TBM 4

424 7 0
                                    

"Anak, Zynn.. ka musta ka dyan?" Ang Tatay niya. Tumawag ito sa kaniya.

"Ayos lang po ako Tay.. ang mga bata ka musta sila, kayo din?" Masayang sabi niya. Mahirap sa katulad niyang nawalay sa mga anak niya. Pero dahil kailangan niyang kumayod para sa kanila. Kaya niyang magtiis at isakripisyo ang sariling kaligayahan. Basta ikakabuti ng mga anak niya ay gagawin niya.




"Ayos lang naman kami at mga bata tinanong pa nga nila kung kailan ka uuwi?" Narinig niyang napabuntong hininga ito. Kahit siya ay nahihirapan. Miss na miss niya ang mga anak niya. Walang oras hindi niya ito naalala. Namaos ang kaniyang boses mabigat sa kalooban. Pero pinilit niyang magpakatatag at pinaparamdam sa tatay niyang maayos lang siya. Kahit naninikip ang dibdib niya sa pangungulila.




"Mabuti naman kung ganon pilitin kong makakauwi sa pasko, Tay.. pakisabi sa kanila na miss ko sila." Basag ang boses niyang sabi. Nagsimula na rin gumilid ang mga luha niya ang tagal niyang hindi nakauwi. Dahil sa lagi siyang kinapos sa pera at mahal rin ang pamasahi.





"Umiyak ka ba?" Nag- alala ito sa kaniya. Agad niya naman pinunasan ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.





"Hindi ho?" Tanggi niya agad.






"Si Zynn ba iyan? Uy, Zynn! Salamat sa padala mong pera! Sasusunod ha? Padala ka ulit ng malaking pera." Rinig niyang sigaw ng madrasta. Kahit hindi niya nakikita ito. Ramdam niyang abot tainga ang ngiti sa padala niyang pera.






"Okay po, pero matagal pa ako magpadala ulit ng pera. Kung pwide po sana tipirin niyo po ang perang pinapadala ko diyan." Sabi niya, sa madrasta. Pagkabigay sa kaniya ng pera agad niya iyon pinadala sa probinsiya lahat. Hindi na baling walang matira sa kaniya. Ang mahalaga ang mga anak niya naiwan sa probinsiya nakakain ng maayos. Hindi nagugutom.






"Oo naman, noh? Basta, ha? Sasusunod mo padala lakihan mo, ha? Alam mo naman walang trabaho ang Tatay mo! At mga anak mo malakas kumain isa pa iyong dalawa mong mga kapatid nag- aaral at sa akin pa kumukuha ng pamasahi  papasok sa eskwela! Hay naku..." Sumbong nito. Pinipilit niyang magpakatatag sa hirap ng buhay. Kahit hindi niya kaya, kinakaya niya pa rin para sa pamilya niya.






"Sige po.."  Sagot niya dito. Kapag marami pa siyang sasabihin. Hahaba lang ang usapan at kung saan saan pa umabot ang usapan. Mauungkat ang hindi dapat ungkatin kapag ang madrasta na niya magsalita.





"Mabuti naman.. oh, sige! maiwan ko muna kayo ng Tatay mo pupunta lang ako kay kumareng Selma at Josei... huwag mong i brainwash, ang anak mo baka mamaya kung ano- ano na ang tsismis na pinagsasabi mo diyan ka, Zynn! Ha?" Kahit nasa telepono pa siya nakikinig. Wala itong pakialam na marinig niya.






"Umalis kana nga! Kung ano- ano na lang ang pumapasok sa isipan mo."  Rinig niyang pagtaboy ni Tatay sa babae.


"Basta huwag kang magkakamaling siraan ako sa anak mo. Iiwan ko kayo mag- ama! Tingnan natin kung kakayanin mo mag- isa ngayong isa kanang baldado!" Pananakot nito kat Tatay.




"Tumahimik ka na pwide!" Awat nito sa babae. Walang nagawa ito ang umalis.


Humugot ng malalim na hininga si Joseph bago nagsalita. "Pasinsiya kana anak... narinig mo pa ang pagtatalo namin ng Nanay mo."


"Okay lang po Tay.. nasanay na ako sa ingay ni Nanay. " Sabi niya dito.

"Kung pwide ko lang ibalik ang nakaraan pipiliin ko na lang na mag-isa sa buhay kaysa makasama si Rosa. Sorry anak, ha? Pero nagsisisi na ako ngayon." Narinig niya ang pagsinok nito.


The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon