Isang maaliwalas na umaga ng buwan ng Agosto, ako ay mahimbing na natutulog nang biglang pumasok si mama ko sa aking kwarto. May hawak siyang walis tambo na hawig na ng buhok ni Justin Bieber noong mga panahong kumakanta-kanta pa ang nasabing kupal este singer ng baby baby baby ooohh~
One side bangs.
Syempre, dahil nagwawalis-walis ang mama ko sa kwarto ko, namulat ako sa ingay niya.
Noong nakita na niya akong gising, nag-umpisa na siya sa kanyang sermon na mala-State of the Nation Address. Pero ang totoo, hindi ko rin masyadong naintindihan ang mga pinagsasasabi niya dahil loading pa noon ang brain ko at wala pa ako sa ulirat.
Mama ko: “Ano ba ‘to Uwa Beng Beng? Ang dumi ng kwarto mo! Hindi ka naglilinis. Nagkalat ‘yang mga libro mo, mga papel… Yada yada blah blah blah sis boom bah…”
Uwa: *nakatulala lang sa kawalan*
Mama ko: “Ano’t nakatunganga ka lang d’yan? Bumangon ka na at maglinis ka. Tulog ka na lang ng tulog! Meow meow ming ming ming rawr rawr mooo…”
Uwa: *nakatulala parin sa kawalan*
Mama ko: *nagpaweywang* “Hindi ka ba talaga babangon? Ang tamad mo talaga, hane? Bumang—”
Uwa: “Ma, pogi ba ako?”
Mama ko: *medyo na-shock ng konte* “Naman! Sige, matulog ka na ulit.”
Bes mader en da yonebers! Hahahahaha (≧∇≦)/
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown