Kasalanan 'to ni Bagyong Lando e. Dahil sa kanya hindi tuloy ako makagala. Hindi kasi ako pinayagan. Hay nako. Hirap talaga kapag istrik ang peyrents.
So, ano pa nga ba? E 'di tambay na naman ako sa kwarto ko.
Nakahiga, nakatitig sa inaagiw na kisame (lilinisin ko din 'yan kapag sinipag na ako which is malapit na sa Chinese new year pramis), gutom at bored talaga to death.
Bumangon na lang ako at napagdesisyunang dalawin ang kapatid kong itago natin sa pangalang Tita ('di niya tunay na pangalan kahit na 'yun naman talaga ang tawag namin sa kanya) sa kanyang kwarto.
Hindi na ako kumatok. Wala akong oras para doon.
Pagpasok ko, naabutan ko si Tita at ang pamangkin kong itago na lang naten sa pangalang Pangks na abalang nag-nye-nyelpi sa laptop.
Dahil nga bored ako, lumapit ako sa kanila tas tiningnan 'yung laptop at ang mga kuha nila.
"Kuya, maganda ba?" tanong ni Tita.
"Meh." 'yun lang ang sinagot ko tas lumabas na ako ng kwarto niya at pinabayaan silang dalawang magmalandi sa piktyur.
Narinig ko silang nagtatawanan kaya na piqued ang aking curiosity. Kaya naman bumalik ako sa kwarto ng kapatid.
Naghahagikgikan sina Tita at Pangks.
Lumapit ulit ako sa kanila at tiningnan 'yung mga larawan. Mukha silang tanga. 'Yung mga piktyur nila mga na-deform at parang mga hinugot sa panchong. Pero nakakatawa nga. Napa-hahaha nga ako e.
"Uwa! Piktyur ka kasama nameen!" sabi nung pamangkin ko. Uwa talaga ang tawag niya sa akin. Kasi wala siyang galang.
"Ayoko. Busy ako." Wow. Ako pa talaga 'tong busy ha? Busy saan? Pota kaya pala mamatay-matay na ako sa sobrang boredom. Haha
Tapos 'yun lumabas na uli ako ng kwarto ni Tita.
Pero bago pa ako makalabas sa silid ng kapatid, biglang tumugtog 'yung Fantastic Baby ng Big Bang kaya naman napahinto ako sa may pintuan at napalingon.
Hindi ko na napigilan, napasayaw na lang ako sabay awit na rin.
"Waw! Pantastik beybeh! Dens! Ow wooaah! Ay wenna dens dens dens dee-eens. Pantastik beybeh!"
Pinagtatawanan ako ni Tita tsaka ni Pangks. Pero ako kebs lang. Tuloy lang sa paghataw. Kami-kami lang naman sa kwarto e. Hahaha
"Boom, chakang baklah! Boom, chakang baklah! Dens dens dens dee-eens! Pantastik beybeh!"
Lalo akong pinagtawanan nung dalawa. Hindi daw ganun 'yung lyrics nun. Hindi ba?
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown