Hindi 'To Prologo

13.9K 233 155
                                    

Noong bata ako, ginusto kong maging SCIENTIST. Kasi... wala lang para may masabi lang sa mga nagtatanong kung ano ang gusto ko maging paglaki.

Hindi ako nag-kinder kaya wala akong alam noong bata.

Ang tanging alam ko lang ay umakyat sa puno, kumain ng nahulog na bunga ng talisay, at maglaro kasama ang tatlong IMAGINARY friends ko.

Pero madalas, ako lang mag-isa ang naglalaro kasi hindi ako kabati ng tatlo.

Noon pa man, hilig ko na ang magsulat. Ang kauna-unahang sinulat kong story ay pinamagatang Casa De Vampira. Isang korni at patayang kwento tungkol sa ano pa nga ba eh 'di bampira. Sinundan pa ito ng epic to the max kong kwento na pinamagatang Alamat Ng Papaya.

Hindi ko na alam ang whereabouts ng kopya ng mga sinulat ko. Napangsiga na yata.

Dahil sa hilig ko pagsusulat, nahilig din ako sa pagbabasa.

Ang unang Ingles na salitang natutunan kong basahin ay ang salitang THE. Tuwang tuwa nga ako nang nababasa ko na ang salitang iyon. Ang pakiramdam ko nga, ako na ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo at pwede na akong tumakbo sa pagkapresidente ng bansang PILIPINAS!

Noong Grade 1, pinagdala kami ng aming guro ng maluto (ito 'yung baong kanin at ulam). Pero dahil wala kaming pera ng mga panahong iyon, kinatay ng kuya ko 'yung alaga kong INAHING MANOK at naiprito.

Noong oras na ng RECESS, habang kinakain ko 'yung aking baon, mangiyak-ngiyak akong ngumunguya.

Bukod kasi sa mahal na mahal ko 'yung alaga kong inahing manok, sa totoo lang, hindi rin ako makapaniwalang ganoon siya kasarap.

Isang beses, nagmamadali akong umuwi ng bahay galing sa paaralan para maabutan ko ang paborito kong palabas na CAPTAIN PLANET.

Sa sobrang bilis kong tumakbo, NADAPA tuloy ako sa tapat ng isang school supply store sa tabi ng kalsada.

Nagulat ang mga tao pati 'yung aso sa pagkakadapa ko. Napasigaw pa sila tapos na-shock na parang nakakita sila ng isang malagim na trahedya.

NAKAKAHIYA tuloy. _| ̄|○


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon