Napakarami kong nais ikuwento na nangyari sa nagdaang linggo. Sa sobrang dami hindi ko alam kung ano ang uunahin. Kaya para hindi ako mahirapan, hindi ko na lang muna ikukwento. Tinatamad akong mag-type eh. Hehehe (-_-)y
Sa darating na bukas ay Lunes na naman. Ibig sabihin, balik na naman ang Yagit na ako sa realidad at kakaharapin ko na naman ang mga hamon ng buhay kung ano man ‘yang mga hamon na iyan. Hehe
Dahil nga doon, muli na naman akong magiging abala sa mga gawaing pang-eskwela at matagal-tagal pa ako bago muling makakabalik sa Wattpad Universe.
Hay…
Ang hirap talagang maging henyong mag-aaral. Danas n’yo din ba ito, mga kapwa ko yagit?
Sa mga susunod na araw ko na lang babasahin at sasagutin ang mga komento ninyo. Sa araw na rin na iyun ako muling makikipagkulitan sa inyong lahat.
Sana sa aking panandaliang pagkawala ay ‘wag n’yo akong kalimutan. Isama n’yo parin nawa ako sa iyong panalangin at patuloy n’yo parin akong ipagtirik ng kandila sa kahit anong simbahan, nuno sa punso o kahit dyan lang sa labas ng inyong tirahan.
Kung may time pa kayo, ipatawas n’yo na rin ako para sagad sagad na ang mga kapakshitang ito. Hahaha (≧∇≦)/
O siya. Aalis na muna ako. May isang another Epic Week na namang naghihintay sa akin na kailangan kong paghandaan. Ingat kayo, mga yagit. Hanggang sa susunod na kulitan.
Take care ‘cause I care. Mwah Mwah Tsup Tsup sa lahat!
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown