"Mommy? Mommy?" Umaalog-alog ang higaan niya. Dahilan para magising siya agad.
"Gising kana po.." rinig niyang sabi ni Zeke at Zion.
"Anong oras na?" Nakita niyang mainit na sa labas. Napasarap ang tulog niya.
"Seven o'clock in the morning." Si Amari. Nakasandal ito sa gilid ng pinto, habang ang dalawang braso nito nasa dibdib.
"Sorry... Tinanghali ako ng gising." Sabi niya.
"Mommy... Gising kana po diyan. Gutom na kami ni Zeke... masarap po ang pagkain natin. Galing Jollibee!" Masayang balita ng anak sa kaniya.
"Umorder ka nang pagkain?" Magkasalubong ang mga kilay niyang tanong dito. Nagkibit-balikat naman ito.
"Yes.. hindi ako marunong magluto, eh? Nahiya naman akong gisingin ka." Napakamot ito sa kaniyang ulo.
"Si Joel... Hindi ba maagang nagising para magsaing man lang?" Tumayo na siya at lumakad palabas ng silid.
"He's not there. He left early. He said, he was going to pick up Boboy, in jail." Hindi natuloy ang pagkatok niya sa silid ni Joel. Humarap siya dito bigla. Muntikan pa maghalikan silang dalawa. Hindi niya napansin nakasunod pala ito sa kaniya at nasa likuran niya lang si Amari.
"Sorry... Hindi ko napansin nasa likuran lang kita." Marahan siyang umatras upang magkaroon ng distansiya ang pagitan nila ni Amari.
Tumikhim naman ito ng mapansing bumaba ang tingin nito sa kaniyang dibdib. Agad naman niyang tinakpan ang sarili ng malamang wala siyang bra at manipis pa ang sout niyang pantulog. Aninag ang dalawang nipple niya sa nipis ng pantulog niya.
"I think you should get dressed first, before you leave the room." He said. Tumalikod na ito at naiwan siyang mag-isa. Napalunok siya ng laway nakasunod dito ng tingin. Hays..
"Kids! Come on let's wait for Mommy in the kitchen." Hindi niya naman maiwasang mamula sa sinabi nito sa mga anak niya. Pakiramdam niya tuloy ito ang ama ng mga anak niya.
"Okay po..." agad naman nasipagtakbuhan ang mga ito kay Amari. Napapansin niyang masunurin ang mga anak niya kay Amari. Nakahanap ng ama sina Zeke at Zion sa katauhan ni Amari. Pero natatakot naman siya na baka balang araw mawala sa buhay nila mag- ina si Amari. Kapag nangyari iyon masasaktan na naman sina Zeke at Zion. Pero sa ngayon hindi niya muna iisipin ang mga bagay na iyon. Dahil hindi pa naman nangyayari.
"Mommy... Baba na kami." Agad naman siyang tumango.
"Sige. Bihis lang sandali si Mommy." Sabi niyang nakangiti.
"Hintayin kana namin sa kitchen." rinig niyang sabi ni Amari. Tumango lang siya ditong nahihiya pa.
Mabilis lang siyang nagbihis ng damit. Pagkatapos bumaba na siya sa hagdan. Dalawang palapag ang bahay na binili ni Amari para sa kanila. Ang First floor raw ang mini grocery dun nila kukunin lahat ng pangailangan. Sobra-sobra na ang mga binibigay sa pamilya niya si Amari. Tinulongan niya pang makalabas sa kulungan si Boboy at si Tatay naman ay nalipat na sa magandang hospital iyong maalagaan siya ng mabuti ng mga doktor. Binilhan rin ng motorsiklo si Joel para may magamit sa pagpasok sa eskwela. Si Kendra naman hindi na nag-aral dahil buntis. Wala na siyang magawa pa. At sa private na eskwelahan nalipat ang kambal. Lahat iyon si Amari ang may gusto. Kahit ayaw niya mapilit ito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistake
General FictionAmari Dela Fuentes a mafia boss. A dangerous man. The Children super Z. Zeke Zion Zaira Zarah Started: Octuber, 2020