May nagtanong sa'ken via private message. Sabi niya, "Poging Brown, ba't ang daldal at ang ingay mo sa FB at WP?"
Hindi ko na sana siya sasagutin kasi tinatamad akong mag-type. Pero dahil nga nabanggit niya ang mga salitang "Poging Brown" na isa sa mga kahinaan ko maliban sa Kopiko Brown Coffee at pan de coco, hindi ko siya nai-seenzone at minabuting replyan ang nasabing tanongero.
Ang sagot ko, kasi bilog ang mundo ano bang pakialam mo? Ta's pinagmumura ko siya na sa sobrang tindi sa palagay ko'y ikinadurog ng buong pagkatao niya dahilan para hindi na siya lumabas ng bahay sa sobrang trauma. LOL. JK. Hindi ko siya pinaulanan ng mura. Mabait kaya ako at mapagmahal sa kapwa. Haha
Sinagot ko lang siya ng, "Ganun talaga kapag gwapo. *wink*"
Ta's nag-message uli siya ng makasaysayang "K" sabay "LOL XD" at hindi pa nakuntendo, naglagay pa siya ng pahabol na, "Laptrip! Ikaw talaga Brown, mapagbiro!"
Simula noon, nai-block ko na siya. Hahaha. Biro lang po. In-unfriend ko lang tapos siniraan ko siya sa lahat ng GC. LOL. JK.
Ang Peysbuk at Wattpad ay mga uri ng Social Media. Social ibig sabihin ito ay may kinalaman sa interaksyon mo sa ibang tao gamit ang media as the way to connect to people. FB and WP and other Medias are made to make the connection between individuals from all over the world easier and more effective by means of sharing stories, pictures and the likes. They are intended so people can interact with other people. That's the main reason bakit sila nabuo.
Ano pang silbi ng account mo sa mga nasabing social medias kung mas tahimik ka pa sa naistrok na bato? Walang kwenta 'di ba? Kaya minsan kailangan din nating mag-ingay just to show people na we're alive and kicking and we RAAKK!!
Para sa akin kasi, hindi ko naman sinasadyang maging maingay. Ang totoo, tahimik talaga akong tao (pramis!) kaya nga lang ay nauunahan ng curiosity ko ang urge ko to keep silent.
Here's what I'm talking about:
Hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa aking innate inquisitiveness about people of different walks of life o dahil sa background ko sa Sikolohiya kaya nais kong makisalamuha at malaman na rin kung paano mag-behave ang bawat tao sa virtual realm na ino-offer ng internet o baka dahil lang talaga sa ako ang hari ng FC at frustrated comedian na din kaya dakdak ako ng dakdak ng mga joke na ako lang din naman yata ang masaya. Ewan. Pero kasi I find interest and satisfaction talking to, making jokes and laughing with people and other users who are practically strangers to me kahit na sa virtual world lang at walang physical contact.
Typical para sa mga social climber at attention-seekers. LOL
Mind you tho, I am neither of the two. I treat social media as my personal social experiment in a way. As much as possible I want to meet people, know their stories (not just the ones they publish), their lives and just about anything.
Masaya makakilala ng tao. Makipagkwentuhan. Makipagpalitan ng kuro-kuro. Makipagkulitan. Makipagdaldalan. Makipag-interak. Makipagbasagan ng ulo. Makipagtarantaduhan. Makipaglandian ng konte (sparks na ituu!). Makipagtalakayan tungkol sa iba't ibang shit meron ang planeta.
Kapag kasi pinaligiran mo ang sarili mo ng tao, naniniwala ako na marami kang matututunan sa kanilang mga kalokohan maging mga bagay na useful at very informative din naman na ikaka-build up ng personality mo as a human being.
Sa interaction mo sa social medias, malalaman mo ang latest trends mula sa patok na newest labtim hanggang sa kung sino ang bagong inano ni kwan, ang bali-balita sa mundo patungkol sa pagtatanim ng bala sa NAIA hanggang sa kaguluhan sa bansang Yemen, at mga bagay-bagay about society in general from small trivial things to big-ass full-blown shit.
I guess ang sinasabi ko lang behind all the crap I just mentioned up above e masaya ako kapag nakakausap ang ibang tao, masaya ako kapag kinakausap ako ng tao kasi ibig sabihin nun, they acknowledge my existence. Hindi nila ako tinatrato na parang utot, it comes with vengeance and it goes without a trace but with a bad taste in your mouth. LOL
Nga pala, sa aking masusing pag-aaral, I came up with a theory. Sa aking pananaliksik, napag-alaman kong may dalawang uri ng maingay sa Social Media.
1. 'Yung maingay na annoying. Na wala nang ginawa kung hindi magdadakdak ng mga shit na wala namang kakwenta-kwenta, senseless at dagdag basura lang sa newsfeed o 'di kaya'y 'yung mga mapanira sa kapwa. Mga mahilig mag-bash na wala ng bukambibig kung hindi ang pangmamaliit, pang-iinsulto at pagpapababa sa ibang tao just to make themselves feel they are superior to other people. Pwe!
Eto 'yung mga nilalang na masarap pukpukin ng bumbilya sa kanilang noo para maliwanagan sila na walang may pake sa nararamdaman nila at walang natutuwa sa mga kagaguhan nila sa buhay. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko na silang pinaghahampas ng dildo sa mukha nila. Mga hinayupak. Nakaka-high blood e.
On a lighter note, syempre may pangalawang uri ng maingay. At iyon ay ito;
2. 'Yung maingay na kyot... katulad ko. Hindi na kailangan ng karagdagang paliwanag. Iyan lang, sapat na. LOL
Wala na akong gustong sabihin. Dito ko na lang tatapusin ang aking pinaglalaban. Haha. Pero teka, bago ako mag-the end, may naisip lang ako. Kung ang tawag sa taong nagsusulat sa kaliwang kamay ay kaliwete, ano naman ang tawag sa nagsusulat sa kanan??
Kung alam n'yo ang sagot, i-text lang ang BROWN POGI (space) YOUR ANSWER (space) MOTTO IN LIFE (space) FAVORITE COLOR (space) PANGALAN NG KAPATID NG TITA NG LOLO NG PINSAN NG PAMANGKING NG TATAY NG ALAGANG ITIK NG KAPITBAHAY N'YO (space) COLOR NG UNDERWEAR N'YO NUNG ISANG ARAW and then send it to 0893697fuYYT_KMNJC9P012743754*KLSRQ15.
Kapag na-send n'yo na, makakatanggap po kayo ng verification text na nagsasabing "Kapag hindi mo pinasa 'to sa 20 mong friends before midnight may mamamatay sa mga mahal mo sa buhay. BABALA."
Kung hindi n'yo naman alam ang sagot, i-vote n'yo na lang 'tong update ko. Hihi
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown