Malapit na magsisimula ang program pero wala pa din si Amari.
"Mom?" Si Zion.
"Wala pa ang Daddy niyo?" Wala sa loob na sabi niya sa anak.
"Mag start na po ang program... Tayo na po sa loob. Baka hahabol na si Daddy." Sabi sa kaniya ng mahinahon.
Humugot siya ng malalim na hininga at isang suplyap pa sa labas bago siya tumango.
"Sige. Baka nga hahabol na siguro ang Daddy niyo. At baka hinanap na tayo ng kapatid mo." Sabi niyang may bigat sa loob niya.
Tumango na naman si Zion sa kaniya at napipilitang pumasok na sa loob ng school.
Subalit hanggang sa matapos ang program walang Amari dumating kahit anino nito. Kahit alam niyang malungkot si Zaira dahil wala si Amari. Nililibang na lamang niya ito at sinubukang pasayahin, kumain sa labas. Kahit papaano mawala sa isip nito na mas priority ng Daddy nila ang trabaho kaysa kanila mga anak nito. Alam niyang mahal ni Amari ang mga anak niya. Baka nga siguro busy lang ito. Subalit naramdaman niyang may mali na... Madalas umuwi itong late na at amoy alak pa. Gusto niyang magtanong pero natatakot siyang marinig ang sasabihin pero this time maglakas loob na siya. Hindi siya makakatulog hangga't hindi naayos ang problema.
"Let's go mga anak... Gusto niyo ba kumain sa paborito niyong restaurant?" Tanong niya.
"Mom? Me... Gusto ko po umuwi at magpahinga." Si Zaira. Nasa labas ang tingin.
"Ayaw mo ba kumain kahit anong gusto mo bibilhin ni Mommy?" Pilit niyang pinapasigla ang boses. Si Zaira ang hirap pasayahin na anak. Literal ang pagiging tampuhan.
"No. Busog pa po ako. Besides, masakit po ulo ko." Matamlay na sagot.
Sighed. "Masama pa din ba ang loob mo anak?" Mahinang Tanong niya dito.
"Mommy? Sino hindi sasama ang loob ko! Nangako ka... Si Daddy... Na pupunta siya. At panoorin ako. Pero nasaan siya? Wala? Sabi ko sa mga friends ko... Kumpleto kayong darating at panoorin ako. Pero hindi pala mangyayari. Napapahiya tuloy ako. Sana hindi na lang nangako... Hindi sana ako umasa." Nakasimangot na sabi sa kaniya ni Zaira.
"Sissy... Busy lang si Dad?" Si Zeke.
"No! Hindi naman siya ganiyan dati eh?" Sa mataas na boses.
"Oo nga naman, Mom? Bakit itong lately parang may nabago kay Daddy. Hindi na namin siya madalas nakakasabay sa pagkain? Wala na tayong family time, why?"
Humugot siya ng malalim na hininga.
"Hindi ko alam. Kung ayaw niyo kumain sa labas. Okay, uwi na tayo. Magpapaluto na lang ako ng pagkain sa katulong niyo." Sabi niya.
"Mom? If ever may problema po kayo ni Dad. Dito lang po kami.... Hindi namin hahayaan ni Zion na saktan ka ni Dad. Magagalit po kami sa kaniya kapag sinaktan ka po niya."
"Salamat, anak pero problema namin iyon mag asawa. Huwag na kayo makialam ha? Pag- aaral niyo muna ang atupagin niyo at kaya ko naman... Okay?". Tumango naman ang mga ito.
Habang binabagtas ang daan pauwi bigla na lang huminto ang sasakyan sa gitna ng kalsada at tirik na tirik ang araw.
"Minamalas ba naman oh!" Rinig niyang reklamo ni Nilo. Ang kanilang family driver.
"Bakit? Anong nangyari, Nilo?" Kinakabahang tanong niya.
"Hindi ko po alam, Ma'am... Bigla na lang po tumigil itong sasakyan."
"Pakitingnan niyo po kung anong nangyari?" Sabi niya. Napansin niyang nakatulog ang mga bata pero ng matigil ang kotse nasipagisingan ang mga ito.
"Opo, Ma'am?" Kaagad namang bumaba si Nilo para e check ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
General FictionAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020