Gwapo Problems

207 16 0
                                    

*CONVENIENT STORE*

NAGPUNTA AKONG CONVENIENT STORE MAY BIBILHIN LANG SANA AKO NANG MAPADAAN AKO SA AISLE NG MGA NAKA-DISPLAY NA CONDOM. NAPAHINTO TULOY AKO AT NAPATINGIN.

KINUHA KO 'YUNG ISA AT BINASA.

BANANA FLAVOR DAW.

NOONG NABASA KO NA, IBABALIK KO NA SANA SA LALAGYAN NITO 'YUNG CONDOM NANG MAPATINGIN AKO SA KALIWA.

NAKATINGIN PALA SA AKIN SI ATE WITH RED SHIRT WITH MATCHING KAGAT-LABI.

NOONG NAGKA-EYE TO EYE CONTACT KAMI, NAHIYA NAMAN AKO KAYA NAPANGITI NA LANG AKO SA KANYA AT NAGLAKAD NA PALAYO.

BAKIT KAYA GANUN SI ATE WITH RED SHIRT? SO WEIRD. #GWAPOPROBLEMS


*PALM READING*

SABI NUNG BABAE MARUNONG DAW SIYANG MAG-PALM READING. ANG TOTOO, HINDI NAMAN TALAGA AKO NANINIWALA SA MGA GANITONG KASHITAN.

PERO DAHIL ANG NASABING BABAE NA MISMO ANG NAGPRESINTA, HINDI NA AKO MAKATANGGI (HIRAP TALAGA AKONG TANGGIHAN ANG MGA BABAE *wink*) AT PUMAYAG NA LANG DIN AKO NA "BASAHIN" NIYA ANG PALAD KO.

INILAHAD KO ANG PALAD KO SA KANYA NA AGAD NAMAN NIYANG HINAWAKAN GAMIT ANG DALAWA NIYANG KAMAY.

MINASAHE-MASAHE NG BABAE ANG MGA DALIRI KO, PINISIL-PISIL ANG PAGITAN NG AKING MGA DIGITS AT HINIMAS-HIMAS ANG PALAD KO GAMIT ANG PALAD NIYA.

HINDI KO ALAM KUNG PARA SAAN 'YUNG MGA GINAWA NIYA. SEREMONYAS? EWAN.

ILANG MINUTO ANG LUMIPAS PATULOY PARIN ANG BABAE SA PAGHAWAK SA KAMAY KO PERO WALA PARING PALM READING NA NAGAGANAP.

NAGTANONG AKO KUNG ANO NA. ANG SAGOT NIYA, "SSH! NAGKO-CONCENTRATE AKO."

PUMIKIT SIYA AT NAPAKAGAT-LABI HABANG PATULOY SA PAGPISIL NG PALAD KO.

"MALAMBOT... MAKINIS... PERO MAY KONTING KALYO SA MAY BANDANG ANO... HIHI"

NAPAKUNOT-NOO AKO. IYUN NA BA 'YUNG HULA NA SINASABI NIYA? PARANG NAI-DESCRIBE NIYA LANG ANG PALAD KO E.

MAYAMAYA PA, ITINAAS NG BABAE ANG KAMAY KO AT INILAPAT ITO SA KANYANG PISNGI. BANAYAD NA IKINISKIS NITO ANG PALAD KO SA MAKABILANG MUKHA NIYA. HINDI PA SIYA NAKUNTENTO AT HINALIKAN PA NIYA ITO.

BAKIT NAMAN NIYA GINAWA 'YUN? ANO AKO POON? SO WEIRD. #GWAPOPROBLEMS

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon