"Ang Tatay mo naghihingalo na sa hospital kailangan niya ng maoperahan agad at ang kapatid mo rin nakakulong kailangan ng pampatubos! Aba! kailan ka magpadala wala na kaming pera dito lalo na ang pang araw- araw namin gastosin! Dalian mo naman... kailan ka kikilos kapag patay na Tatay mo!" Kausap niya ang nanaynanayan sa kabilang linya.
"Kakapadala ko lang po ng pera diyan. Bakit wala na po ba? Malaki po iyon..." Sabi niya dito. Hindi agad ito nagsalita.
"Hindi ba sinabi sayo na pinagawa ko sa bahay. Alam mo naman na sirang-sira na iyong bahay natin at malaking gastos dahil mahal na ang materiales ngayon!" Paliwanag nito sa kaniya. Alam niyang pinapaayos ang bahay dahil nababasa na sila kapag umuulan.
"Bakit iniisip mo ba winawaldas ko iyong perang pinadala mo?"
"Hindi ho?" Agad niyang tanggi sa kausap.
"Aba! Sa tuno ng pagtatanong mo kanina. Parang pinagbintangan mo ako ha? Zynn? Hindi mo lang iniisip ang hirap ko sa pagpapalaki sa mga anak mo! Tapos ganiyan ka pa sa akin." Ramdam niya ang pagtatampo sa boses nito.
"Nay? Sorry... Marami lang akong iniisip kaya kung ano-ano na lang lumabas sa bibig ko. Oh, sige... Kung ganon po gagawa po ako ng paraan para matapos itong problema natin." Pagod niyang sabi. Ayaw na niyang makarinig ng panunumbat sa babae. Malaki ang utang na loob niya dito. Mahirap na magkasamaan ng loob.
"Kailan ka magpapadala ng pera? Bilisan mo Zynn? At sa akin mo pa rin ipadala huwag sa mga kapatid mo? Alam mo naman ang mga iyon!" Umoo na lamang siya pero ang balak niya kapag nabuo niya ang 150K uuwi siya ng Pangasinan agad. Matagal na rin ang huli niyang uwi namimiss na niya ang mga bata. Kumusta kaya ang mga anak niya. Siguro ang taba- taba na nila ngayon sabi ni Nanay malakas daw sila kumain kaya ang tambatsoy na.
"Hi, Zynn?" Si Sir, George, ito na pala ang bagong owner ng casino.
"Sir, George!" Ngumiti ito sa kaniya sa pagtawag niya dito.
"George na lang.."
"Pero nakakahiya po." Sabi niya sa lalaki.
"Pag tayo lang George na lang itawag mo sa akin. Kaibigan ka ni Louren. Tinuring na kitang kaibigan din. Dahil sayo nakuha ko itong casino..." Nagtatakang napatingin siya dito.
"Ha?"
"Eh, may postahan kami nun ni Amari. Kilala mo na siya di' ba?" Hindi siya sumagot.
"Alam kong mababastos ka pero iyon ang totoo. Postahan namin ay kung magawa ka niyang ikama ng gabing iyon mapupunta sa kaniya ang Tagaytay ko. Pero kapag hindi sa akin na ang casino niya. Nakakatawa di'ba? Pero napunta sa akin ang casino niya dahil hindi ka niya nakuha." Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa mga pinagtapat sa kaniya ni George. Kung pumayag pala siya nun siguro mapunta sa kaniya ang beach resort sa Tagaytay. Pero hindi.
"Tumanggi ako..." Sabi niya sa lalaki.
"I know. Alam mo ba kahit kailan hindi pa tinatanggihan ng babae si Amari at kahit kailan hindi siya tumatanggap ng pagkapanalo gagawin niya ang lahat manalo lang sa postahan pero laking gulat ko na basta na lang siya pumayag na walang mangyayari sa inyo. May ginawa ka ba na magpapa control sa kaniya?" Tumingin ito ng tuwid sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
General FictionAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020