Kabanata 57

42 0 0
                                    

Namimilipit sa sakit sa tiyan si Zaira. Ilang araw na sumasakit ang tiyan niya at wala siyang sinasabihan dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na may kapalit na agad ang ama niya sa Mommy Zynn niya. Kahit wala pa isang linggo mula ng malibing ito. Kahit sino wala siyang kinakausap kahit pa mga kapatid niya dahil masama ang loob niya sa mga ito. Nakikita niya kasi nakukuha na ng babaeng iyon ang loob ng mga kuya niya at sa lahat ng tao dito sa bahay. At wala man ni isa sa kanila para kamustahin siya. Kahit alam naman ng mga ito ay nagtatampo siya. Lalo lang nagrebelde ang kaniyang kalooban. Sa sobrang sakit ng tiyan niya hindi siya makatayo malalim ng gabi. Wala na, kahit isa na gising na mga kasambahay. Malayo ang tulogan ng mga kasambahay mula sa mansion.  Pinawisan din siya ng malamig.

Hindi napigilan ni Zaira ang mapasigaw dahil sa sakit ng kaniyang tiyan at nagising kaagad ang katabing kwarto niya. Walang iba kundi si Margarita. Kahit ayaw niya itong kausap at makita. Pero wala siyang magawa ang pagtiyagaan ito. Malalakas na katok ang kumalagpag sa pinto ng kaniyang silid at malakas na boses ni Margarita habang tinatawag ang kaniyang pangalan.

"Hey, Zaira? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw, ha? Buksan mo ito pinto papasok ako. Please? Huwag ka na magmatigas. I know you need my help..."

"Door open..." Sabi niya ng malakas. Dahil ang pinto ng kaniyang silid ay mayroon voice luck. Tanging boses niya lang ang password, bago ito bumukas. Sinadya talaga itong nilagyan ng ama. Dahil kung sakaling may masamang taong magtangkang pasukin sila. Hindi ito basta basta makakapasok sa kahit saang silid. Maliban sa kwarto ni Margarita dahil ito ay manual lang. Lahat naman ng guess room ay manual lamang ang luck ng mga pinto.

Kaagad naman lumapit sa kaniya si Margarita pagkapasok at naramdaman niya ang pag-aalala nito sa kaniya katulad ng kaniyang Mommy Zynn.

"Zaira?"

"Tita... My stomach hurts... has Daddy come?" Mahinang boses na tanong niya.

"Hmp, No... Pero sabi niya ng tumawag kanina darating siya ngayon pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Why does it hurt you? You want me to take you to the doctor, we'll just call him when we get to the hospital."

"I don't know... ahhh, my stomach hurts so much."

"Okay, okay, okay... Tatawagin ko lang ang driver para dalhin ka sa hospital."

Hindi na siya sumagot dahil sa sakit ng kaniyang naramdaman.

Kaagad naman tumawag si Margarita sa driver para ipaalam na isugod sa hospital si Zaira. Mabilis naman sa alas kuwatro bumangon si Mang Niko at pumunta sa garahe para ihanda ang sasakyan.

"Hintayin ko na kayo sa garahe Ma'am, Margarita." Sabi ni Mang Niko.

"Oh, sige. At tawagan mo na rin ang Sir niyo. Kasi hindi sumasagot sa tawag ko, eh?" May inis sa kaniyang boses. Pinapatayan siya nito ng tawag kaya hindi siya nakakatulog. Hanggang sa marinig ang sigaw ni Zaira.

*

"Boss, pamalit niyo po at mag umaga na rin po baka gusto niyo po umuwi muna kanina pa tumunog ang cellphone niyo."

"Yeah, What time is it?"  Agad naman tumingin sa relo si Danilo. Limang kutong lupa ang napatumba ngayong araw. Dahil sa laking atraso nito at sa pagastos sa salaping walang paalam.

"3: 50 ng umaga Boss!"

"Kaya naman pala inaantok na ako. Sige, ikaw na bahala dito. Uuwi na ako. Tiyakin mo na walang pamilyang maghahanap sa mga iyan. Kung mayroon man bigyan mo ng pera para hindi na mag ingay pa." Marahas na sabi niya.

"Yes, Boss! Walang problema."

"Good." Tumalikod na siya dito. Matapos magpalit ng damit na natalsika ng dugo.

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon