Sa Curriculum Development Class parin, nakaupo ako sa aking usual spot – sa pagitan nila Pareng Lyn at Pareng Wil. Patapos nang mag-report ‘yung magandang reporter kaya medyo bored na kami ta’s gutom pa ako ‘di ba? Bored na nga, gutom pa. Double kill na, mga pre.
Walang hiya. Kung pwede lang kainin ang inuupuan kong armchair, eh ‘di sana’y sinimulan ko na itong nguyain. Eh kaso baka magalit ang Dean kaya hindi ko ginawa. Good boy ako eh. Tiis na lang muna ng gutom at lunok lunok na lang ng laway hanggang sa mabusog. Hehehe (-_-)y
So, habang pilit na pinapaliwanag ng reporter ang “Thematic Teaching” na wala rin naman akong pake kung ano ‘yun, nakatunganga na naman ako sa labas. Nakapako na naman ang mga mata ko sa walang kamalay-malay na puno.
Ewan ko ba. Basta kapag may nagre-report, tila baga mas masarap pang titigan ang inosenteng puno kesa sa mga yagit kong klasmeyt na nagre-report.
Kung hindi n’yo naitatanong, malapit kasi ang inuupuan ko sa pinto kaya madalas akong nagmumuni-muni sa mga bagay-bagay. At bukod doon, malimit din akong sumisilay sa mga nagdadaang mga pretty ladies na nakasuot ng mini skirt. Hehehe (-_-)y
At dahil nga natawag na ako sa recitation, ibig sabihin ay quota na ako. Safe na ako sa mga susunod pang mga katanungan ng reporter. Kaya pa-easy easy na lang ako sa aking kinauupuan.
Tapos nang i-explain ng katropa ko ang “Thematic Teaching” kaya tumuloy na siya sa pag-e-eksplika ng “Generic Competency Level” na isa rin sa mga bagay na wala akong pake kung ano ‘yun o kung anong ganap nun sa buhay ko.
Whatever.
Habang “nakikinig ng mabuti” sa reporter at kumakalam ang aking sikmura sa gutom, may lumipad na insekto malapit sa aking mukha. Akala ko noon ay isa na naman iyong feelingerong ipis na nag-aala-butterfly sa paglipad kaya agad akong napa-defensive karate position sa aking kinauupuan.
Subukan lang lumapit ng hampaslupang ipis na ‘yan talagang dudurugin ko ang pancreas niya!
Pero sa aking tuwa at galak, hindi ipis ‘yung lumipad sa aking mukha. Ang munting bisita sa aming silid-aralan ay walang iba kung hindi isang TUTUBING KALABAW!
Lumipad-lipad siya sa kisame at sinundan-sundan ko naman siya ng tingin. Astig! Ngayon na lang uli ako nakakita ng tutubi. Nakakaiyak. Na-miss ko ang mga tutubi.
Dahil perstaym ko ulit makakita ng nasabing insekto, pinangalanan ko siya. Tinawag ko siyang Angelito.
Angelito ang pinangalan ko sa kanya kasi… wala lang. Trip ko lang. Ang cool kasi ng pangalang iyon para sa isang tutubi. Tsaka, bakit ba kayo nangengeelam? Sa lagay gusto kong Angelito eh.
Patuloy parin sa paglipad niya si Angelito. Lumalapit siya doon sa ilaw. Naisip ko nga, sa laki ng mga mata niya, buti hindi siya nasisilaw sa liwanag. Pero naisip ko rin na baka naka-shades siya kaya protected ang kanyang tantalaysing eyes.
Him already!
Habang nakatingala, patuloy parin sa pagre-report ang aking katropa. Dini-discuss niya yata ‘yung tungkol sa… sa… ewan ko ba sa pinagsasasabi niya. Hindi naman ako nakikinig.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown