TBM 5

387 9 0
                                    

Esaktong 8 am ng umaga, ang pasok ni Zynn sa trabaho. Hangga't maari iniiwasan niyang ma late at umabsent sa trabaho. Sayang kasi iyong ibabawas nila sa sahod mo. Kaya naman lagi siyang maagang pumapasok. Kahit may sakit siya pumapasok pa rin siya. Basta kaya niya.




"Morning, Zynn..." Si Louren. Himala maaga ito. Minsan kasi late na ito kung pumapasok.



"Morning too.. maaga ka ngayon?" Sabi niya dito. Ngumiti naman ito sa kaniya ng matamis.




"Yes... May tao kasi diyan na gustong magpaabot sayo nito!" Inabot sa kaniya ang card. Napakunot naman ang noo niyang napatingin sa card.




"Ha? Sino? Para saan to?" Sunod-sunod niyang tanong kay Louren.





"Basahin mo dai.. basta kapag ano man ang nilalaman niyan. Sunggaban mo na agad. Swerti mo na iyan girl... alam mo kasi sobrang yaman ng taong iyon. Biruin mo, ha? Binigay kay George ang buong casino ito. Grabi talaga!" Sa sinabi sa kaniya ni Louren. Alam na niya kung sino ang taong iyon.





"Hindi ako interesado sa kaniya. Mamamatay tao siya, Louren! Hindi mo ba nakikita iyong pinatay niya sa harapan nating lahat, nakaraang araw, ha?" Sabi niya dito. Narinig niyang paghinga nito ng malalim.






"Jella Zynn, Masamang tao ang pinatay niya! Sabi sa akin ni George... Madaya ang taong iyon at marami na itong kinuhang pera sa casino dahil sa pandarayang gawain nito. At nararapat lang sa kaniya iyon." Mahabang paliwanag sa kaniya ni Louren. Pero umiling siya. Hindi pa rin tama na pumatay ng tao. Mayroon naman batas para parusahan ang taong iyon. Hindi iyong patayin na walang kalaban-laban.

"At naniniwala ka naman sa kaniya. Louren, pinagtatakpan niya lang ang taong iyon. Dahil may kapalit at tingnan mo naman itong boung A casino ay binigay kay George! Hindi kaba maghihinala doon. Ha?" Sabi niya sa kaibigan.

"Zynn, Whether it's true or not! Let's not interfere in their problems. Okay?Think of your children when you are interfering!" Humugot ng malalim na hininga si Zynn. Tama si Louren.

"Ayaw ko pa rin sa kaniya. Pakisabi kamo sa kaniya... Huwag siyang mag- aksaya ng oras sa akin dahil hindi ko siya papatulan kahit anong gawin niya." Pabagsak niyang sinara ulit ang locker at tinalikuran si Louren roon.




Sumalang na siya sa kahera. Marami na agad customer. Maraming kang laruin sa loob ng casino, pwide kang maging instant milyonaryo dito. Kung sakaling swertihin pero mayroon rin naman minamalas at nalulong sa sugal. Minsan na siyang sumubok tumaya sa Roulette mas madali lang itong laruin kumpara sa Blackjack at poker. Kaya lang lagi siyang bokya hindi natatapat sa gusto niyang makuhang panalo. Hanggang sa tumigil na siya paglalaro dahil diyan nauubos ang ipon niya at pakiramdam niya naadik na siya sa Roulette.







"Wine please..." Katabi niya rin ang mga iba't ibang klaseng alak. Kahit minsan hindi niya pa natikman. Paano naman kasi ang mahal naman ng presyo buong sahod na niya ang presyo nito sa isang bote. Mas Mabuting huwag na lang tumikim baka mamaya malasing pa siya.





"Excuse me." Rinig niya, sa familiar na boses. Nagsalubong ang kanilang mga tingin. Agad naman siyang napuyoko dito. Ang tibok ng puso niya ay napakabilis bakit ganoon na lang ang naramdaman niya parang may nagtambulan sa loob. Parang dinadaga na iwan.






"Ha?" Tulalang sagot niya dito.




"Hindi ka lang lutang... Bingi ka rin!" Sabi nito sa kaniya uminit naman agad ang ulo niya sa sinabi nito. Hindi yata siya patalo sa hambog at mamatay tao na lalaking ito. Kahit mukha pa itong demonyo. Lalo na kung nasa tama siya.






The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon