Ultimate KAPE Lover

1.2K 79 117
                                    

“Keep calm and drink coffee” ‘yan ang laging bulong ko sa aking sarili sa tuwina.

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkahilig ko sa kape pero ang tsismis, noong nasa sinapupunan pa raw ako ng aking ina, imbes na Anmum Materna ang inumin niya, ang tinutungga ‘di umano ng mama ko ay Kapeng Barako.

Sa katunayan, noong in-ultrasound nga raw ang aking ina, imbes na dug dub dug dub ang tunog ng heart beat ko, ‘yung narinig nila ay kap e kap e kap eeeeeeeeee~.

True story, mga pre. Hahaha (≧∇≦)/

Hilig ko kasi talaga ang pagkakape. Sa katunayan, sa sobrang hilig ko dito pati ito ay inuulam ko.

Oo. Tama ang nabasa mo. Inuulam ko talaga ang kape. Pero kung ang iniisip mo na ang paraan ko ng pag-uulam dito ay ang pagbubudbod nito sa kanin o pagpapapak, nagkakamali ka.

May tamang paraan ng pag-uulam ng kape. Una magtitimpla ka muna nito. Kahit anong uri ng kape pwede mong itimpla. Kahit 3in1 o Kopiko o Blend 45 o kahit ordinaryong kape lang ng Nescafe basta’t ‘wag lang Milo kasi hindi naman ‘yun kape.

Pagkatapos, lalagyan mo syempre ng asukal. Depende sa’yo kung gaano karaming asukal ang ihahalo mo. Pero ako gusto ko medyo marami ng konte. Marami pero konte? Ano daw? Hahaha. Basta. Iyun ang tamang proporsyon ko ng asukal para sa aking ulam na kape.

Kapag nakapagtimpla ka na ng kape, tsaka mo lagyan ng kanin. Kung baga ‘yung tinimpla mong kape ang magsisilbing sabaw ng kanin mo. Oh di ba? May kanin ka na, may sabaw ka pa! Saan ka pa!? Hahaha (≧∇≦)/

Ang tawag sa gourmet na ito ay KOPIRAYS.

Kapag natikman mo ‘yan, daig mo pa ang nag-Jollibee. Dahil bida din ang saya sa KOPIRAYS! Hahaha (≧∇≦)/

 The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon