Hell's Week Day 1

2.1K 102 117
                                    

Ika-21 ng Hulyo taong dalawang libo’t labing apat. Nag-umpisa na ang Exam Week sa paaralang aking pinapasukan. At dahil nga panahon na ng Exam, malaki ang posibilidad na 99.99% ng mga estudyante ay nagpapahiwatig na ng kanilang huling habilin sa kanilang mga mahal sa buhay dahil may chance na hindi sila maka-survive sa linggong ito.

Madadama mo sa hangin ang pagkukumahog ng mga mag-aaral. Maririnig mo rin ang mga panaghoy at pag-iyak ng mga kabataang hindi nag-review o nag-aral o wala man lang sinulat ni isang notes sa kanilang notebooks… kagaya ko.

Tangna. Exam na namin wala man lang akong magamit na pang-review at wala man lang din akong alam. Sasabihin ko sana bahala na ang “stock knowledge” e pota ni stock knowledge nga wala ako eh.

Dahil sa aking kalagayan, tinanggap ko na lang sa aking sarili na mangangamote ako ng wagas sa aking mga eksaminasyon.

Bago pa ako makalabas ng bahay patungo sa aking pinakamamahal na paaralan, pinayuhan ako ng aking kapatid na si Blue Ninja na habaan ko na lang daw ang aking leeg at talasan ang aking mga mata.

Syet.

Matagal ng walang practice ang aking leeg kaya baka ma-stiff neck ako. Samantala, matagal-tagal na rin ng huli akong kumain ng kalabasa kaya hindi ko alam kung gumagana pa ang aking X-ray vision.

Gayunpaman, kapag nagkagipitan, susundin ko ang payo ng aking nakakatandang kapatid.

Bahala na si Batman at Robin at ang lahat ng kupal na mga Superhero!

Tumungo na ako sa aking paaralan.

Umuulan noon. Ewan ko. Pati yata langit ay nakikiramay sa maaari kong sapitin sa aking eksaminasyon. Umiiyak ang kalangitan sa kahindikhindik kong kakahantungan ngayong araw.

*sign of the cross*

Umupo na ako sa pwestong lagi kong inuupuan—sa pagitan ng mga paborito kong tropa at classmates/cheatmates.

Sa kanan ko nakaupo si Pareng Wil na nagpapakadalubhasa sa pagbabasa ng Child and Adolescent Development. Sa kaliwa ko naman ay isang chicks na itago na lang sa pangalang Pareng Lyn na laging may baong Bread Sticks at lagi akong pinapahiram ng cellphone niyang may Wi-Fi at nagpapakaabala naman sa pag-aaral ng Curriculum Development.

Habang ako sa pagitan nila ay tahimik lang na nakanganga sa mga pinaggagagawa ng mga kasama.

Kapag exam week, dito mo makikita ang iba’t ibang diskarte ng mga estudyante para makapasa.

Sa mga ganitong panahon muling nabubuhay ang Kodigo Ni Hammurabi.

Kanya-kanyang paraan ng pagkukubli ng kani-kanilang “secret weapon”. Meron dinadaan sa pasimpleng sulat sa armchair.  Konting sulat sa palad. Konti lang daw pero ‘wag ka parang buong libro na ang nakasulat sa kamay. 

Dumating na ‘yung aming Propesor dala ang pasasagutan sa amin.

Sa pagpasok ng aming guro, nakita ko sa mga mukha ng mga kaklase ko ang stress at pressure sa mangyayari. Kapansinpansin ang kakaibang ambiance ng room. Usually, kapag normal na araw, ang ginagawa lang namin ay magtawanan o ‘di kaya’y magkwentuhan. Ngunit ngayon, iba. Serious ang mga puta. Hahaha

Tiningnan ko rin ‘yung mga kasama ko.

Si Pareng Lyn sumasakit na ang ulo sa pag-aaral habang si Pareng Wil duling na sa pagbabasa.

Tumatawa na lang ako sa isip ko. Potres na pagsusulit ito.

Bago pa magsimula ang aming pagsusulit, kinuntsaba ko na ang aking mga tropa pati ang mga nilalang na nakaupo sa aming likuran na magkakaisa kami at walang iwanan. Na makakayanan namin ito. Tiwala lang.

Habang ipinapamahagi ang aming test papers, tahimik akong nananalangin na sana alam ko ang mga lalabas sa pagsususulit o di kaya’y lumindol at bumuka ang lupa at kainin ang mga test papers para wala ng exam.

Pero dahil hindi naman ako nag-aral at alam ko na malabong mangyari ang una kong pinalangin, lubos akong nagsumamo na ‘yung pangalawa kong kahilingan na lang ang mangyari.

Pero hindi nangyari. Sayang.

Napasakamay ko na ang aming sasagutan, noong una hindi ko alam ang gagawin kasi hindi ito ang inaasahan kong uri ng examination.

Noong meron na ang lahat, sinabi ng aming Propesor na essay type ang aming pagsusulit.

Nag-angalan ang lahat. Sabi nila nag-aral pa raw sila essay lang naman daw pala ang sasagutan. Lalo silang nangoblema pero ako hindi.

Tuwang tuwa nga ako na essay type ang pagsusulit eh. Sa sobrang tuwa ko, muntik na akong mapasayaw ng Macarena sa harapan.

Seryoso, kung may tugtog, sasayaw talaga ako sa sobrang happiness ko noong mga oras na ‘yun. Hahaha (≧∇≦)/

Noon pa man, kinamumuhian na ang essay ng maraming tao pero ako hindi. Essay type kasi ang uri ng eksaminasyon na paborito ko. Nadadalian kasi ako kapag gento ang pagsusulit. Ewan. Siguro kasi ako ay isang henyo. Wahahaha (≧∇≦)/

Dahil nga pemborit ko ang pagsusulat, ako ang unang natapos sa aming pagsusulit. Sinabihan pa ako ng aming guro na may plus daw ako.

Plus POGI points!

The end.

BALIK-TANAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon