Kabanata 47

122 3 4
                                    

7 Months Later...

"Mga kids mag- aral kayo ng mabuti. Ha?" Sabi niya sa mga anak. Habang karga si Zariah. Ayaw kasi nito magpalapag at wala pa rin silang nakukuha kapalit kay Diana. Hirap humanap ng katulong na pagkatiwalaan sa panahon ngayon. Full time Mommy kasi siya sa apat na mga anak. Abala naman kasi si Amari sa maraming business nito.

"At kayo Zeke, Zion? Malaki na kayo. Pag- aaral ang atupagin, ha? Bawal muna lovelife!" Pabirong sabi niya sa kambal.

"Mom? I saw a girl texting Kuya Zeke's phone." Sumbong sa kaniya ni Zaira. Si Zaira ang pangatlong anak niyang babae. Mabait at matalino si Zaira walang lihim na maitatago sa batang ito. Dahil lahat sasabihin. Dahil sa pagiging sumbongera ni Zaira. Madalas ang pagtatalo at pikunan.

"Totoo po Mommy? Nakita ko rin." Si Zion. Bungisngis na sabi sa kaniya. Kahit may laman ang bibig.

"Hindi ko iyon kilala, Mom?" Agad naman depensa ni Zeke. Pinagtulongan ng magkakapatid.

"Anong hindi! Nabasa ko pa nga I love you Zeke... Gusto kita. Sana naman pansinin mo ako, ayeeh! Kinilig siya..."

"Kilig ka diyan. Sus! Baka nakalimutan mo magkamukha tayo at baka tayong dalawa ang gusto niya hindi lang ako."

"I'm sure... Ikaw ang type niya Bro! Not me. Kasi kahit magkamukha tayo magkaiba ang mga gusto natin. At ikaw mahilig sa formal attire like Dad? At ako naman mga jologs na pormahan. I like music... Pero ayaw mo ng music. Mahilig ka sa books magbasa. Pero ayaw ko naman. Kasi boring. Marami tayong kaibahan. At iyon ang nagustuhan ng crush mo at dahil she's desperate na.. a'yon kinuha na number mo. Haha?" Nakangiting sabi  ni Zion.

"I don't like that kind of girl..."

"Ayaw mo ba nun... Siya na ang lumalapit sayo. Walang problema?"

"Whatever!"

Nakita kong mabilis ang paglipas ng mga buwan at mga araw na hindi mo namamalayang may dalawa ka ng binata. 15 year old na mga ito. Magbibinata na... Hindi magtatagal may sariling mundo na sila. Pagdating ng panahon.

"Totoo ba iyan?" Si Zynn.

"Yeah, I also saw Mommy." Si Zaira.

Sighed.

"Zeke?" Gusto niyang marinig mula kay Zeke kung totoo. Ayaw niyang muna pangunahan ito. Kailangan niya pa rin pakinggan ang side ni Zeke.

"Mommy... Hindi ko nga siya kilala. Hindi ko rin alam paano niya nakuha phone number ko."

"Bakit hindi mo kilalanin Bro!"

"Para ano?" Yamot na sagot ni Zeke kay Zion.

"Malay mo kuya she's your destiny someday..." Ngising sabi ni Zion.

"I don't like nga okay? If you want ikaw na lang..."

"Okay... Sabi mo, eh?" Excited na sagot naman ni Zion.

"Hello? My brothers. Mommy just said... No love life first!" Zaira's reminder to his older brothers. Zaira is only 8 years old. She's smart.

"I know. Joke lang iyon." Agad namang sagot ni Zion kay Zaira.

"Enough na iyan. Nasa harapan kayo ng kainan... Anong sabi ko bawal magtatalo sa harapan ng kainan." Lagi ko pinaalala sa mga bata na huwag magtatalo kapag nasa harapan ng kainan. At iyon din ang turo sa kaniya ng inay nung nabubuhay pa ito. Kaya ngayong may anak na ako. Iyon din ang turo ko.

"I'm sorry..." nauna nagsalita si Zeke.

"Ako rin..."

"Me too... Mommy?"

"Okay. Let's eat. Papasok pa kayo."

"Opo..."

"Mom?"

"Yes, Zion?"

"Hanggang kailan tayo dito. Hindi paba tayo babalik sa pangasinan?"

"Hindi anak... Dito muna tayo hanggang matapos iyong renovation."

"Bakit?"

"Nothing... Pero na miss ko sila Lolo at sila Tito..."

Sighed.

"Hindi pa sa ngayon... Makauwi."

"When?" Si Zeke.

"Hindi ko pa alam. Bakit ayaw niyo ba dito?"

"Gusto naman..."

"Gusto ko rin bisitahin ang Lolo niyo. Pero sa ngayon sa internet lang muna."

"Okay po..."

"Tapos na po ako kumain."

"Tapos na din po ako."

"Ako rin po."

"Sige. Ingat kayo sa school, ha?"

"Opo."

"Meme...pakihatid sila sa labas at samahan mo na lang din si Zaira sa school." Sabi niya kay Meme.

"Okay po, Ma'am?"

Humugot siya ng malalim na hininga habang sinusundan ito ng tingin. Mayroon sasakyang maghahatid, sundo sa school ng mga bata. Hindi siya umalis sa pinto hangga't hindi nakalabas ng gate ang sasaktyan. Nilapag niya si Zariah sa crib. Nakikita niyang tahimik ito at naglalaro lang.  Nangangalay na rin ang mga braso niya sa kabubuhat kay Zariah. At medyo may kabigatan na ito. Dalawang taon na si Zariah at nadagdagan ang food nito araw-araw. Minsan sumusuko na siya. Kapag apat na oras itong nagpapabuhat sa kaniya.

Isang businessman ang nagmamakaawa at lumuhod sa harapan ni Amari. Habang hawak niya ang caliber 45. Ilang buwan siyang pinagtataguan ni Mr. Yung. At sa kabila naman ay ang pamilya nito. Maniningil lang naman siya ng utang. At ang ayaw niya sa lahat ay ang pagtataguan siya at pagtataksilan.

Narinig niya ang iyakan ng pamilya nito. Nagmamakaawa para sa buhay ni Yung. Pero ubos na ang pasensiya niya sa mga kagaya ni Yung.

"Patawarin niyo ako... Magbabayad naman ako... Nagkataon lang wala akong pera." Hinampas niya ito sa hawak niya. At kaagad niyang nakita ang dugo nasa noo ni Yung.

"Na saan ang 10 milyon ko, ha?" Galit niyang sabi.

"Wala na..."

"Damn!" Nakalabit niya ang baril na hawak dito. Dalawang putok.. na kinasawi ni Mr. Yung.

"Hayop ka! Pinatay mo Daddy ko! Magbabayad ka!"

"Pagbabayaran mo ng mahal ang ginawa mo sa Daddy ko! Magdedemanda ako!? Hayop!"

"Malaki ang kasalanan ng tatay mo sa akin. Alam niya naman ang patakaran ko bago niya akong maging businesses investor. Any amount binigay ko sa kaniya para ibangon ang palugi niyang negosyo. Pero anong ginawa niya... Tinakbo niya ang pera ko! At dahil sa init ng ulo ko... Napatay ko siya." Nakangising sabi niya sa mga ito. Bago siya umalis inutos niyang linisin ang ebedensiya.. wala siyang pinagsisihan sa kaniyang ginawa.

"Amari Dela Fuenstes! Tatandaan kita... Pagsisihan mo ang pagpatay sa papa ko! Tandaan mo iyan. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakaganti sayo!"

Umangat ang gilid ng bibig niya at hindi takot na hinarap ang anak ni Yung. Wala siyang alam tungkol sa buhay nito. Pero hind mo pwide maliitan kung ano mang kayang gawin nito.

"Iyon ay kung buhayin pa kita. Sa tingin mo ba makakalabas ka ng buhay dito. No! Bata? Dito kana rin mamatay kasama ng Tatay mong manluluko! At magnanakaw!"

The Billionaire's Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon