"Nakikiramay ako Bro..." Si Gabriel. Kasalukuyang nakaburol si Zynn. Matapos lumabas sa DNA sample at iba pang pagsusuri ginawa sa babae.
Dumating din sa Manila ang kamag- anak ni Zynn. Matapos malamang patay na ito. Puro iyak sina Zeke, Zion at Zaira habang nakadungaw sa kabaong ng ina. Hindi magawa ni Amari dumungaw o silipin ang asawa sa kabaong. Dahil sa guilt naramdaman. Sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Zynn.
"Thank you, Bro..." Malungkot na sabi ni Amari.
"Kumusta mga bata?"
"They cry... I feel like, I'm blaming myself now that I didn't do anything. Anong klaseng asawa ako, Gabriel? Wala man lang akong nagawa para ipagtanggol si Zynn. Kung maaga sana ako dumating hindi sana siya mamatay kasalanan ko... Kasalanan ko Damn!" Hindi napigilan ang sariling suntukin ang matigas na pader dahil sa sama ng loob at hinanakit.
"It's my fault!" Hindi mapigilan ang paglabas ng kaniyang mga luha na parang tubig na lang bumuhos habang sinisisi ang sarili niya. Sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam ngayon parang may batong nakadagan dito.
"Bro, enough! Walang may gusto sa nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo."
"No! Kasalanan ko talaga ang lahat Gabriel! Walang ibang sisihin kundi ako! Ako?"
"Okay, Sabihin natin kasalanan mo nga pero Bro, may mga anak ka. Kailangan mo rin maging malakas para sa kanila. Nawalan na sila ng ina. Pati ba naman ikaw mawala na sa kanila. Kung nasasaktan ka ngayon mas nasasaktan din sila. Duble pa sa naramdaman mo."
"Ang sakit sakit dito Gabriel... Kung alam ko lang mawawala siya sa akin sana hindi ako nagsayang ng oras at bawat minuto pinalagahan ko. Pero anong ginawa ko... Niluko ko ang mabait kong asawa. Wala akong kuwentang tao!"
Hindi na nagsalita pa si Gabriel. Hinayaan na lamang niya si Amari maglabas ng sama ng loob. Hanggang sa bumuti ang pakiramdam nito.
Dumating naman si Violet sa mismong lamay ni Zynn. Walang ibang nakiramay maliban sa kaniya. Marahil tulog ang mga ito. Dahil sa pagod at puyat. Pero nakita niya si Amari sa sulok tahimik lang ito nakatingin sa kabaong. Marahan siyang lumapit sa kabaong na nag-aalangang lumapit pero dahil gusto niyang ipakita kay Amari ang pakikiramay niya dito. Nilakasan niya ang loob. Nang malapit na siya sa kabaong dumungaw siya at ngumiti ng mapait ng masilayan ito. Pero kalaunan nagagalak sa tuwa ang puso niya. Dahil sa wakas masusulo niya na si Amari. I'm sorry, Zynn? Akin na ang asawa mo. Maligayang paglalakbay sa kabilang buhay. Huwag kang mag-alala alagaan ko mga anak mo at magiging Nanay nila ako. Hahaha? sa isip niya at nag kunwaring nalungkot. Nang matapos mag- alay ng dasal sa takot multohin. Lumapit siya kay Amari para iabot ang pakikiramay dito.
"Amari... Nakikiramay ako sa pagkamatay ng asawa mo." Malumanay sabi niya dito. Tumango lang ito, matapos mabigla sa pagdating niya.
"Paano mo nalaman ang bahay ko?" Malamig na tanong sa babae.
"In the news." Simply sagot niya dito. Tumabi siya ng upo sa lalaki.
"Thank you. At pasensiya sa tanong ko."
"Wala iyon... Ano kaba? Buti nga naka headlines, eh? Kahit papaano nalaman ko at nakapunta ako dito. At may pinagsamahan naman tayo..." Binibiting sabi niya dito.
"Margarita sorry for what I did. And about what happened to us. Maybe that's it. I will never exchange my wife for another woman. She is the only one I will love first and last." Sabi sa kaniya habang nasa kabaong ang paningin ni Amari. Kahit man masakit marinig. Lumunok na lamang siya ng laway at ngumiti ng matamis sa lalaki.
"Alam ko. Mahal mo asawa mo... Kaya mo nga siya pinakasalan, eh?" Sabi niyang pilit makabou ng salita na hindi namamaos.
"Mahal na mahal ko si Zynn... Mahal na mahal." Boung pusong sabi ni Amari sa babae ng totoo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
قصص عامةAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020