ZOOLOGY 101
ANG MGA STARFISH AY MAGANDA SA MATA PERO WALANG UTAK. PARANG ILANG TAO, MAGANDA SA PANLABAS PERO BLANGKO SA HEAD DEPARTMENT.
ANG MGA OSTRICH MAY UTAK NAMAN. 'YUN NGA LANG MAS MALAKI PA ANG MATA NILA KESA MISMONG UTAK NILA. MARAMING GANYAN, MGA MATANG DILAT NA DILAT WALA NAMANG ALAM.
TUMATAGAL ANG ORGASM NG BABOY NG 30 MINUTO. SAMANTALANG ANG MGA LIYON NAMAN AY KAYANG MAKIPAGSIPING SA KANILANG MGA LIONESS NG MAHIGIT 50 BESES SA ISANG ARAW.
BABOY O LIYON?
BABOY S'YEMPRE. QUALITY OVER QUANTITY.
HINDI TULAD NG INAKALA, ANG MGA ISDA AY PUMIPIKIT DIN. MANIPIS AT TRANSPARENT KASI ANG KANILANG EYELIDS KAYA HINDI PANSIN. TULAD NG TAO (AT NG IBA PANG HAYOP), HINDI KAYA NG ISDA ANG STRESS. NAMAMATAY SILA SA STRESS KAYA 'WAG N'YO SILA GUGULATIN SA AQUARIUM.
ANG MGA LALAKING SEAHORSE ANG MAY KAKAYAHANG MANGANAK INSTEAD NA MGA BABAE. SALAMAT SA MAYKAPAL AT HINDI AKO SEAHORSE.
ANG TAHONG KAHIT PATAY NA, NAKAKAPIT PARIN SA KINAKAPITAN. PARANG CLINGY EX-GIRLFRIEND. PATAY NA ANG RELASYON, NAKAKAPIT PARIN SA NARARAMDAMAN.
ANG ASO ANG PINAKA-LOYAL NA HAYOP. HINDI KA NITO IIWAN ANO MAN ANG MANGYARI, ANO MAN ANG HITSURA MO, ANO MAN ANG GINAWA MO O ANO KA PA BILANG TAO. TANGGAP NG ASO ANG BUONG PAGKATAO MO. ANG HINIHINGI LANG NITO AY ANG PAGLAANAN MO SILA NG KONTING ORAS MO.
MAY MGA LALAKING TULAD NG ASO ANG KATANGIAN--- LOYAL SA KASINTAHAN. PERO HINDI PARIN MAWAWALA SA TABI-TABI ANG ILAN NA NAG-IINASO NA NGA SA UGALI E MUKHA PA TALAGANG ASO SA PERSONAL.
ANG DOLPHIN ANG PINAKAMATALINONG HAYOP SA ANIMAL KINGDOM. AT TULAD NG TAO, ANG NASABING HAYOP AY NAKIKIPAGTALIK DIN SA KA-PARTNER NITO OUT OF FUN.
ANG MGA PENGUIN AY NANINIWALA SA FOREVER. KAPAG NATAGPUAN NA NITO ANG KANYANG ONE AND ONLY MATE, HINDI NA ITO LILINGON PA AT MAGHAHANAP NG INIT SA KANDUNGAN NG IBA.
MAGSISIMULA NA ITO NG PAMILYA KASAMA ANG MINAMAHAL AT KAHIT KAILAN AY HINDI MAGHIHIWALAY. KAPAG NAGMAHAL ANG PENGUIN, PANGHABAMBUHAY. AT KAHIT MAMAYAPA PA ANG ISA SA KANILA, HINDI NA ITO MAGHAHANAP NG KAPALIT NIYA.
FOREVER SILA. HINDI MAN SA PISIKAL. PERO SA PUSO NG ISA'T ISA.
....nagtataka siguro kayo kung anong ipinaglalaban ko dito. Wala naman. Napatitig lang ako sa taong mukhang giraffe. 'Yun. Na-inspired. Hehehe
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown