Grade 1

2.8K 137 245
                                    

Dahil sa kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako nag-kinder, samahan pa ng napaka-awesome kong performance sa entrance exam at dahil sa likas na utak laway ako noong bata, last section tuloy ako noong Grade 1.

Nakakadismaya nga, mga pre. Mukhang hindi bumilib ang mga bumubuo ng Department of Education sa pinamalas kong angking kagalingan sa pagsulat ko ng aking pangalan. Akala ko pa naman noon, dahil sa ginawa ko sa exam, hahanga na sila sa akin at titingalain na ako ng buong sambayanang Pilipino.

Hindi pala.

Kaya 'yun, sawi ako.

Sa panahon ko, may anim na section sa Grade 1 at ang bawat seksyong ito ay may kani-kanilang pangalan na hango sa iba't ibang prutas.

Ang mga section ay tinatawag na 1-Mangga, 1-Bayabas, 1-Atis, 1- Saging, 1-Mansanas habang 'yung huling seksyon na kinabibilangan ko ay tinatawag na 1-Kamoteng Kahoy.

Ang totoo, hindi ako sure kung 1-Kamoteng Kahoy nga ba o 1-Ubeng Halaya. Basta alin lang 'yun sa dalawa.

Ang section ko ay maikokonsiderang pinagkaitan ng karapatan ng eskwelahan. Parang dito itinapon ng paaralan ang mga batang malaki ang chance na maging kriminal sa hinaharap. Paano ba naman, ang mga kaklase ko ay mga mukhang pirata.

Naka-locate ang classroom namin sa pinakadulo ng walang hanggan, kung saan wala ng sinomang nagkakamaling pumunta, malayo sa kabihasnan, sa magubat na parte ng paaralan.

Dahilan para tawagin din ang section namin na 1-Mangga.

1-Mangga ang tukso sa amin noon. Hindi dahil mga henyo kami kung hindi dahil nasa manggahan ang room namin.

Pero kahit na nasa last section ako, naging masaya parin ako, mga pre. Kasi habang kasama ko ang mga kaklase ko, lalo kong napatunayan sa sarili ko na... talaga ngang pogi ako.

Dahil nga pogi ako at tinubuan na rin ng konting brain, naging favorite ako ng teacher namin. Kahit nga 'yung intern namin ako 'yung favorite eh. Hindi ko naman sila masisisi. Paano ba naman, ako lang ang mukhang matino sa mga kaklase kong mukhang haragan.

And mind you, mga pre, ako lang naman ang escort sa klase! LOL

Minsan, naglalaro kami ng Teenage Mutant Ninja Turtles sa room. Syempre, ako si Michaelangelo kasi ako 'yung pinaka-cool habang yung mga kalaro ko, mga ordinaryong pagong lang. 'Yun lang ang ganap nila.

May sumali sa amin. Isang batang uhugin na kulay green na 'yung plema sa ilong niya. Hindi ako nag-e-exaggerate, mga pre. Berde na talaga. Akala ko nga noon caterpillar 'yung labas-pasok sa mga butas ng ilong niya eh.

Ang pangalan ng batang iyon ay itago na lang naten sa pangalang Alvin (hindi niya tunay na pangalan).

Sabi niya sasali daw siya sa laro namin at siya daw si Rafael. Walang pumayag sa mga kalaro ko. Ayaw nila. Pero ako pumayag. Kasi sabi ko, kakulay naman ni Rafael 'yung uhog ni Alvin eh, green. Kaya pumayag na rin 'yung mga kaklase ko. Pero syempre si Alvin ang laging unang namamatay para masaya.

Kahit ganoon ang itsura ni Alvin, naging-close kami. Buddy-buddy nga kami sa room eh kasama ang isa ko pang kaklaseng babae na ikukwento ko na lang sa mga susunod na araw. *wink*

Habang kasama ko ang mga kapwa ko Kamoteng Kahoy, marami akong natutunan sa kanila. Isa na nga doon ang pagkain ng papel.

Sabi ng malapit kong kaklase na si Alvin, pwede naman daw kainin ang papel. Pemborit nga raw niya 'yun. 'Yun nga raw ang breakfast niya every morning eh.

Hindi ko siya pinaniwalaan noon. Kaya nai-dare ko siyang ipakita sa akin kung paano niya ginagawa ang kanyang kakaibang delicacy. Kumuha ako ng mga scratch paper sa aking bag at ibinigay ang mga ito sa kanya.

Noong nasa kamay na niya ang mga papel, walang pag-aatubiling kinain ni Alvin ang lahat ng 'yun sa harapan ko.

Humanga ako sa kanya. Grabe. Ang galing. Ang bilis niyang kumain ng papel. Para ngang gilingan 'yung bunganga niya e.

Dahil mabilis na naubos 'yung mga scratch paper ko, naghanap pa uli ako ng mga papel. Nakakita ako sa basurahan kaya kinuha ko ang mga iyon at ibinigay sa malapit na kaibigan.

Pagkaabot ko, hindi siya nagdalawang-isip. Kinain parin niya lahat ng isang hingahan. Dahil sa ginawa niya, tumaas talaga ang respeto ko sa kanya. Astig!

At dahil nga friends kami at sa mga mata ko ay very awesome siya, ginaya ko siya at kumain din ako ng papel.

Ang totoo, hindi naman masarap. Lasa ngang madumi e. Pero kinain ko parin kasi nga cool.

Noong nakita ng mga kaklase kong yagit ang ginagawa namin, naggayahan silang lahat. Pinunit nila 'yung mga notebook nila at nginata ang mga ito. Kaya 'yun, noong oras na ng recess, walang nag-recess sa'min kasi nabusog na kaming lahat sa papel.

Kwela rin 'yun si Alvin e. Kaya nga noong nalipat ako sa section 1 noong Grade 2 (oo, mga pre, na-promote kasi ako from zero to hero), na-miss ko siya at ang mga out-of-this-world at kasumpa-sumpang katangahan namin sa buhay.

Bihirang bihira ko na lang makita si Alvin ngayon. Pero sa tuwing nakakasalubong ko siya, binabati niya parin ako sa pangalan ko. Syet. Kilala parin ako ng yagit na 'yon. Nakakaiyak. Haha

The end.


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon