Soft Side For Turtles

1.3K 77 89
                                    

Shirley. Kung hindi ako nagkakamali, isang tao pa lang ang pinagkwentuhan ko ng tungkol sa kanya. Si Shirley ko ang pinakamaganda, pinakamalambing at pinakamasayahing nilalang na nakilala ko. At siya din ay ang alaga kong pagong.

Masaya magkaroon ng alagang pagong, mga yagit. Nakakatuwa silang nilalang. Hindi sila mahirap alagaan. Sa katunayan, pwede mo silang iwanan sa loob ng aquarium nila ng kahit siyam na buwan at magiging okay pa din sila. Hindi sila magtatampo basta’t iwanan mo lang sila ng paborito nilang pagkain… ang pork chop at repolyo! Hehehe (-_-)y

Ang mga pagong din ay ang pinakamabisang paraan ng pantanggal sa nararamdaman mong boredom o kalungkutan!

Ang dapat mo lang gawin ay itaob sila at paikot-ikutin at taadaa! Matutuwa ka na! Instant happiness! Hahahaha (≧∇≦)/

Noong ginawa ko ‘yun kay Shirley ko, lubos akong naligayahan. Pero nakonsensya din agad kasi naman hilong hilo ang pobre kong pagong daig pa nga niya ang lasing dahil pati ang paglakad niya ay pa-ekis na din. Hahaha (≧∇≦)/

Ngunit, subalit datapwa’t hindi rin nagtaggal ang aming pagsasama. May ginawa kasi akong isang bagay na lubos kong pinagsisisihan…

Sa tuwing naaalala ko ang pagkawalay namin sa isa’t isa, hindi ko mapigilang malungkot. Kasi naman nawala si Shirley ko sa piling ko sa kaengotan kong taglay.

Taong dalawang libo’t siyam, isang gabi bago ang pagdating ni Pareng Ondoy, nag-good night na ako kay Shirley ko at nilagay ko na ang kanyang tirahang maliit na aquarium sa paborito niyang spot ng bahay – sa labas ng pinto.

Umuulan noon pero hindi ko ito alintana sapagkat hindi naman kalakasan ang nasabing ulan at sa isip ko ay kayang-kaya ni Shirley ko na ma-survive ang bagyo sa labas ng bahay. Malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi matitibag ng bagyo ang built-in niyang house.

Lumipas ang magdamag at ang pag-ulan. Mahimbing pa din akong natutulog. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumataas  ang tubig baha.

Mag-a-alas-siete ng umaga. Nagising na lang ako sa mga nagkukumahog na yapak sa labas ng aking kwarto. Paglabas ko, nagulat ako sapagkat ang aming mga gamit ay nasa taas na at basa ang sahig ng 2nd floor.

Napag-alaman ko nga na sa loob ng magdamag, Tumaas ng husto ang tubig baha at inabot nga ang aquarium ni Shirley ko. Inanod palayo sa piling ko ang pinakamamahal kong pagong at hindi na kami nagkita pang muli…

Nadurog ang aking puso sa nangyari. Lahat ng alaga namin nasalba mula sa baha… maliban sa aking pinakamamahal na pagong.

Ilang oras mula ng napag-alaman kong naanod ng baha si Shirley ko, habang patuloy parin ang pagpatak ng ulan, nakatanaw ako sa aming bintana at kumakanta ng “would you know my name… if I saw you in heaven… would you feel the same… if I saw you in heaven…”

Hanggang ngayon, umaasa parin ako na makakabalik pa si Shirley ko sa aking mga bisig. Imposible man, ngunit buo parin ang aking pag-asa na magkikita parin kaming muli…

PS

Hindi ko alam kung bakit Shirley ang pinangalan ko sa aking alagang pagong. Ni hindi ko nga alam kung babae ba siya o lalaki eh. Sayang. Nakalimutan kong silipin ang kanyang kwan. Hehehe (-_-)y

The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon