TBM 19*

256 5 0
                                    

"Parating na sila Tatay at kuya Amari." Pagbigay alam ni Joel. Kumpleto silang magkaanak sa haponan. Nagpahanda siya ng maraming pagkain para sa pag welcome home ng Tatay ngayong araw kasi ang labas nito sa hospital. Sa wakas makakita ng labas si Tatay at hindi na puro nurse at mga doktor ang makikita nito.

"Ganoon ba? Ang cake... Labas niyo na Ate!" Sabi niya sa hipag.

"Opo, naka ready na sa mesa."

"Iyong letchon!"

"Ready na rin... Kanina pa inayos sa mesa ni Leo." Si hipag number 2.

"Okay, tawagin mo na sila kuya Leo at kuya Rafael, Ate? Para sabay namin salubongin si Tatay." Utos niya dito. Umismid naman itong tinalikuran siya. Dati pa naman ay ganoon na talaga ang ugali ng hipag niya iyon. Asawa ng kuya Leo niya. Hindi niya rin alam, kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo nito sa kaniya.

"Diyan na ba sila Bunso?" Si kuya Rafael ang unang lumabas. Sumunod rin naman si kuya Leo. Nakasimangot ang mukha nito pero ng mapansing nakatingin siya dito. Agad rin namang ngumiti.

"Diyan na ba sila Tatay?" Tanong nito sa kaniya.

"Oo, hali na kayo... Nasa labas na rin sila Joel at Boboy nakaabang na, tayong tatlo na lang wala." Wika niya.

"Tayo na! Ano pa hinihintay natin!' nauna ng naglakad si kuya Leo at sumunod naman sila ni kuya Rafael.

Nakahanda na ang hawak nilang tarpaulin na may nakasulat na welcomes home Tatay. Hinintay nila muna ang paglabas nito sa kotse ni Amari. Una nito nilabas ang wheelchair at sunod naman binuhat ni Amari si Tatay. Ang laking pinayat nito kaya naman kayang kaya lang ni Amari buhatin si Tatay.

"Welcome home, Tatay!" Napaluha na naman ito sa nasaksihan.

"Mga anak ko..." Luha ng kaligayahan.

"Welcome home po, Lolo!" Sina Zeke at Zion at iba pang mga apo nito kina Leo at Rafael.

"Mga apo ko..." Ma emotional nitong niyakap ang namimis nitong mga apo.

"Ang taba muna ha? Zeke... Zion.. siguro inubos niyo na ang tinda ng grocery kaya lumubo iyang pisngi niyo dalawa."

"Hindi po... Masarap lang po ang ulam palagi kaya kami tumaba."

"Wow, naman... Pahingi kung masarap!" Natatawang pinisil nito ang mukha ng mga kambal.

"Opo, marami pong hinanda na pagkain si mommy para sa inyo. Tayo na po sa loob, Lolo..." hinila nina Zeke at Zion ang Lolo nila sa loob ng bahay.

"Ate, una na kami sa loob ng bahay ha? Sunod na kayo..." Rinig niyang sabi ni Joel. Kaagad naman siyang tumango sa kapatid.

"Thank you, ha?" Sweet niyang ngiti.

"Your welcome... " Sabay halik sa labi niya. Kinabigla niya naman.

"Hoy, baka makita tayo!" Agad namang nilayo ang sarili dito.

"So what? You don't want them to know, kung ano ang score natin dalawa?" Kunot-noong sabi sa kaniya.

"Na ano? Ang sabihin natin sa kanila na nagtatalik lang tayo at walang love! Ganoon mo ba gustong malaman nilang lahat, ha?" Sabi niyang pinamaywingan ito.

"I'm sorry..." sa mahinahong boses. Pero mabilis siya nitong yinapos at hinalikan sa labi. Hindi siya nakareak sa ginawa ni Amari.

"Okay. Pasinsiya rin kung napagtaasan kita ng boses. Sa ngayon secret muna. Ayaw ko maging masama ang tingin nila sayo. Kung maaari sana maging maingat tayo." Sabi niya ng talikuran niya ito. Pumasok na sa loob ng bahay.

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon