Doggy Style

2.5K 124 102
                                    

Isang maputik na miryerkules, lampas alas-otso na ng gabi noong ako ay makauwi sa bahay mula sa paaralang aking pinapasukan.

Bagama’t haggard pa at mukha pa akong zombie (pero poging zombie naman, ako si R ng Warm Bodies kkk), hindi rin ako nagtagal sa aming tahanan sapagkat ako ay umalis din agad. Nilapag ko lang ang aking mga kagamitan tsaka pumaroon sa karatig pook upang dumisplay sa kanto.

Pagkatapos kong dumisplay, may ginawa pa akong ibang bagay na hindi ko na lang sasabihin dahil wala rin naman kayong pake.

To make the story short, nakauwi ako sa bahay ng mag-a-alas onse na.

At dahil nga ako ay pagod dahil ako ay nagpakadalubhasa sa sayantipikong pag-aaral ng Edukasyon para matulungan ang mga kabataan na mabuksan ang kanilang murang isipan sa makulay na mundong kanilang kinamulatan at kinagagalawan, gutom na gutom na gutom ako.

Ang dami kong gutom. Sa sobrang dami, muntik ko ng kainin ang tanim na orchids ng nanay ko. Buti na lang hindi ako vegetarian. TAKAWrian lang.

Syet. Korni ang pota.

Ngunit subalit datapwat, sa kamalasmalasan, sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang nakakagagong biro ng tadhana, wala ng ulam. Kanin na lang ang natira sa aming hapagkainan.

Dahil sa mapait kong sinapit. Hindi ko na maalala. Namura ko yata ang santo papa. Pero okay lang. Hindi naman niya ako kilala at wala rin akong pakialam sa kanya.

Kwits kami.

So, anyways.

Labag man sa aking loob, minabuti ko na lang na lumabas muli at bumili ng aking makakain.

Habang naglalakad sa kalsada, nakatingin ako sa aking nilalakaran. Bukod kasi sa maputik, naglipana rin ang mga tae ng aso sa paligid. Para silang mga landmines. Nadali na ako minsan at ayaw ko ng madali ulit.

Ewan ko ba kung bakit napakaraming TAE dito sa amin. Naka-caps lock talaga kasi lubhang naglalakihan ang mga ito. Sa sobrang laki, minsan nga iniisip ko baka hindi talaga aso ang dumudumi sa kalsada.

Tiningnan ko ‘yung nadaanan kong mga nagtatawanang mga baranggay tanod. Baka ‘yung mga tanod…

Siguro nga. *tango* *tango*

Matapos kong paghinalaan ng masama ang mga magigiting na baranggay tanod na walang humpay na naghahagikhikan sa aming munting Baranggay Hall na nakatayo sa Baranggay Toot Toot na nasasakupan ng mapayapang bayan na kung tawagin ay Morong na nabibilang sa lalawigan ng Rizal na kasapi ng CaLaBaRZon sa Region 4 na nasa isla ng Luzon na isa sa tatlong pangunahing parte ng bansang Pilipinas na nakalugar sa Asya at kasapi ng Association of South East Asian Nation, pota kung hindi n’yo pa malaman ang address ko ewan ko na lang, tumuloy na ako sa tindahan ng ulam.

At pagpunta ko roon, taadaaaa! Wala na ring ulam. Muntik ko ng itaob ang mga paninda ni Ate at maghamon ng suntukan sa kalsada.

Pero bigla rin akong huminahon. Ang sabi kasi ni Ate meron pa pala raw silang ulam. Nilabas niya ang isang tray ng naglilinamnamang, nagmamantikaang, at nagpupulahan sa food color na longganisa.

Pero noong gabing iyon, wala ako sa mood kumain ng longganisa. Hindi dahil may nakita akong pritong langgaw na nakadikit sa isa sa mga ito ha. Wala lang talaga ako sa mood.

Pumasok muli sa pinaglabasan niya si Ate habang ako ay nakatitig sa mga longganisa at sa munting langaw na naging pampalasa at pangunahing sangkap na rin ng ulam.

Ng walang ano-ano, biglang yumugyog ‘yung stall ni Ate.

Nagulat ako. Akala ko lumilindol na. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan, sa likod, sa baba at sa taas, parang hindi naman lumilindol. Binalik ko ‘yung tingin ko sa stall. Patuloy parin ‘yung pagyugyog nito. Kaya umatras ako. Baka kasi biglang gumuho ang tindahan niya at matabunan pa ako.

Syet. Ayaw kong ma-24 Oras. Ayaw kong mabalita na ako ay namatay dahil natabunan ng isang tray ng longganisa.

Hindi ko talaga maintindihan. Sa dami ng katabing tindahan bakit itong kay Ate lang ang yumuyugyog? Ano ‘yun, sa pwesto lang niya may intensity 7 na lindol? Special siya? Siya lang nakaka-experience ng earthquake??

Hindi parin tumitigil sa pagyugyog ang stall niya.

Hindi ko alam kung paano ko naisip out of instinct siguro pero bigla na lang akong sumilip sa ilalim ng stall habang yumuyugyog parin ito.

At sa pagsilip ko, natawa na lang ako sa nakita.

Putek may nagse-sex na aso sa ilalim ng stall ni Ate! Kaya pala yugyugan ng yugyugan! Hahahaha (≧∇≦)/

Naisip ko, mga pesteng aso ‘to magmamadaling araw na sex pa rin ang inaatupag. Walang tulugan. Push lang ng push. Kaya mangayayat eh. Wahahahahaha (≧∇≦)/

The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon