaan nakatago na kayo. Isa... dalawa... tertin..."
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown