Chapter 43

131 3 0
                                    

"How are you feeling does anything hurt?" Nilingon niya ang paligid at nasa loob siya ng pribadong silid.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong niya sa Doktor. Dahil naka uniforme itong puro puti.

"Wala kabang natandaan?" Pilit niyang binalikan sa isip ang nangyari. At doon pala niya naalala. Habang nagkagulo dahan- dahan siyang gumapang palabas ng silid. Pinipilit niyang gumapang palayo. Para iligtas ang sarili pero tuluyan ng bumagsak ang katawan niya dahil sa maraming dugo ang nawala sa kaniya.

"I knew it... Pero paano ako nakaligtas ang alam ko patay na ako. Dahil naramadaman ko na."

Nagkibit-balikat ito.

"Well... Iyan din ang akala namin. Pero nakasurvive ka. Siguro hindi mo pa oras."

"Siguro nga... Wala ba dumalaw sa akin dito? Saan ba ako?" Nilibot ang mga mata niya sa paligid.

"Hmm. Dito ka sa San Lorenzo Tagaytay."

"San Lorenzo, Tagaytay?"

"Yes?"

"Paano ako napunta dito?" Takang- tanong niya.

"Nakita ka namin sa kalsada walang malay at duguan. At dahil isa kaming missionary napilitan kaming dalhin ka dito. Masyado malayo ang kasunod na hospital. Baka hindi kana aabot."

"Mahigit isang buwan kana dito pero wala man lang isa sa mga kamag-anak mo o kaibigang na naghanap sayo. Kahit missing person sana wala kaming nakita sa TV. Dahil hindi ko alam ang indentity mo. Besides, hindi kapa rin nagising. Nag-aalala na nga ako. Saan kita iwanan paluwas ako ng Maynila."

"Ano pangalan mo? Baka pwide mo tawagan ang pamilya mo na buhay ka?"

"Violet...."

"Violet? Okay? Ako naman si Larry Perry... Isa akong sergion. Heto ang phone ko tawagan mo pamilya mo sigurado akong nag-aalala sila sayo ngayon."

Tinanggap niya ang cellphone na inabot sa kaniya ni Larry. Dinayal ang lumero na alam niya.

"Hello?" Narinig niya ang boses ng lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso.

"Amari... Si Violet----?"

"What? If you have nothing to do in your life. Stop that. Let Violet be quiet. Because she is dead!"

Narinig iyon ni Larry. Dahil naka phone speaker ito.

"Bakit iniisip nilang patay kana?"

"I don't know..." Nagugulohang sabi niya. Kung iniisip ng lahat na patay na siya. Ibig sabihin wala na siyang babalikan. Kahit ang pamilya niya.

"It's bad!" Sabi sa kaniya. Talagang hindi maganda. Dahil walang wala siya ngayon. Kahit pera wala siya. Dahil naka close ang bank account niya.

Nakita niya ang sariling mukha sa cellphone ni Larry. Wala sa sariling kinapa niya ito.

"About sa face mo... Madali iyan remedyohan para bumalik sa dati." Wala na ang dating makinis at maganda niyang mukha. Ang natandaan niya lang nasusunog iyong silid at para makaligtas siya pinilit niyang makalabas pero hindi niya iniisip na maapektuhan ang mukha niya.

"Paano?"

"Plastic surgery... Kung mayroong kang clear picture diyan. Iyan ang gayahin natin." Sabi sa kaniya. Wala siyang picture pero mayroon sa bahay niya.

"Wala... Pero mayroon sa bahay. Kukunin ko pa." Sabi niya.

"Okay. Sasama kaba sa akin sa Maynila?"

"Pwide ba akong sumama?"

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon