The Horror of The Unanticipated Recitation (Reporting sa CD! Part 1)

1.7K 93 110
                                    

Lunes, ika-18 ng Agosto taong dalawang libo’t labing apat, ala-sais trenta’y siete ng gabi, habang may nagre-report sa harapan tungkol sa Parameters of Basic Education Curriculum, tahimik lang akong nakaupo sa aking upuan at nakatunganga sa labas, nakatitig sa puno at nag-iisip kung ano ang ulam namin mamaya pag-uwi ko sa house.

Ang subject namin ay Curriculum Development at sa kasamaang palad, hindi pa ito ang huling subject namin ngayong araw at ako ay gutom na gutom na. Hindi kasi ako nag-lunch at pakiramdam ko kulang pa ang mga naburaot ko sa aking mga klasmeyt.

Naburaot – para sa mga yagit na hindi nakakaalam, ang salitang ito ay nagmula sa root word na “buraot” na nangangahulugang… actually, hindi ko alam ang eksaktong meaning niyan. Basta ito ay ang aktong panghihingi o pangongolekta ng pagkain mula sa mga tropa mo sapilitan man o bokal sa kanilang kalooban.

Ang totoo, wala talagang choice ang mga kaibigan ko kapag ako ang namburaot. Kung hindi nila ako bibigyan ng food nila, pepektusan ko sila sa apdo. Hehehe (-_-)y

Anyways.

Habang nakatitig ako sa puno, may narinig akong tanong mula sa magandang reporter who, fortunately or unfortunately, happened to be one of the persons na binuburautan ko. Hahaha (≧∇≦)/

Hindi ko naintindihan ‘yung tanong niya kaya lumingon ako dito. Sakto. Paglingon ko sa harapan, nagka-eye contact kami ng reporter. At sa puntong ‘yun, alam ko na. Alam ko na ang gagawin niya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang isang ani mo’y nangungusap na kislap na nagmumungkahing “you’re the one” sabay tango sa akin.

Anak ng tokneneng! Tinawag ba naman ako! Walang hiya! Ako ay labis na nagulintang sa bilis ng mga pangyayari. Bigla tuloy na-alert ang utak ko at nawala ang ini-imagine kong fried rice at pork chop! OMG! Hindi ko alam kung anong isasagot ni hindi ko nga alam ang tanong!

Anong sasabihin ko? Na gutom na ako at gusto kong kumain ng pork chop na isasawsaw ko sa paborito kong UFC Banana Ketchup?? Na ang scientific name ng pusa ay Felis Catus? Na ang founder ng kauna-unang Assyrian Empire ay si Tiglath Pileser? Na ang Pituitary Gland ay may dalawang distinct glands, ang Anterior Pituitary at ang Posterior Pituitary? Na ang Posterior Pituitary ay nagse-secrete ng oxytocin at vasopressin na mas kilala din bilang mga Antidiuretic Hormone? Na ang Anterior Pituitary ay naglalabas naman ng Andrenocorticotropic Hormone, Thyroid-stimulating Hormone, Follicle-stimulating Hormone, Luteinizing Hormone, at Somatotropin na may kilala din bilang Growth Hormone?

Hindi ko alam. Wala akong alam. T^T

Ewan ko ba kasi sa mga kaklase ko. Sa tuwing may reporting, hindi pwedeng hindi nila ako tatawagin. Nananahimik na nga sa isa sulok eh. Masama bang mag-imagine sa oras ng klase? Kapag nananahimik kailangan ba talagang tawagin para sa recitation?? Hindi ba pwedeng pabayaan na lang ako sa sarili kong world?? Bakit ako pa!!?? Nasaan ang hustisya doon!?

Pero dahil tropa kami ng magandang reporter, tumayo ako bilang respeto sa kanyang pagtawag sa aking Poging pangalan.

Naghintay siya at ang mga klasmeyt ko sa aking pagsagot.

“Thank you for that wonderful question”, sabi ko. “Ano nga uli ‘yung tanong?”

 

Natawa ‘yung mga kaklase ko. Akala nila nagbibiro ako eh hindi ko naman talaga alam ‘yung tanong.

Tinanong uli ng reporter, “What is lsdkgfujscuvtgh ldsfjudDsgf ;sdlgiyotashd klaSJuyer,lnp 1 lkj 2456rn?”

Utot na kulay green. Hindi ko talaga naintindihan ang tanong. Ano ang nais niyang ipahiwatig? Ano ang pinagsasasabi niya? Hindi ko alam. Malay ko ba.

Napalunok na lang ako ng laway.

Ngunit, subalit datapwat, alam kong kailangan kong sumagot. Nakakahiya para sa isang tulad kong henyo at *ehem* Pogi ang walang maisagot. Kaya piniga ko ‘yung utak ko para sa mga impormasyon.

Super Poging Neurons Activated!

Bago sumagot, tiningnan ko muna ang mga naihandang instructional materials na nakadikit sa black board ng nasabing katropa.

Nakalagay doon ang mga katagang objectives, content, materials, teaching-learning process, at evaluation.

 

Sa mga nakita at nabasa, may agad na pumasok na ideya sa aking kokote. Hindi ko lang alam kung tama o konektado ba sa tanong ng reporter ang naisip ko pero bahala na. Basta may maisagot! Hahaha (≧∇≦)/

“Okay, so, based on your report, I believe that the teaching-learning process considers the learners as active partners rather than objects of teaching. The learners are constructors of meaning, while the teachers act as facilitator, enablers and managers of learning...”

Matapos kong sumagot, nagkaroon ng dalawang segundong katahimikan.

Kagat-labi lang akong nakatayo. Tahimik na nananalangin na komonek sa topic niya ang naisagot ko – ang tanging impormasyong kinaya ng mga pinakamamahal kong neurons.

Sa aking mangha, napangiti ang katropa kong reporter.

“Oo. Tama iyun”, tugon niya tapos nagpatuloy na siya sa kanyang pag-uulat tungkol sa evaluation.

Napapunas ako ng noo doon. Whoa! What a relief! Biruin mo, tumama pa iyon? Isa talaga akong henyo! Wahahaha (≧∇≦)/

The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon