Loner ako noong bata. Loner not by choice but by force!
Kwento ko sa'yo kakape lang ako...
Ang sarap ng kape, 'no? Grabe. Sa sobrang hilig ko sa kape, feeling ko noong past life ko, isa ako sa mga worms sa Men In Black na wala nang ginawa kung hindi magkape ng magkape... kwento ko sa pagong next time.
Pero ngayon, balik muna tayo sa ating pinag-uusapan.
Kagaya nga ng sinabi ko, loner ako noong bata sa kadahilanang lagi akong hindi kabati ng mga batang yagit kong kapitbahay.
Sasabihin ko sana, "Okay lang, pogi naman ako eh" pero noong mga panahong 'yon, hindi siya okay, okay?!
Kapag bata ka ang pinakamasakit na bagay na maaaring sabihin sa'yo ng mga kalaro mo ay ang mga katagang, "Isusumbong kita sa nanay mo!" at ang basag-pusong, "Hindi kita kabatee!".
At ganon nga ang sinabi nila. Hindi nila ako kabate. Mga hinayupak sila. Mga supot. Mga walang puso't kaluluwa. Mga walang konsens'ya!
Kasi ganito 'yun, mga pre, tuwing bakasyon, ang mga bata sa munting lugar namin na kung tawagin ay Looban ay nagkakaroon ng "camping".
Nagtatayo sila ng isang matibay na tent gamit ang mga kahoy, karton at plastik sa bakanteng lote sa lugar namin at ito 'yung tinatawag na "hideout". Sa tent na iyon sila nagkukulitan, naglalaro, natutulog, nagluluto at kung minsan pa nga e nagbabasagan ng bote sa noo.
Ang tawag sa mga kasali ay "BSL" o "Boy Scout ng Looban".
Para sa mga bata sa munting lugar namin, ang mapabilang sa nasabing samahan ay isang napakalaking pribelehiyo at karangalan. Kaya ganoon na lang ang tuwa at galak ko ng makasali ako sa grupo.
Masaya ang mga naging karanasan ko doon. Pakiramdam ko nga I was with my band of brothers who had my back and whoser backs I had as well. Everything was cool perfect, I couldn't ask for more. I was actually having the time of my childhood life.
Until that one fateful day...
Pero bago ko ikwento 'yun, explain ko muna ang rest ng detalye sa Boy Scout ng Looban. So, kung baga sa chess, kaming mga nakababatang BSL ay mga pawns at ang mga nakatatandang mga bata, sila naman 'yung mga officials, sila 'yung mga lider-lideran ng grupo.
Sa kabutihang palad, 'yung kapatid ko na itago na lang natin sa pangalang Joverto Allejo Junior (hindi niya tunay na pangalan) ay isa sa mga lider ng BSL at ka-buddy buddy din niya ang mga iba pang lider ng samahan.
At dahil nga kapatid niya ako, pogi din siya. Pero mas pogi ako. Syempre. Hindi na kailangan pagtalunan 'yun. Given na 'yun e. LOL
Anyways.
Eto na nga, dahil sa isa sa mga nirerespetong lider si Joverto at nakababata niya akong kapatid (weird lang kasi mas matanda siya sa akin pero kahit ni minsan hindi ko siya tinawag na 'kuya' hanggang ngayon Joverto parin ang tawag ko sa kanya. Walang galang eno? Pero ganoon talaga. That's how we roll at wala ka ng pake doon), sinabi niya sa akin ang mga sikreto ng BSL.
Ayon sa mga nalaman ko mula kay Joverto Allejo Junior (hindi niya tunay na pangalan, pramis!), ang BSL daw ay nahahati sa dalawang grupo.
'Yung unang grupo, eto 'yung Boy Scout ng Looban, kung saan ako kabilang. Sa grupo daw na iyon nabibilang ang mga batang kaedad ko na masyado pang bata para maging cool at awesome para sa mga astig na shit, kung baga saling pusa lang, ganon.
Bago pa sabihin ng utol ko 'yung pangalawang grupo, laking bilin niya sa akin na 'wag na 'wag kong ipagsasabi ang sasabihin niya sa akin dahil sikretong malupet daw iyon at dahil wala nang iba pang nakakaalam nito maliban sa mga lider.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown