Nasaan Ang ID Mo?

2K 101 92
                                    

Ika-22 ng Hulyo taong dalawang libo’t labing apat. Ikalawang araw ng Exam Week. Tulad noong unang araw, syempre hindi parin ako naghanda sa aming mga pagsusulit.

Wit na ang mga ganyang bagay. Asa pang mag-review ako eh isa nga akong henyo. Wahaha (≧∇≦)/

Dahil umuulan noon, sinuot ko ang aking pemboritong itim na sweat shirt at itim na pantalon at pulang converse.

Sinuot ko rin yung itim na syorpet ko. Actually, lagi naman akong lumalabas ng bahay na may suot na cap o di kaya’y bonnet. Kasi pakiramdam ko, kapag nakaporma ako ng ganon, medyo bad boy ako.

Astig!

Ngayon, marahil ay naglalaro sa iyong isipan ang katanungang ito.

Ano naman ang koneksyon ng mga sinuot ko sa araw na iyon sa aking nalalapit na eksaminasyon?

 

Ang sagot ko. Wala. E ano pake mo? Haha

Moving on.

Bumaba na ako sa tricycle na aking sinasakyan. Ngunit, biglang humangin ng malakas kaya nagulo tuloy ‘yung bangs ko. Dyahe. Ang tagal ko pa namang inayos. Guguluhin lang ng kupal na hangin.

Hindi kagaya ng nagdaang araw, hindi ganon karami ang mga estudyante sa paligid. Parang ghost town ang school.

Naisip ko tuloy, baka ang dahilan kung bakit kaunti lang ang nakikita kong estudaynte sa paligid ay dahil ang karamihan sa mga mag-aaral ng paaralang ito ay nasa clinic o di kaya’y nasa malapit na ospital dahil nga baka naubusan na sila ng dugo o inatake na ng cardiac arrest dahil sa kaba sa eksaminasyon.

Kaawa naman sila

 I will pray for their souls. *sign of the cross*

Tumuloy na ako. Hanggang sa madaan ako sa mga gwardiya. Bago pa ako tuluyang makapasok sa school premises, hinarang ako ng isa sa mga ito.

Hinanapan ako ng ID. No id, no entry daw. Strict policy ng school.

Walanjo!

Hindi ba niya nakikita na nakasabit sa leeg ko ang ID ko? Kitang kita naman siguro dahil itim ang suot ko at berde ang kulay ng ID. Tsaka hindi ko naman tinatago ‘yun. At hindi ko kailan man itatago. Ang pogi ko kaya sa ID ko! Mali nga lang ‘yung pangalang nakaimprenta pero POGI!

Tsk.

Ang sakit sa bangs ng pangyayaring iyun. Syet.

Magmula ng ako ay High School lagi akong nakasuot ng ID. Kahit saan ako mapunta, may ID akong nakasabit sa aking leeg. Hindi nawawala ‘yun.

Iniisip ko kasi noon hanggang ngayon, Paano kung sa paggala ko bigla akong masagsa ng humarurot na jeep? Paano kung bigla akong tamaan ng kidlat? Bagsakan ako ng puno at magkalasog-lasog ang pagmumukha ko at hindi na ako makilala? Ayokong mamatay ng walang pagkakakilanlan!

 

Mahirap mamatay ng wala kang identity. Kung wala kang pangalan, baka kung ano lang ang gawin ng mga tao sa iyong walang-buhay na mga labi. Hindi mo alam baka ihalo sa longganisa ang mga laman mo o baka gawing pang-abono o fertilizer ‘yung katawang-lupa mo sa mga tanim na palay.

Syet. Ayoko nun. Ayokong mahalo sa longganisa o maging pampataba ng halaman.

‘Yun ang dahilan kung bakit ako ay laging may suot na ID saan man ako mapunta. Mapasa inuman, galaan o kahit nasa loob lang ng bahay.

Dapat may ID para safe.

Balik tayo sa Exam Week.

Ikinaligaya ko dahil wala kaming eksaminasyon noong araw na iyun. Activities lang ang aming pinagkaabalahan that served as our review para sa nalalapit na pagsusulit sa mga susunod na araw.

Syempre, natuwa ako. May ilang araw pa para makapag-review ako. ‘Yan ay kung magre-review ako. Pero baka hindi na rin kasi nga henyo ako. Wahaha  (≧∇≦)/

May ikukuwento pa sana ako kaya lang tinatamad na akong mag-type. Next time na lang.

The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon