Kabanata 37*

164 3 0
                                    

Kausap ni Amari ang isa sa mga tauhan niya. Habang malayo sa kaniya si Violet kanina pa ito umiiyak. Nasa critical na condition ang ama nito dahil sa ataki sa puso. Nawawala naman ang ina nito at hanggang ngayon hinahanap pa ng mga police kung sinong dumukot dito.

"Alamin mo kung sino kumuha kay Mrs. Lee... At agad akong kuntakin."

"Hindi kaya mga kalaban niyo sa negosyo?" Wika ni Troy. Umigting ang mga panga ni Amari sa narinig. Hindi siya sigurado pero iba ang kutob niya sa mga nangyari. Walang kumakalaban sa kaniya pagdating sa negosyo maliban lang sa isang tao. Si Drake Mondragon ang kuya ni Andrew... that means he is in the Philippines now. Nabalitaan na siguro ng lalaking iyon ang pagkamatay ng kapatid nito. Pero bakit kinuha nito si Mrs. Lee... Anong dahilan?

"I'm not sure, Troy. Kung totoo man ang sinasabi mo. Kailangan mag-ingat si Violet dahil ano mang oras susunod ito kay Mrs. Lee... Ang nanay niya."

"Anong balita sa bangkay ni Andrew? Nakuha naba ng pamilya niya ang bangkay nito at saan ang burol? Gusto ko dumalo para makikiramay." Seryosong sabi niya kay Troy. Ayaw niyang isipin ng pamilya ni Andrew hindi mahalaga ang pagkakaibigan nila ni Andrew at kahit anong mangyari mananatili ang pagkakaibigan nila."

"ST. Luke memorial, Sir? Kahapon pa na claim ang bangkay ni Andrew. At dumating na sa Pilipinas si Drake... Galit na galit ito sa pagkamatay ni Andrew Sir... At balak nito gumanti. Hindi kaya ka ipapahamak ng tatlong iyon?"

"Kasamahan ko si Drake sa organisasyon noon at kahit wala na ito sa organisasyon binou namin noon. Nakukuha niya pa rin ang simpatya ng mga kasamahan namin sa black row at kapag nalaman niyang ako ang pumatay sa kapatid niya asahan mong malaking gulo ang naghihintay at wala siyang pinapalagpas kahit inosenteng tao dinadamay niya."

"So delikadong tao si Sir Drake?"

"Yes, mahal na mahal nito ang kapatid hahamakin nito ang lahat maipaghiganti lang nito si Andrew..."

"So anong binabalak niyo gawin namin Boss?"

"Clean the mess... At gusto ko mamatay sila sa paraan na walang maghihinala at bago makuha ni Drake ang tatlong iyon patay na sila. Dahil kung sakaling nakuha niya na ito. Ihanda natin ang mga sarili sa possibleng mangyari." Problemadong sabi niya sa mga ito.

"Ano pa hinihintay niyo lumakad na kayo!"

"Yes, Boss!"

"Siguruhin niyong hindi kayo papalpak sa mga trabaho niyo!"

"Opo, Boss..." Tumalikod na mga ito. Humugot muna siya ng hangin sa dibdib, bago tumingin sa wall clock nine o'clock in the morning at isang oras na lang check up ni Zynn. Hindi niya ito masamahan dahil kailangan niyang samahan muna si Violet. Baka kasi bigla itong himatayin gaya kanina. Ayaw niyang may masamang mangyari dito lalo pa buntis ito sa anak niya. Hanggang ngayon hindi niya pa nasasabi kay Zynn. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa.

Tumunog ang cellphone niya at agad sinagot ito. Hindi na siya nag- abalang tingnan ang screen kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Dude? Where are you? Nandito ako sa office mo pero wala ka?" Si Gabrielle ang nasa kabilang linya.

"Yeah, nandito ako sa hospital. Sunugod si Mr. Lee... Inataki sa puso. Sinamahan ko si Violet. Why?"

"Oh! Bro, huwag mong sabihin namamangka ka sa dalawang ilog na naman. Haha? Mahirap iyan, Bro... Paano pag nalaman ng asawa mo magkasama kayo ng ex-wife mo ngayon?"

"Gago! Hindi niya malalaman kung hindi ka magsusumbong. Besides, wala kaming ginawang masama ni Violet. Sinamahan ko lang siya. Iyon lang iyon." Depensa niya sa sarili.

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon