TBM 33*

161 3 0
                                    

Napasugod si Violet ng makita ang babaeng dahilan na kaniyang mesirable buhay. Walang makakapigil sa kaniyang saktan ito kahit pa si Amari.







"Hayop ka! Dapat sayo ang mamatay! Mang-aagaw ka!" Galit niyang sasabunutan sana ito ng buhok. Pero may pumigil sa kaniya gawin iyon.






"Violet?" Napaatras siya ng bahagya sa hindi inaasahang pagsulpot ni Violet.







"Oo, ako! Mang- aagaw ka!" Ngumiti siyang hinarap ang dating asawa ni Amari.







"Mang-aagaw kamo.. haha! Wala akong inagaw Violet! Sa pagka- tatanda ko wala na kayo ni Amari ng dumating ako sa buhay niya. Anong inagaw ko roon?" May lamang sabi niya dito.







"Magkakaayos pa kami.. kung hindi ka lang umeksena. Besides, ako pa rin naman ang mahal niya, kaya ka lang niya pinakasalan dahil sa pampa blockmail mo sa kaniya." Hindi agad naka reak si Zynn sa narinig. Biglang pumait ang kaniya panlasa.







"Akala mo siguro hindi ko malalaman ang tungkol sayo 5 years ago ha? Akala mo ba hindi ko malalaman iyon."







"Ano naman ngayon kung alam mo at ano naman ngayon kung bina' blockmail ko si Amari. May magbabago ba Violet? Wala di'ba? Sino sa atin ang kabet ngayon? Hindi ba ikaw? Ako sayo matututo kang lumugar at dumistansya sa taong may asawa na." Matapang niyang sabi sa babaeng walang ginawa ang manakit ng damdamin. Sa mga nangyayari sa buhay. Wala na siyang pakiramdam mas naging matatag pa siya.







"Huwag kang makakasiguro na hindi siya babalik sa akin at mabaliw ulit sa akin. Minsan niya na akong minamahal at gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako..."







"Go! Gawin mo Violet! Diyan ka naman magaling! Gusto mo tulongan pa kita?" Lakas loob niyang sabi sa babae. Sa totoo lang natatakot rin siya pero kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang ipakita kay Violet ang katapangan niya kaysa makita nitong mahina ako.







"Ahh!! May hangganan rin iyang katapangan mo babae ka? Makikita mo!" Nang mawala sa paningin niya si Violet. Saka pa siya nakahinga ng maluwang. Pero kaagad siyang napakapit sa bakal dahil sa panglalambot ng kaniyang mga tuhod.








+++

"Congrats! Amari... Nalaman kong pinakasalan mo siya." Bungad niya kay Amari. Pinipilit niyang maging normal sa harapan nito.






"Thank you, Violet." Muli nito hinarap ang ginagawa. Nang hindi pa rin siya umalis sa harapan nito. Magkasalubong ang mga kilay nitong mag- angat ng tingin sa kaniya.








"Do you need anything else?" Pinalungkot niya ang kaniyang mukha at huminga ng malalim.









"I know, I shouldn't tell you this but, You have a right to know... Amari, hindi ko to ginusto.. nag-iingat naman ako, eh?" Sa malumanay niyang boses. Kailangan niyang maging mabait sa harap ni Amari. Kung ang nagustuhan niya kay Zynn, ang pagiging santa nito. Ganoon rin siy para makuha ito ulit.









"Then, What?"








"Basta huwag mong isipin na.. sinisira ko ang buhay mo. Okay lang talaga sa akin kung tanggapin mo o hindi basta malaman mo lang ang totoo, Amari. Dahil importante ka pa rin sa akin."








"Can you straighten me up Violet! You're making me nervous..." Naiinip na sabi dito.








"Amari, I'm pregnant.. I swear, I didn't mean it.. hindi ko alam na may mabubuo ng minsan may mangyari sa atin ng gabing iyon. I'm sorry... Hindi ko talaga sinasadya.. o-okay lang ayaw mo sa siyang kilalanin..." Umiiyak niyang sabi sa lalaki na hanggang ngayon hindi pa rin makapagsalita sa nalaman.








The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon