Napatayo siya sa gulat ng makitang kampanting nakaupo sa sofa si Amari hindi man lang ito nag abalang magbukas ng ilaw sa sala. Hindi rin siya ginising ng katulong para ipaalam na dumating ito. Dalawang buwan rin itong nawala at hindi niya inaasahan ang pagdating nito.
"Amari..." Sa namaos niyang boses. Nagising kasi siya dahil nakaramdam siya ng uhaw.
"Hello?" Magulo ang buhok nito at mukhang pagod.
"Paano ka nakapasok?" Tanong niya rito. Matapos kumuha ng tubig sa ref at sinalin sa baso ang laman ng pitchel. Muli rin niyang binalik sa ref.
"One of your maids opened the door for me outside..." Pagod nitong sagot sa kaniya.
"Ah, ganoon ba? Bakit hindi mo ako pinagising, ha?"
"I didn't wake you up, I know you were tired all day."
"Napagod nga ako... Nakatulog ako agad pagkalapat pa lang ng likod ko sa higaan."
"See..."
"Kumain kana ba? Gusto mo ba ipaghain na kita?" Tanong niya dito.
"Anong mayroon diyan?"
"Uhm, mayroon pa naman tirang ulam kanina initin ko lang."
"Okay..." Tahimik lang itong pinapanood siya, habang iniinit ang ulam sa microwave.
"Bakit hindi ka nagpasabi na darating para nakapaghanda ako at ipagluluto kita ng masasarap na pagkain."
"You can cook for me tomorrow." Simpleng sagot sa kaniya ni Amari. Napangiti naman siya ng lihim. Ibig sabihin matagal pa ito babalik ng manila.
"Okay, mamalengke ako bukas ano ba gusto mo kainin?" May kasiglahan sa kaniyang boses na tanong dito.
"I heard the boneless bangus here is delicious." Napangiti naman siyang napatingin dito. Inalis niya na rin ang pinainit na ulam at nilapag sa mesa.
"Oo, masarap... Pero matinik!"
"It's okay, If there to help me remove."
"Oo, naman... Masarap rin iyong fride itik... at sugpo..."
"Really! Wow, I like it!" May kasiglahan sa boses na sagot nito.
"Heto na pagkain mo. Kumain kana?"
"Salamat, ikaw rin?"
"Kumain na ako. Kakain na lang ako ng junk food. Habang kumain ka pa diyan." Sabi niya dito.
"Okay, pero huwag sobrang kumain niyan. Makakasama sa health." Aniya.
"Oo naman." Nakangiting sagot niya kay Amari.
"Good. How are you here are there any problems? I've been busy for the past few months." Simula nito. Alam niyan iyon dahil hindi ito madalas tumawag o kahit magtext man lang. Hindi naman sa hinihintay niya mga tawag nito. Pero ang mga bata hinihintay ang tawag ni Amari. Nahiya rin naman siyang tawagan ang lalaki. Baka makadistorbo lang siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
Ficción GeneralAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020