Good News, Bad News!

1.1K 72 97
                                    

Good News!

 

Binili ako ni mama ko ng bagong TABLET! Yehey!!

Bad News!

 

Ang tatak NEOZEP. Tae. Sinisipon na naman kasi ako. Walanja. Maraming salamat sa nanghawa sa akin. Pagpalain ka nawa ng Cosmos, brad. -_-

Good News!

 

Nanalo ‘yung ESSAY piece na sinulat ko sa isang writing contest. At ngayon nga ay naka-publish na ito sa official University Publication! Whoo!

Bad News!

 

Okay na sana kaya lang hindi ang pangalan ko ang nakalagay… IBANG PANGALAN… hindi sa akin ang karangalan…

Pero at least alam ko at alam ng nilalang na ‘yun na ako ang tunay na sumulat noon… T^T

Good News!

 

Hindi ako late kahapon! First time!! Asteeg!!!

Bad News!

 

Wala pa lang pasok at hindi ako tinext ng mga kumag kong klasmeyt!!! Sayang tuloy ang bente peysos kong pinamasahe. Bente rin ‘yun! Katumbas ng isang malamig at masarap na Cornitu. BENTE!!! Alam ba nila kung ilang pan de coco ang mabibili ko sa halagang bente? Sampu! Sampung pan de coco! Some friends they are!! -_-

Good News!

 

Nabigyan ng offer ng isang Publication Company na i-publish ang aking akda!!!

Mas Good News!!

 

Nanalo ako sa lotto pero limang numero lang. So, bale meron akong 75 thousand peysoses!!

Super Good News!!!

 

Dumalaw si Kate Upton sa Pinas at nag-date kame tas kwan…

Bad News!

 

Nagising ako. Anaknamputs! Panaginip lang pala lahat. Nakaka-badtrip. Pv#dsr@yhk$^*A!!!

The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon