Salamat Part 2

1.5K 81 91
                                    

Mga minamahal kong tropapips,

Pagbati sa ngalan ng Poginess at Awesomeness sa patnubay ng unfathomable, infinite, omniscient, omnipotent and omnipresent Mighty Force ng Cosmos!

Nais kong ipagbigay alam sa inyo mga tropa kong yagit na sa darating na ika-sampu ng Setyembre taong dalawang libo't labing apat ay ang aking ika-limang buwan sa pagsusulat dito sa Wattpad Universe.

Oo. Nakakalimang buwan na ako, mga pre. At sa loob ng limang buwan na iyon, humahataw sa 5.7K ang aking mga natanggap na boto mula sa inyo mga iniibig kong mambabasa. Utang ko sa inyo ang tagumpay kong ito. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa lahat sa inyo. Labis na ikinagagalak ng aking puso ang iginawad n'yong kabutihan sa isang Yagit na katulad ko. Mabuhay kayo, mga tropa!

Alam ko na marahil ay nagsasawa na kayo sa paulit-ulit kong pasasalamat. Buwan buwan na lang ay lagi akong may update na ganito. Pero nawa'y 'wag kayong magsawa na tanggapin ang aking taos-pusong pasasalamat dahil... mga puta magiging choosy pa ba kayo ako na nga 'tong nagpapasalamat? Eh kung pagmumurahin ko na lang kaya kayo? LOL

Basta salamat ng marami. 'Wag na kayong umepal at damdamin n'yo na lang ang aking pasasalamat baka pektusan ko kayo isa-isa sa noo! Makita n'yo!

Kidding aside tho, salamat talaga sa pagsuporta n'yo sa akin from my humble beginnings up to the present time. Sadyang nakaka-chubby ng heart sa tuwing naaalala kong maraming yagit sa planetang Earthland kagaya n'yo ang aking napapasaya kahit na hindi n'yo naman ako personal na kilala at kahit na hindi n'yo naman talaga alam kung tao nga ba talaga ako o isang kutong-lupang impakto na nag-uumapaw sa kapogian. LOL

Dahil sa inyo mga repa nakarating ako sa kung nasaan ako ngayon...

Teka, nasaan ba ako ngayon? Nandito sa kwarto nagkakape at kumakain ng monay. Gusto n'yo? Bumili kayo. Ayoko mag-share.

Sa loob ng sandaling panahon dito sa Wattpad Universe, naranasan ko ang iba't ibang shit na talaga namang sa sobrang astig ay mapapa-OMG! ka ng hardcore.

Sa mga unang araw ko ng pagsusulat dito sa Wattpad, naranasan kong magduda sa aking kakayanang magpangiti ng aking mambabasa. Naranasan kong mag-self pity. Dahil ang buong pag-aakala ko, ako lang talaga ang nakaka-appreciate ng sarili kong humor. Akala ko, ako lang ang napapatawa ng mga random shit ko sa buhay.

Ngunit mali pala ang mga paniniwala kong ito.

Habang lumalaon, napagtanto ko na hindi lang pala ako ang may ganitong uri ng pag-iisip. Nakasalamuha ako ng mga nilalang na kagaya kong may sayad sa utak at may pinagdadaanang mental. Mga astig na creatures ng planetang Earthland na masarap kausap, walang halong bullshit at kapakshitan sa katawan at punong puno din ng kahayupan at kabalastugan sa buhay.

Kilala n'yo na kung sinu-sino kayo. Rak en rol, mga 'tol! \m/

Dalangin ko sa Bathala ng mga Pogi at sa Patron ng mga Yagit na makakilala pa ako ng mga kagaya n'yo. Para marami na tayo. Tapos kapag madami na tayo... we will rule the WOORLDD!! Bwahahaha

Pero until then mga tropa, relax muna tayo. Paghandaan natin ang nalalapit na Global Invasion ng mga toot toot toooot! LOL

The end.


BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon