"Ilang araw na lang magpapasko na." Ang ama ni Zynn. Nakatingin ito sa mga nag- iilawang Christmas tree.
"Oo nga po 'tay, ano po kaya ang gagawin natin, nun? Kayo 'tay... Ano po gusto niyong mangyari kasama sina kuya at mga apo niyo." Tanong niya ditong nakangiti.
"Anak, Zynn... Wala na anak. Ang maihihiling ko lang sa inyo lalo na ikaw. Ang maging maligaya kayong lahat at sa relasyong mayroon kayo ni Amari. Anak ayaw kong makitang nasasaktan ka." Deretsahang sabi sa kaniya ng ama. Hindi niya inaasahan iyon. Maayos naman sila ni Amari. Wala siyang dapat ipag-aalala. Malinaw naman na hanggang sex lang... Pero sa mga nagdaang buwan na kasama niya ang lalaki. Unti-unting nahuhulog ang loob niya dito... para bang may puwang na ito sa kaniyang puso. Pero may asawa pa rin si Amari. Lagi niya iyon sinisiksik sa kaniyang isipan na huwag ma In love sa lalaki.
"Tatay, magkaibigan lang po kami ni Amari..." Sabi niya dito.
"Hindi malabong mahulog ang loob mo sa kaniya anak, mabait at matulungin si Amari. Isa pa, malapit siya sa mga bata. Katunayan niyan parang ama na nga ang tingin ko sa kaniya sa tuwing naglalambing ang mga bata. Kung hindi ko lang iniisip na hindi siya ang ama nina Zeke at Zion ay talagang mag-ama sila. Dahil may hawig ito kay Amari. Pero hindi eh?" Hindi siya makatingin ng tuwid sa ama. Nakaramdam siya agad ng hiya dito.
"May asawa na po si Amari, 'tay... Pinagtapat niya iyon sa akin. Huwag po kayong mag-aalala alam ko po ang ginagawa ko. Hinding-hindi po mangyayari ang kinatatakutan niyo." Sabi niya sa ama upang maging panatag ang kaniyang kalooban.
"Sana nga anak... Matanda na ako at hindi ko alam ang buhay ko kung kailan itatagal ang buhay ko sa mundo." Madamdaming saad nito sa kaniya.
"Tay naman... Huwag kayong magsalita ng ganiyan gusto ko pa humaba ang buhay niyo, okay?" Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, 'tay... Gusto ko pa kayo makasama ng matagal lalo na ang mga apo mo." Medyo may kahinaan na si tatay pero ayaw niya pa itong tanggapin sa sarili. Hangga't maari... Dagdagan pa ang buhay ng ama. Iyon lagi ang pinagdarasal niya sa araw araw sa Dios. Ang pahabain pa ang buhay nito.
"Mahal na mahal rin kita anak. Kung sakaling may dumating problema sa iyong buhay. Kung sakaling magkaproblema man. Sana anak tatagan mo ang iyong loob. Ayaw kung makita kang paghinaan ng loob. Dahil ako ang unang nasasaktan." Tango lang sinagot niya dito at palihim namang pinunasan ang namuong luha sa kaniyang mga mata. Sa totoo lang itong mga nakaraang mga araw marami siyang iniisip.
Negosyo. Pamilya at lovelife.
Mula kasing dumating sa buhay niya si Amari biglang nagkaroon ng kulay ang mundo niya. Parang nasasanay na siyang andiyan ito palagi sa tabi niya ang lalaki sa tuwing kailangan niya ito.
"Opo, Tatay pangako po.."
Sinalubong niya ng yakap ang lalaki ng dumating. Malalim ng gabi ng dumating ito. Ramdam niya itong pagod na pagod sa biyahe pero hindi pa rin nawawala ang pagiging malambing nito, pagdating sa akin. Dinampian siya nito ng halik sa noo at papunta sa kaniya labi. Buong pusong tinanggap niya naman iyon. Aminin niya man o hindi mahal niya na ang lalaki. Pero hindi niya magawang umamin dito.
"I miss you..." Bulong nitong sabi sa akin. Hindi siya sumagot. Ginatihan niya lang ito ng yakap.
"Kumain kana ba ipaghain kita ng makain?" Tanong niya kay Amari. Inalis muna nito ang necktie at sapatos bago sumagot sa akin. Ngayon niya lang napansin nakapang office pa lang ito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
General FictionAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020